Chapter 4: Your a Frog
Sa wakas sabado na at wala akong pasok kaya tanghali na rin akong nagising, bumaba ako ng hagdan upang kumain ng almusal wala si Seth dahil may pasok sya. Salamat naman at matatahimik ako ngayon sa bahay, nagpunta ako sa kusina at naghanap ng makakain pero sa kasamaang palad walang lutong pagkain ayoko naman ng noodles. Ang hirap naman kapag mag-isa ka tapos hindi ka marunong magluto, kung itry ko kaya ngayon? Para namang madali lang yun e at wala namang makakakita sa akin e. Sinumulan ko ng hugasan ang kawali, nagbukas ng ref. At naghanap ng pwedeng iluto. Dahil sa baguhan ako hotdog nalang muna at nagsimula na rin akong kumuha ng bigas upang isaing. Ginaya ko lang ang mga ginagawa ni mama pero hindi ko alam kung hanggang saan ang tubig na dapat ilagay sa kanin? Bahala na nga. Sabay kong inilagay sa stove ang kawali at ang kalderong may lamang bigas. Nahirapan pa akong magbukas ng gasul at pati na rin ang stove baka kasi sumabog pero thanks God at hindi nangyari yun. Nagsimula na ring lumabas ang apoy sa stove, nilagyan ko ng mantika ang kawali at inilagay ang hotdog pero teka bakit walang tunog yung hotdog yung para talagang piniprito? Bakit ganun e yung nakikita ko naman sa nagluluto kapag inilagay na nila yung hotdog e may tunog ng prito bakit akin wala. Bahala na jan muna yan manonood muna ako ng tv, nagpunta ako ng sala at binuksan ang tv. Ang ganda movie na pinapanood ko “My sassy girl” ang astig ng girl. Tuwang tuwa ako sa panonood ng biglang bumukas ang pinto, si Seth lang pala.
“Oh, bakit ang aga mo ata, wala kabang klase?”
“Wala ang mga teacher ngayon may meeting sila. Teka ano yong naaamoy ko?”
Sinibukan ko ring amuyin ang naaamoy nya, bigla syang tumakbo sa kusina at naalala ko ang niluluto ko!! Dali-dali rin akong nagpunta ng kusina, nakita ko si Seth na pinapatay ang apoy ng stove lagot ako siguradong sermon ako nito.
“ANO BA NAMANG GINAWA MO DITO, NAG-AAKSAYA KABA NG PAGKAIN!!”
“Pasensya na nakalimutan ko kasing may niluluto ako e.”
“TINGNAN MO TONG GINAWA MO SA HOTDOG, SOBRANG DIKIT TULOY SA KAWALI SIGURO HINDI MO MUNA INI-NIT ANG KAWALI AT MANTIKA BAGO MO INILAGAY ANG HOTDOG!!!!! TAPOS ITONG KANIN SOBRA SA TUBIG..ANO TO LUGAW????!!!!”
“Pasensya na hindi ko naman sinasadya e. L”
“NAPAKA-IRESPONSABLE MO NAMAN!!”
“PWEDE BA TAMA NA! WAG KANANG SUMIGAW, OO ALAM KO IRESPONSABLE AKO PERO HINDI KO NAMAN SINASADYA E GUSTO KO LANG NAMANG MAKAKAIN EH!!! PASENSYA NA HA! KUNG HINDI AKO MARUNONG MAGLUTO! PASENSYA NA TALAGA!”
Agad akong tumakbo ng kwarto ng umiiyak, grabe naman syang magalit nagsosorry na nga ako e. Hindi ko naman talaga sinasadya yun e, bakit sya galit na galit ng ganun? Sya na ata ang pinakamasamang lalaki nakilala ko. Parang gustong gusto nya na sabihin na ako ang pinaka-idiot na babaeng nakita nya!
Patuloy parin ako sa pagiyak sa aking kama hanggang sa makatulog ako. Masama pa rin ang aking loob sa kanya, pero sino to isang lalaki ang pumasok sa aking kwarto hindi ko masyadong makita ang mukha nya lumapit sya sa akin at nagbumulong “ I’m sorry” bigla nalang akong nagising at napahawak sa mata ko sobrang hapdi ng mata ko sa kakaiyak kanina pero ngayon ok na ko. Akala ko si Seth na yung pumasok sa kwarto ko at nag-sorry pero palaginip lang pala yun. Tama! Isang palaginip lang kung ang isang katulad nya ay hihingi ng tawad sa akin, isa siyang masamang tao. Hindi ko alam kung bababa ako ng hagdan pero nagugutom nako, tumingin ako sa orasan at 5 na pala ng hapon. Ang tagal pala ng tulog ko ni hindi na rin pala ako nakapagtanghalian at umagahan dahil sa nangyari kanina kaya eto gutom na gutom na ko. Bumaba ako ng hagdan upang tingnan kung may pagkain sa kusina pero sa kasamaang palad nadatnan ko doon si Seth kaya naman para maiwasan sya nagtungo ako ng sala para manood nalang ng tv. Naramdaman kong parating si Seth sa sala pero hindi ko sya pinansin patuloy pa rin ako sa panonood ng tv pero bigla nalang syang lumapit sa harapan ko at pinatay ang tv sabay hila sa aking kamay.
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Fiksi RemajaHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you