Chapter 11: Chelly’s house
“Class before I dismissed you, the OSA(Office of Student Affairs) declaired that we will have a seven days vacation this coming October.” Tinig ng guro.
(Student: Yes, yehey!!!!!) ^^ 0.- 0.0 (@_@)
Salamat naman at merong kaming vacation, napapagod na kasi ako. Makakapagpahinga ako ng mahaba-haba. Next week bakasyon na, I can’t wait!
“Mc! Dalian mo nga jan! At ako’y nagugutom na” pasigaw na sabi ni Christel.
Dali-dali akong nagligpit ng mga gamit ko at tumakbo papalabas ng classroom. Kaso kinakabahan ako pano kung makita ako ni Gee, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko L. Kasi naman bakit kasi hindi ako nag-salita ng mga oras na yun. Pero sabagay kasalanan ko naman, first time ko kasing may nag-tapat sa akin ng ganun.
“Hoy, Mc tulala ka nanaman tinatanong ka ni Chelly kung sasama ka sa amen sa bahay nila” sabi ni Marj.
“Huh?? Bakit anung meron?”
“Tamo!! Hindi talaga nakikinig! Kasi bibisita daw yung bf ni Chelly sa kanila e wala dun parents nya ayaw naman nyang sila lang dalawa kaya samahan daw natin. Moral support ba! Hahaahhahha J” sabi ni Marj.
“Ah, sige sige sure sasamahan ka namen”
“Teka ano bang iniisip mo at parang wala ka sa sarili, huh?” tanong ni Christel.
“Hay naku! Siguro nasa utak nyan si Gee. Iniisip pa rin yung nangyari.” Sagot ni Chelly.
“Hay naku! Wag kang mag-alala absent si Gee ngayon. Narinig ko dun sa classmate nya.” Tugon ni Christel.
“Ano ba kayo hindi ko sya iniisip no! Tara na nga at baka andoon na yung bf ni Chelly”
Hindi pala pumasok ngayon si Gee, bakit kaya? Siguro dahil sa akin. baka iniiwasan na nya ako L . Papalabas na sana kami ng gate ng school ng biglang lumapit si Seth.
“Mia! Uuwi ka na ba?” sabi ni Seth
“Hindi pa bakit isasabay mo ako sa pag-uwi, pwes hindi ako sasabay sayo”
“Ang kapal mo naman! Ipapadala ko lang tong papers sayo.”
“Hmpf! Hindi ako utusan noh! Tsaka hindi pa ako uuwi pupunta pa ako sa bahay ni Chelly. Tsaka may kotse ka naman di ba?”
“Hiniram kasi kanina ni Gee yung sasakyan ko, pupunta nga ako sa kanila ngayon e.”
Akala ko ba absent ngayon si Gee e bakit kanina daw nanghiram ng kotse.
“E bakit mo naman kasi pinahiram!! Kasalanan mu yan, bahala ka ikaw ang mag-dala nyan!”
“Bakit ka ba sumisigaw huh! Pwede mo namang sabihing hindi mo madadala”
“.......e....ikaw kasi e!”
Sabay walkout, sabagay tama naman sya. Bakit kasi sumisigaw pa ako, pero tuwing nakikita ko sya naiinis ako. Bakit kaya? Ehheehe pero mahinahon naman sya kanina bakit sinisigawan ko pa sya.
“Uy! Umalis na si Seth oh! Kawawa naman, bakit mo naman sya sinisigawan.” Sabi ni Marj.
“Wag nyo na nga akong konsensyahin, nagi-guilty na nga ako”
“Pero minsan naman masungit din yung si Seth, tama lang na sinigawan mo sya. Gantihan lang yan!” tugon ni Christel.
“Pero bakit Mia yung tawag sayo ni Seth, di ba mas sanay kang Mc?” tanong ni Chelly.
“Aba ewan ko ba dun!”
Sa aming paglalakad hindi ko na namalayan yung dinaanan ko hanggang sa nakarating na kami sa bahay ni Chelly.
“Halika kayo, pasok” sabi ni Chelly habang binubuksan ang pinto.
“Wow ang ganda ng bahay nyo, teka anjan ba si Billy?” tanong ni Marj.
“Ikaw talaga, siguro mamaya pa sya uuwi” sagot ni Chelly.
“Teka Chelly? May pagkain ba kayo jan. Gutom na ako e” tanong ni Christel.
“Ikaw talaga katakawan mo”
“Kaya ko nga kayo isinama rito para tulungan nyo akong maghanda ng pagkain, hehehhe” sagot ni Chelly.
“Ay sya! Kung ganun tara na sa kusina at mag-luto na” sabi ni Marj.
Nagpunta kaming lahat sa kusina, grabe ang laki ng kitchen at kumpleto sa gamit. Pati yung ref. ang daming pagkain. Nagsimula na kaming mag-hiwa ng mga gulay at isa-isa kaming naghanda ng pagkain na alam namin. Syempre yung akin e yung tinuro ni Seth. Malapit na kaming matapos ng biglang may nag-doorbell.
“Uy baka si bf na yun!” sabi ni Marj.
“Ano nga bang pangalan ng bf mo?”
“Jake name nya, Marj. Pwede bang ikaw na yung magbukas ng pinto. Hindi ko kasi pwedeng iwanan tong niluluto ko” sagot ni Chelly.
Binuksan ni Marj. Ang pinto at hindi rin nagtagal at bumalik rin sya sa kusina.
“Naku Chelly hindi naman si Jake e, si billy!” sabi ni Marj.
“Oh! Anong ginagawa nyo huh?” tanong ni Billy.
“Eto naghahanda kami ng pagkain para kay Jake kuya. Bakit ang aga mo akala ko mamaya ka pa?” tanong ni Chelly.
“Aalis din ako magpapalit lang ako ng damit” sagot ni Billy.
“Nga pala kuya si Mc, Christel at si Marjorie mga classmate ko”
“Hello sa inyo, kilala ko na yang si Marj. Crush ko yan e. Sige aakyat muna ako sa taas huh”
Umalis na si Billy sa kusina at nabigla kaming lahat sa sinabi nya.
“Uy crush ka daw ni billy!!” sabi ni Christel.
“Nagbibiro lang yun noh! Sa text nga nagbibiruan kami.” sagot ni Marj.
“Asus, nagkakatext pala kayo huh! Hindi ka nagsasabi”
Sa aming pagkukwentuhan nakarinig nanaman kami ng nag-doorbell. At dali-daling nagpunta si Chelly, alam nyang si Jake na talaga yun samantalang kami naman e nagaayos ng lamesa. Ipinakilala kami ni Chelly kay Jake at sa tingin ko mabait naman sya. Nagsimula na kaming kumain ng mga iniluto namin at salamat at nagustuhan ni Jake. Tapos kinain din namin yung dala-dala ni Jake ang sarap may-ari pala sila ng isang sweets shop. Kaya naman pala ang daming matatamis sa ref. ni Chelly heehehehhe.
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Teen FictionHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you