Chapter 6: Movie House

298 3 1
                                    

Chapter 6: Movie house

            Almost mag-tatatlong buwan na din dito si Seth at dahil dun hindi ko pa rin makuha ugali nya, minsan ok pero laging ang sungit, moody talaga. Nakakasama na rin ako sa mga gig ni Gee nakakatuwa at hindi ako nagiging pabigat kay Gee, lagi pa nya akong pinupuri sa tuwing tumutugtog ako dahil dun lalo ko syang nagustuhan. Si Christel naman napansin ko ngayong mga nakaraang araw e laging hawak ang cp nya, teka? may hindi ba sya sinasabi sa amin? Anyway baka nahihiya lang sya sa amin. Si Marjorie naman nag-iimprove na kay billy kasi noong nakaraang buwan may nareceive natext si Marjorie galing sa hindi kilalang number and guest what sino yun? Walang iba kung hindi si Billy. Syempre sobrang saya ni Marj sa mga pangyayari may mga pagkakataon pa ngang lumalabas na din sila. Etong si Chelly patuloy pa rin ang pagiging busy sa mga organization masyado kasi syang maraming sinalihan at puro lahat ay mayroon syang posisyon. Kung tungkol naman sa lovelife, ang alam ko meron syang bf kaso hindi pa nya napapakilala sa amin sa ibang school napasok e.

            “Hoy! MC kanina kapang tulala jan ah? Anong iniisip!” pasigaw na sabi Marjorie.

            “Naku wala yun may naalala lang ako”

            “Asus sino yun huh? Si Seth ba?” biro ni Marj.

            “Teka asan na nga pala yun ngayon? Hindi mo pa kami napapakilala ng maayos dun ah? Parang suplado yun noh?” wika ni Christel.

            “Anong parang? Suplado talaga yun!”

            “Nakita ko kanina si Seth papunta ng gym kasama si Gee” sabi ni Chelly.

            “Talaga! Halika MC puntahan natin sila” tugon ni Christel.

            “Bakit naman natin sila pupuntahan, nakakahiya.”

            “Asus gusto mo rin naman e, tara na!” biro ni Christel.

Agad nila akong hinila sa aking kinauupuan tapos nagpunta kami ng gym walang masyadong tao pero may narinig kaming nagbabasketball nang kami’y sumilip nakita namin sina Gee at Seth na naglalaro. Pinanood namin sila pero sigurado hindi nila kami pansin, ang galing pala nilang maglaro ng basketball bakit hindi sila naging Varsity?

            “Go! Gee and Seth!!!” pasigaw na sabi ni Marj.

            “Ano ka ba bakit ka ba sumigaw” pabulong kong sinabi kay Marj.

Ano bang pumasok sa isip ni Marj at sumigaw sya sa dalawa nakakahiya talaga, nang mapaharap ako sa dalwang naglalaro oh no! Papalapit na sila sa amin.

            “Hello sa inyo! Kanina pa kayo jan?” tanong ni Gee.

            “AH HINDI, HINDI kararating lang namin” sabi ko sa kanya.

            “Ano ka! Kanina pa kaya! Gusto ka daw mapanood ni MC kaya nagpunta kami dito.” Tugon ni Chelly.  

            “Ano hindi! Wag kang maniwala sa kanya!”

            “Wow, tagahanga pala kita e” pabirong sabi sa akin ni Gee nang bigla nya akong niyapos.

Ano ba namang mga kaibigan ang mga ito ibinubuko ako kay Gee. Pero kahit na pawis na pawis si Gee nang niyapos nya ako ang bango pa rin nya, ibang klase. Napatingin ako saglit kay Seth bigla syang umalis at nagpunta sa bench upang kuhanin ang gamit nya. Hindi talaga friendly itong si frog buti pa si Gee cute na mabait pa. Ipinakilala ko kay Gee ang aking mga kaibigan at wala pang isang oras marami na silang napagkwetuhan grabe napaka-saya talagang kasama ni Gee hindi sya iba sa amin. Habang eto ako hindi na makasingit sa mga pinagkukwentuhan kaya napatingin na rin ako kay Seth parang kawawa naman alang kausap pero siguro sanay na din sya.

I with Mr. SheepishWhere stories live. Discover now