Chapter 3: Do you know him?
Kring! Kring! Kring! (tunog ng orasan)
“ugh! Ang aga pa.” Sigaw ko sa loob ng kwarto habang pinapatay ang alarm clock. Kaylangan kong bumangon ng maaga upang maghanda ng umagahan kaylangan ko ngayong mamuhay mag-isa na wala si mama. Papaano naman ako maghahanda ng almusal e hindi nga ako marunong magluto, ultimo pagpipirito hindi ko alam. Baka cup noodles nalang ulit kainin ko, shocks! Baka magkasakit ako. Nagpunta ako ng banyo upang maghilamos tapos bumaba ako ng hagdan. Nagpunta ako sa kusina upang mag-kape, pero nakita ko si Mr. Cutie na nagluluto. Wow! Aga nya huh, pero hindi ko sya pinansin nagpatuloy ako sa pagtitimpla ng kape. Umupo ako sa dining table at nag-simulang uminom ng kape habang sya patuloy sa pagluluto. Ang bango ng niluluto nya bigla tuloy akong nagutom. Inilagay nya sa lamesa ang dalawang platong naglalaman ng masarap na almusal. Hay sana makatikim ako ng niluluto nya mukhang masarap lalo na yung ham.
Oh! Ayan kumain kana.
Nagulat ako sa sinabi nya. Teka ako ba ang kinakausap nya? Oo ako nga, kami lang naman tao dito e.
Sure ka? Baka may sakit ka? Ang bait mo ata?
Gusto mo bang kumain o hindi!
Dahil sa nagugutom na ko, kinuha ko na rin yung pagkain ayaw ko ng palampasin ang pagkakataon. Kumain na rin sya kasabay ko, grabe sobrang sarap ng mga niluto nya hindi ko mapigilan ang bumulos. Sobrang tahimik namin habang kumakain kaya naman umisip ako ng topic para sa kanya.
Ahmm, hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. Ako nga pala si......
Kilala na kita, Mia right? Sinabi na sa akin ni tita. Tsaka hindi Cutie ang name ko noh.
Pasungit nyang sinabi sa akin sabay alis sa upuan. Grabe naman yun napakasungit talaga nya, kanina naman medyo mabait at inalok pa ko ng food tapos ngayon naku! Daig pa nya ang babae. Hinugasan ko na ang mga pinagkainan tapos napunta na ako ng kwarto upang maligo at magbihis, pangatlong araw ko na to sa skul ko. Bumuba na ako ng hagdan at nagpunta sa sala, nagulat ako at nakasuot sya ng uniform na panlalaki ng Pilsbury University.
Teka?sa Pilsbury ka ba papasok?
Oo bakit masama? Pinag-enroll nako ni tita habang nasa korean pa ko.
What! Si mama pinag-enroll itong si Mr. Sungit. Hindi nya sa akin sinabi. Lumabas na kami ng bahay at sabay naglakad, hay nako ang yabang naman nitong maglakad tapos hindi man lang gentleman nauuna pa sa akin maglakad. Nakalabas na din kami ng subdivision at patuloy pa rin sa paglalakad. Napadaan din kami sa bahay nina Gee pero hindi ko sya naabutan sa labas, nasa school na kaya sya? Marami akong nakakasalubong na mga estudyante ng PU(Pilsbury University) puro sila nakatingin sa amin at nagbubulungan. Teka bakit kaya? May dumi ba sa mukha ko o baka naman gusot ang uniform ko. Tiningnan ko ang sarili ko at hanggat maari nanalamin na rin pero hindi naman gusot at wala rin problema sa itsura ko pero bakit kaya?
Nakarating na kaming dalawa sa school at hanggang doon ay pinagtitinginan parin kami, bakit ba? Ano problema? Nakita kong tumingin sa cellphone nya si Mr. Sungit teka? ano nga bang pangalan nya! Ayaw naman nyang sabihin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Christel kasama sina Marjorie at Chelly. Tumingin muli ako kay sungit pero wala na sya, aba bigla nalang nawala ng parang bula bahala nga sya. Lumapit ako kina Christel.
“Magandang umaga!” Sagot ko sa kanila.
“Mukha ngang napakaganda ng umaga mo e.” Sagot nman ni Marjorie.
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Teen FictionHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you