Chapter 2: Cutie?!

404 4 4
                                    

Chapter 2 : Cutie?!

            “Tuesday na!! Pangalawang araw ko na to sa school.” Pasigaw kong sinabi habang bumabangon ako sa kama, nagtungo ako sa banyo upang mag-hilamos. Tumingin ako sa orasan, pero ano? 6 :30 palang ang aga ko palang nagising mamaya pa kasing 9 ang pasok ko. Bumaba ako ng hagdan upang tingnan si mama kasi hindi ko naririnig ang ingay nya. Hinanap ko sya sa sala, sa kusina, sa banyo, ngunit wala sya. Isa nalang ang hindi ko pa tinitingnan ang kwarto nya, siguro natutulog pa sya.  

            “Ma! gising na!.”       

Pasigaw kong sinabi habang binubuksan ko ang pinto pero nagulat ako na wala sya roon. Nagtataka akong bumaba ng hagdan at nagpunta ng kusina upang kumuha ng maiinom. Sa may pinto ng aming ref. nakita ko isang papel na nakasabit, kinuha ko ito at binasa.

            “Anak, pasensya kana at hindi ako nakapag-paalam ng harapan kasi alam kong hindi mo ako papayagan. Sinabi ko sayo kahapon na nagkita kami ng asawa ng katrabaho ng daddy mo di ba? Alam mo kasi inanyaya nya ako pumunta sa korea dahil may gagawin daw syang business kaya nakipag-sosyo ako sa kanya. Hindi na ko nakapag-paalam sayo kasi alam kong hindi mo ko papayagan dahil sa maiiwan kita mag-isa. Pero di ba sabi ko sayo na uuwi ng Pilipinas ngayon si Cutie yung anak ni Mrs. Andrea, dyan muna sya titira kasama mo para naman may kasama ka. Pasensya na anak huh, promise pagdating ko marami ako sayong pasalubong. Pinag-handa na nga pala kita ng almusal mo.” J

Love,

Mama

 

            Anu ba naman to, dapat nag-paalam nalang sya sa akin kasi papayagan ko naman sya e. Ang drama nya talaga, siguro kaya hindi sya nag-paalam sa akin ng harapan kasi ayaw nyang umiyak hahahah o baka naman ayaw nya akong sumama sa kanya, hpmff.

Pero naku ano kayang oras darating yung cutie, alam kaya nya itong bahay, mas matanda kaya sya sa akin at boy o girl kaya? Siguro batang babae yun kasi tawag ni mama sa kanya e cutie, it means na cute na babae, lagi namang tinatawag na cute ang mga batang babae eh. Excited nako makita sya, teka panu na yung school ko? Papasok ba ako o hindi? Kung hindi naman baka sabihin ng mga prof. Ko ngayon Tuesday na tinatamad lang ako. Naku, naku, papasok na nga ako bahala na yung cutie.

            Umalis ako ng bahay ng 8 :25 at nagsimula nakong maglakad tapos nakalabas na din ako ng gate ng subdivision. Nakaka-limang bahay nako ng nadadaan ng mapatigil ako sa isang malaking bahay pinag-masdan ko ang magandang nilang hardin. Nabigla naman ako ng marinig kong may lumabas na tao sa gate, agad akong nagpatuloy sa paglalakad nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Parang kilala ko ang boses na iyon? Teka hindi kaya si……

            “Gee! Ikaw pala... good morning.”

            “Pupunta kana ba ng school? Sabay na tayo...”

            “Ah? Sige sige…yan ba bahay nyo?”

            “Oo, yan nga”                

            OMG! Eto nanaman si Gee gee gee baby baby (Girls Generation song), akalain mo nadadaanan ko pala ang bahay nila. Ang gwapo nya talaga pero teka kanina ko pang napapansin na kanina pas yang nagttxt, may girl friend na ba sya? Ang swerte naman nun. Sabagay iposible naman na magkagusto sya sa isang tulad ko, hpmf.

            “Mmm, MC ba’t ang tahimik mo?”

            “Ahh, wala lang nahihiya kasi ako sayo...”

I with Mr. SheepishWhere stories live. Discover now