Chapter 12: Ready Seth Go!

211 2 2
                                    

Chapter 12:  Ready Seth GO!

            “Mia! Hoy pa-computer ako huh!” sigaw na sabi ni Seth habang papunta sa computer.

            “Ano ba Seth natutulog pa ako e, wala ka bang pasok ngayon?”

            “10 pa pasok ko, e ikaw bakit hindi ka pa nagising jan?”

            “10 pa din pasok ko e.”

Bumangon ako sa kama at sabay nagpunta sa cr pinabayaan ko na lang si Seth dun sa computer. Bumalik ako para kumuha ng damit sa kabinet, medyo napatingin ako kay Seth. Naalala ko nanaman yung pagsigaw ko sa kanya kahapon napansin ko na kalmado sya ngayon. Pwede naman pala kaming mag-usap ng hindi sumisigaw e.

            “Ammm....Seth..”                   

            “Oh bakit?” habang patuloy na nagko-computer.

            “Sorry nga pala kahapon at sinigawan kita”

            “Aba marunong ka palang mag-sorry, may sakit ka ba”

Eto nanaman bumabalik nanaman sya, seryoso na nga ako.

            “Teka itigil mo na nga yang pagko-computer mo! Ako naman!”

            “Oh! Teka lang magla-logout lang”

Pinaalis ko sa upuan si Seth tapos ako naman yung umupo, nagbukas ako ng account ko sa fb. Matagal-tagal ko na din palang hindi ito nabubuksan.

            “Hoy! Magbihis ka na nga muna at kumain”

            “Ay oo nga pala nakalimutan ko.” Sabay takbo sa cr.

Matapos ang 30 minutes ng lahat ng dapat gawin sa cr bumalik na ako ulit sa computer pero nakita ko nanaman si Seth nakaupo don.

            “Hoy! Umalis ka na nga jan!”

            “teka lang mag-papaalam lang ako kay Gee”

            “Si Gee?? Ka-chat mo”

Sabay silip sa window ng computer.

            “Teka! account ko yang ginagamit mo!!!”

            “Oo nga! Ehehheheeh nagpakilala naman ako sa kanya noh!”

Hinila ko palabas ng kwarto ko si Seth, nang-nakalabas na sya tiningnan ko yung fb account ko at binasa yung mga chat ni Seth kay Gee.  

            Mia chase Corgado: Hi! I missed you!!

            Gee Aldrin Hyung: Pinsan ikaw yan ano?

            Mia chase Corgado: ahahahaah pano mo nalaman?J

            Gee Aldrin Hyung: Ako pa! Bakit gamit mo yung account ni Mc?

            Mia chase Corgado: e kasi iniwan nyang bukas, nasa cr sya ngayon tinawag ata ng kalikasan.

            Gee Aldrin Hyung: ah ganun ba, Insan kita tayo mamaya sa music room.

Nang matapos kong basahin napuno ako ng galit at inis kay Seth.

            “SETH!!!!!!! ANONG GINAWA MO!!!!!!!!”

I with Mr. SheepishWhere stories live. Discover now