Chapter 7: Sleep time with Seth

306 2 0
                                    

Chapter 7: Sleep time with Seth

            “Ang sarap pa matulog!” sigaw ko sa aking kwarto habang nag-iinat. Sabado naman ngayon at wala akong pasok kaya naman pwede akong matulog maghapon. Pero teka parang may naririnig akong ingay galing sa baba, parang may bisita ata si Froggy. Bumaba ako upang tingnan kung sinong mga bisita nya, hindi man lang nya pinagpaalam sa akin. Pagkababa ko ng hagdan nagulat ako ng.....

            “Anak! Kamusta kana, miss na miss na kita.”

What magulang ko pala, teka ano bang date na ngayon september 1 na ba o nananaginip lang ako!

            “Ma! at Pa! Miss ko na din po kayo.”

Tumingin ako kay Seth at mukhang kanina pa syang gising, hindi man lang nya ako ginising!

            “Oh, anak san mo gustong pumunta?”

            “Kahit saan daddy basta kasama ko kayo!”

Talagang nilaksan ko ang boses ko para marinig ni Seth, mainggit sya!.

            “Teka Seth wala kabang pasok ngayon?” tanong ni Mama

            “Late na din po ako e, pero ok lang po.”

            “Naku pasensya ka na Seth huh at hindi ka tuloy nakapasok dahil sa amin”

            “Kung ganun sumama ka nalang sa amin at tamang-tama may surprise kami sayo Seth” tugon naman ni Daddy.

            “Teka Daddy! Bakit sya may surprise e ako wala.”

            “Kasi bad girl ka!, tara na magbihis dali!” sabi sa akin ni Seth habang pinulupot nya sa leeg ko ang mga braso nya at hinila ako paakyat ng hagdan.

Feeling close ngayon itong si Mr. Froggy ah! Ang kapal, nagbabait-baitan sa harapan ng magulang ko hmpf!!! Nangmakaakyat na kami ng hagdan at nasa tapat na ako ng kwarto ko inalis ko yung kamay ni Seth sa leeg ko. Tapos sabay takbo sa kwarto. Mabilis akong nagbihis para hindi mainip sina Daddy at Mommy pero hindi ko pa rin makalimutan yung surprise ni Seth bakit ako wala!. Lumabas na ako ng kwarto at ang pagkakataon nga naman sabay kaming lumabas ni Froggy! Nag-unahan kaming bumaba ng hagdan para talaga kaming mga bata hanggang sa nagkilitian kaming dalawa pababa. Hindi namin napansin na nakatingin pala sa amin ang aking magulang.

            “Ang cheesy nyo naman!” pabirong sabi sa amin ng aking Mama.

            “Ma! Hindi noh!”      

            “Bakit gwapo naman si Seth ah!” tugon ni Mama.

            “Ayan gwapo! Tse!”

            “Hay naku! Kayo talaga, tara na nga.” Tugon ni Daddy.

Lumabas kami ng bahay lahat tapos nagulat ako nang may nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay.

            “Seth, yan nga pala ang surprise namin sayo! Binili yan ng daddy mo para sayo!” sabi ni Daddy kay Seth.

Hindi naman pala galing sa kanila yung surprise  padala pala ng daddy ni Seth. Buti nalang hindi ko sinigaw na WOW, DADDY ATIN BA YAN! Kung hindi mapapahiya lang ako at tiyak na pagtatawanan ako ni Seth. Lumapit si Froggy sa sasakyan at mukhang tuwang-tuwa sya, pinasakay nya kami sa sasakyan at iyon ang ginamit namin sa pamamasyal. Pero buti nalang at hindi si Seth ang nagmamaneho kundi si Daddy, kung nagkataon baka maaksidente lang kami sa kanya. Namasyal kami sa iba’t-ibang lugar at nagpunta din sa mall, ibinili ako ni daddy at mommy ng mga gusto kong damit. Pati si Seth pinilit din syang bumili, grabe ngayon ulit lang kami nagkasama-sama ng aking mga magulang. Pero para kaming family bonding with my boyfriend, No! No! Si Seth! Boyfriend?! Kung si Gee ok pa! Teka speaking of Gee hindi ko sya nakikita ngayon, tiningnan ko yung cp ko kung may text sya. Pero teka! 3 missed call galing kay Gee! What! Bakit! Kya?

I with Mr. SheepishWhere stories live. Discover now