Chapter 18: Practice
“Naku sorry mga friends hindi ako makakasama sa inyo ngayon kasi kaylangan ko pang mag-praktis ng script e”
“Ah ganun ba, sige ok lang. Goodluck sa play!” sabi ni Christel.
“Anong goodluck kasali din kaya kayo!”
“konti lang naman ang line namen e, kaya ok lang” sabi ni Marj.
“Christel dala mo ba yung mga papers na pinapabasa ko sayo?” isang tinig ang biglang narinig.
“Efmar!”
Ito talagang classmate naming to bigla-bigla nalang laging sumusulpot. Medyo may pagka-weird.
“Naku! Nakalimutan ko sa bahay” sabi ni Christel habang tapik sa ulo.
“What! Kaylangan natin yun!” sabi ni Efmar.
“Sya samahan mo ako sa amin. Guys! Alis muna ako, ito kasing si Efmar!” sabi ni Christel habang hila-hila si Efmar papalayo.
Kung titingnan si Efmar medyo may pagka-weird talaga sya, wearing eyeglasses and always active basta sa pagbabasa ng libro. Pero nain-love na kaya sya???
“Oh,Mc mauna na kaming dalawa ni Marj, huh” sabi ni Chelly.
“Ok bye”
Hay, naiwan nalang akong mag-isa. Saan naman kaya ako pupunta nito.
“Hello, Mc!” isang tinig ang aking narinig sa aking likuran.
“Oh, Gee ikaw pala”
“Wala ka atang kasama?”
“Ah kasi pinauna ko na sila kasi may gagawin pa kasi ako e”
“Mag-aaral ng script?”
“Huh? Oo”
“Andito pala kayo!” isang kamay bigla ang umakbay sa akin.
“Hi! Seth” bati ni Gee.
“Hi! Hoy, Mc kanina patayong hinihintay ni Ms. Yuki!”
“Huh, ah, eh?? Sige!”
“Sige mauna na muna kami ni Mc umalis huh, bye Gee” sabi ni Seth habang papaalis kami.
Lumingon ako kay Gee pero nakatayo parin sya sa amin at nakangiti. Napansin ko na hindi ko na nararamdaman ang puso kong tumitibok ng mabilis. Katulad kanina nakausap ko sya ng wala man lang kaba sa aking dibdib. Parang normal lang ang lahat. Nangmakarating kami sa theatre room nakita namin si Ms. Yuki na naga-assist ng mga props.
“Hi! Pinsan!” sabi ni Seth
Napatingin ako bigla kay Seth at napa-huh? Lumapit bigla sa amin si Ms. Yuki.
“Oh! Seth tumawag kanina sa akin ang dad mo tinatanung kung kailan daw yung play natin. Sabi ko sa November 28 pa baka daw kasi makapanuod sila”
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Teen FictionHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you