Chapter 1: First day
Nakatayo ako sa harapan ng isang lalaki, alam kong nakatingin rin sya sa akin ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit at bumulong “Hate me, Love me.” Tapos isang malakas na tunog ng orasan ang aking narinig, teka orasan parang hindi tama? Ang pangit naman ng scene na ito bakit may tunog na ganun?
“Hoy, anak! Bumangon kana, mahuhuli kana sa skul.” Nagising ako sa lakas ng sigaw ng aking ina.
“hay naku! Palaginip lang pala yun, Ma bakit nyo nman ako ginising agad ang ganda na ng panaginip ko e.” nakatingin ako sa aking ina at nakasimangot.
“Ms. Dreamer gusto mo bang mahuli sa unang pasok mo sa kolehiyo?”
Agad akong tumayo at pasimangot na nagpunta sa cr. Narinig ko nalamang ang pagsarado ng pinto, ibig sabihin lumabas na ang aking ina. Naligo ako at isinuot ang aking uniporme, ngayon ay pasukan na naman at sa wakas ako ay nasa ikaunang baiting na ng kolehiyo. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si mama sa kusina naghahanda ng aking umagahan. “Anak, kumain kana tapos isasabay na kita papunta sa school”.
Agad akong umupo at kumain ng umagahan, ng matapos kong kumain agad akong nagsipilyo at kinuha ang aking bag. Narinig ko ang busina ng sasakyan, paglabas ko kinawayan ako ng aking ina. Lumapit ako sa kanya at sumakay sa kotse,
“Ma san ba ikaw pupunta?” tanong ko sa aking ina habang nagsusuot ako ng seatbelt.
“Pupunta ako ngayon sa isang festival at puro cosplayers ang nandoon, sigurado akong may mga anime doll na ibinebenta doon.”
Napangiti lang ako sa aking ina at nagmaneho na sya. Ganyan talaga ang mama ko mahilig sya mangulekta ng mga anime, ewan ko ba, yun na ata yung passion na. Pero hindi ko naman sya pinipigilan sa gusto nya as long as Masaya sya sa ginagawa nya. Ang cool talaga ng mama ko lalo na pagmagkasama kami napagkakamalan pa kaming magkapatid. Oo tama bata nga syang tingnan, kaya nga close na close kami e.
Tinapik ako ng aking ina “Hoy, andito na tayo sa school mo,tulala ka nanaman dyan. Siguro nananaginip ka nanaman ng gising” pabirong sabi sa akin ng aking ina. Sumimangot ako sa kanya at sabay humalik sa kanyang pisngi, bumaba narin ako ng sasakyan.
Nakatayo ako sa may gate ng skul habang pinagmamasdan ang kotse na umalis. Nakikita ko rin ang mga estudyanteng halatang excited sa unang araw ng pasukan, siguro ang iba dito magaling lang pag-unang araw? Heheeh.. Pagkapasok ko ng gate, binati ko ng magandang umaga ang guard na nakatingin sa aking i.d. Hay naku, buti nalang hindi ko nakalimutan yung i.d ko kung hindi unang pasukan hindi ako makakapasok.
Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Mia chase Corgado. Hindi ko alam kung bakit may chase pa sa pangalan ko, basta alam ko yung “mia” e kinuha ng mama ko sa isang anime character na si “mio”. Labing anim na taong gulang na ako, nasa ikaunang baiting ng kolehiyo sa Pilsbury University, Psychology ang aking kinukuha, Pure Filipino ako. Nag-iisang lang akong anak nina Xaviel Corgado(daddy) at Coleen Corgado(mommy), ang daddy ko nasa korea kc nandoon ang business nya pero every four months umuuwi sya para bisitahin kami. Hay, panu nalang kaya kung ako lang mag-isa sa bahay tsktsktsk..
Habang naglalakad ako at nakatulala, isang lalaki ang biglang bumangga sa akin syempre nasaktan ako.
“Naku sorry miss hindi ko sinasadya, sorry talaga.” Sinabi nya sa akin habang habang nakayuko, teka koreano ba sya at may payuko-yuko pa.
“ah, ok lang. hindi naman masyadong masakit.” Yun lang ang nasabi ko habang nakatingin ako sa kanya, kasi ang gwapo nya. Ang suwerte ko naman ngayong araw na ito. Bago sya umalis ngumiti sya sa akin, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Shocks! May bago nanaman akong crush, anu kaya name nya? at anu kaya course nya?
![](https://img.wattpad.com/cover/221285-288-k961176.jpg)
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Teen FictionHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you