SIAP: [00] PROLOGUE

11.2K 77 38
                                    

Stuck in a Photograph

by

mawi cataran

.

(11/14/2010)

.

.

.

.

(Author: lahat po ng nasabing pangalan, lugar, pangyayari sa istoryang ito ay sadyang kathang-isip lamang... salamat sa pagbabasa...)

.

Prologue <revised>

.

.

Akala ko normal ng maituturing ang buhay ko ngayon.

.

.

Isang tipikal na high school student na mahilig sa photography, music at arts.

.

.

Pero sa likod ng normal at tipikal na pamumuhay na 'yon ay may bumabalot na misteryo.

.

.

Nakakatakot?

.

.

Syempre nakakatakot.

.

.

Ayos lang kung multo kasi hindi naman niya ako magagalaw pero iba ang kaso ko...

.

.

May humahabol sa akin na tao at hindi ko alam kung anong pakay niya sa akin.

.

.

Ako si Rebecca Alexie Rodriguez Sarmiento, bunsong anak nila Mr. & Mrs. Sarmiento. May nakakatanda akong kapatid na si Aaron Alexander.

Nasa magandang estado ang buhay namin pero kagaya nga ng sinabi ko kanina e normal pa rin ang buhay ko. Hindi ako celebrity kung matatawag.

.

Nabibili ko ang mga bagay na gusto ko.

.

At halos napuntahan ko na ang kalahating parte ng mundo.

.

Eto lang ang bumabagabag sa utak ko ngayon;

.

ano bang atraso ko at pilit nila akong hinahabol?

####

note ni mawi:

dahil sa dumaang panahon, nabago ang flow ng story kaya minabuti kong palitang ang prologue para tumugma sa mga susunod na chapters.

C=

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now