Chapter 8: Xaviel and Aianah

271 3 0
                                    

Chapter 8: Xaviel and Aianah

            “My Prince!”

Papalapit ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng magarang damit, hindi ko alam ang gagawin. Hinawakan nya ang aking mga balikat at ngumiti, parang nakuryente ako sa mga oras na iyon ng biglang nagkatitigan na ang aming mga mata at unti-unting nagdidikit ang aming mga labi. OMG totoo ba ito o palaginip lang! Isang malakas na tibok sa aking puso ang aking naramdaman nang biglang naging palaka ang gwapong lalaki na hindi ko masyadong naaninag ang mukha. Nagulat ako at biglang bumukas ang dalawa kong mata pero teka ano ito, totoo nga isa ngang frog ang aking nahalikan! (0_0)

            “AAAAAHHHHHHHH!!!!”

            “Ano ka ba! Ang ingay-ingay mo naman, may na tutulog pa e”

Tumingin ako sa kanya at nagtatakbo sa banyo nya. Humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili. Hindi ito maari! Bakit si Seth pa, first kiss ko yun! At bakit sa ganoong scene pa! T_T...Alam kaya nya?? Nakakahiya! Baka, baka ipagkalat nyang hinalikan ko sya! It’s a NO NO!!

            “Masakit ba ulo mo??” tanong ni Seth na nakatayo sa pinto ng cr.

            “Hindi no! Tsaka lumabas ka nga!”

            “E bakit mo pinapalo ulo mo? Iba na talaga pag-baliw”

            “HUH! Ang kapal! Lumabas ka nga!”

            “E bakit naman ako lalabas e cr ko to!”

Hindi sya nagpaawat umalis, pumasok sya sa banyo habang ako naman todo iwas sa kanya.

            “Teka tabi dyan, magsisipilyo ako!” sagot ni Seth

            “Hmpf!!”

Wala na akong maisagot sa kanya, kasi iniisip ko pa rin kung may naaalala sya kanina. Tinitigan ko lang sya habang nagsisipilyo.

            “Teka parang may iba sa labi ko?” sabi ni Seth habang nakatitig sa salamin.

            “Huh? Iba? Baka naman kinagat ng ipis!”

            “Bakit naman ito kakagatin ng ipis, tsaka walang ipis sa kwarto ko noh!”

            “baka lang naman!”

            “Teka baka naman may kinalaman ka dito” sabi ni Seth habang papalapit sa akin.

Teka alam ba nya o hindi! Bakit ba sya lumalapit sa akin, habang tinititigan ko ang kanyang mga labi kinakabahan ako. Hindi ko na alam ang aking gagawin, pero ngayon nakahawak pa sya sa aking baba, hahalikan ba nya ako?? L

            “Bitawan mo nga ako!” nanginginig kong sinabi habang papalabas ng banyo at hindi ko na sya tiningnan hanggang sa makalabas ako ng kwarto.

Siguro naman wala syang natatandaan sa nangyari kanina, mukha namang wala e. Buti nalang at salamat naman kasi paalis na rin ang mga bisita ni mama. Hindi naulit ako babalik sa pangit na kwartong iyon. Bumalik na ako ng kwarto at nagligpit ng mga kalat, medyo natagalan ako sa paglilinis. Kaya naman ng matapos ako agad akong naligo at bumaba ng hagdan. Nakita ko sina Mama at Papa kasama narin si Seth sa kusina mukha may kinakain. Hindi man lang ako tinawag.

            “Oh! Tapos kana ba maglinis ng kwarto mo?” tanong ni Papa.

            “Yes pa!, teka ano to penge naman”

I with Mr. SheepishWhere stories live. Discover now