Chapter 16: The Frog Prince
It’s been two days na kaming nakauwi galing sa bakasyon. Pero sariwa pa rin sa aking isipan yung mga magagandang pangyayari at yung sa aming dalawa ni Gee. Pero kakalimutan ko na yun, if kami talaga maglalapit ulit kami. Si Seth naman ibang klase kung magkasakit naging sweet, pero natakot talaga ako nung nasa tabing-dagat kami sobrang init nya grabe pero kinabukasan gumaling nanaman sya tuloy ulit sa pangungulit. Noong last day nanamin sa resort sinulit nanamin ang lahat ng aming magagawa tapos noong hapon din umuwi na kami, magkasama kaming dalawa ni Seth sa kotse sina Marj. At Christel e dun sumakay kay Gee para palit naman daw kami. Pero dahil sa magaling na si Seth bumalik nanaman sya sa masungit! At makulit na ugali. Kaya naman nagsisigawan kami sa sasakyan at nagkukulitan pero sa tingin ko ok na din to para hindi nakakabagot sa byahe. Enjoy naman din syang kasama.
“Mc!”
Isang boses ang aking narinig sa aking paligid, lumingon-lingon ako.
“Mc! Dito,dito!”
Nakita ko sina Christel, Marj. At Chelly na kumakaway sa may lobby. Kaya naman pumunta ako sa may lobby at naki-join sa kanila.
“Teka ano yang hawak mong poster?”
“Binigay ito sa akin ni Efmar, tingnan mo” sagot ni Christel.
Kinuha ko yung poster tapos binasa ko.
“The Frog prince? Ano to?”
“Isang palabas yan dito sa school, alam mo ba napupunta daw dito yung magaling na direktor ng theatro na si Yuki chin-chan at sya yung magdi-direk ng palabas na yan.” Tugon ni Chelly.
“Yuki chin-chan? Taga-ibang lahi ba sya?”
“Oo daw pero sabi e Filipino daw yung ina nya. Tsaka dito sa school natin sya kukuha ng bidang babae” Tugon ni Marj.
“Babae? Bakit may lalaki na bang prince?”
“Oo meron na daw, ang sabi-sabi e dito rin napasok” sabi ni Christel.
Bigla kong naisip si Seth bagay sa kanya ang role ng prince kasi binibiro ko syang palaka kaya naman pwede syang maging palaka sa palabas. Ahahahaha
“Hoy! Mc bakit ka nangiti jan? May plano ka bang mag-audition bilang prinsesa?” tanong ni Marj.
“Naku wala no! Bakit may audition ba?”
“Oh tamo to gusto nga e” sabi ni Marj.
“Naku ayoko talaga nakakahiya baka itong si Chelly gusto, bagay sayo yun”
“Ayoko nga papayag lang ako kung si Jake ang prinsipe” sagot ni Chelly
“Ayeeee naman, teka my kissing scene ba yun?”
“Wala ata kasi nabasa ko na yung script, iba naman pala yung istorya.” sagot ni Christel
“Huh? Panong iba? Hindi ba yun princess and the frog?”
“Parang kagaya nyon pero iba yung nang-yari sa huli, hindi sya hinalikan ng prinsesa kundi kailangan lang patuluyin ng prinsess yung palaka sa bahay nya” sagot ni Marj.
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Teen FictionHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you