Chapter 13: Vacation

219 2 1
                                    

Chapter 13: Vacation

            Ang bilis nang-araw sa wakas walang ng school, wala nang pag-aaral na magaganap. Pwedeng-pwede na akong matulog ngayon ng mahaba-haba, mamaya na ako babangon sarap pang matulog!.

            “Mc!!! Mc!!!!” tinig ni Christel.

Huh? Bakit ang aga naman nila dito wala na ngang pasok! Mambubulabog pa. Tulog pa ako!!

            “Mc! Gumising ka na jan dali, buksan mo tong pinto!” sabi ni Marj.

Ang kulit naman talaga ng mga ito gusto ko pang matulog e, gusto ko pang bumawe sa pagtulog!! Pero wala akong magagawa hanggat hindi ko binubuksan ang pinto ng kwarto ko hindi sila titigil. Kaya naman para matigil na sila binuksan ko na din ang pinto.

            “Bakit ba nandito kayo? Wala namang pasok ah”

            “Ano ka ba uubusin mo ba ang one week sa patulog-tulog lang??” tanong ni Christel.

            “Mag-impake kana at ikaw nalang ang hinihintay! Dali!” sabi ni Marj. Habang hila-hila ako.

            “Huh? Bakit naman san tayo pupunta?”

            “E di magbabakasyong ingrande tayo!” sagot ni Christel.

            “Huh! Kaya pala ganyan suot nyo! Teka lang kakain muna ako. Go! Go! Ako jan!”

Bumaba kami ng hagdan para kumain muna masyado naman kasi akong binigla ng mga ito. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko sina Seth at Gee nag-uusap. Then napatingin din sila sa akin hindi ko alam na andito pala si Gee hindi pa ako nakakapagsuklay.

            “Christel, bakit hindi mo sinabing andito pala si Gee” pabulong ko.

            “Ehhhhhhhhh bakit?? Nagtanong ka ba?” sagot nya.

            “Heh! Nakakainis kayo!”

Dahil sa nakatingin sa akin si Gee napangiti lang ako tapos nagtuloy na ako ng kusina para kumain. Binilisan ko para maka-alis na agad ako sa bahay. Nang matapos ako nagtakbo na agad ako sa kwarto upang mag-impake syempre tinulungan ako ng mga kaibigan ko. Halos sila na nga ang naglagay lahat, taga-oo lang ako kung dapat bang dalhin. Pagkatapos naming mag-impake at magbihis, bumaba na kami. Tuloy-tuloy kami sa labas dala-dala ang aming mga damit. Nakita ko sila Seth sa labas..................

            “Gee! Pwede na tayong umalis, ready na si Mc” sigaw ni Christel.

Huh? Ano to? Kasama ba si Gee???

            “Bakit hindi mo sinabing kasama si Gee?” pabulong kong tanong kay Christel.

            “Bakit nagtanong ka ba?” sagot ni Christel.

            “Nakakainis ka Christel!”

            “Yaan mo na pagkakataon mo na to para masabi kay Gee na....” pabulong na sabi ni Marj.

            “Heh! Teka asan nga pala si Chelly?”

            “Susunod na daw sila ng Kuya nya at ni Jake” sagot ni Marj.

            “Hoy Mia! Sasakay ka ba o hindi!”

Ayun nanaman, sumigaw nanaman si Seth.

I with Mr. SheepishWhere stories live. Discover now