Chapter 14: Gee’s heart and mind
“AHHHHHHHHHHHHHH”
Ang sarap talaga mag-inat pagpresko ang paligid, kahit dito sa kwarto naririnig ko yung dagat. Bumangon na ako sa kama upang hindi ko ma-miss yung moment dito sa resort. Pero ano ito wala na si Marjorie sa kama?? Ibig sabihin....nasa labas na sila! Huh! L Nahirapan ako masyado sa pagpili ng damit hindi ko alam ang susuotin ko, nahihiya akong mag-short!! Pero kung magja-jogging pants naman ako baka pagtawanan nila ako. Pero siguradong hindi ako makakapag-jogging pants kasi puro short yung nilagay dito ni Christel at Marj. Alam nilang hindi masyado akong nagsho-short!. But no choice. Pagbukas ko ng pinto, bumukas rin ang pinto dun sa katabi naming kwarto.
“Seth!”
“Oh, bakit?”
“Nakita mo sina Marj.???”
“Andun sila sa beach, naglalaro ng volleyball”
“ahh, hindi ako makakasali sa kanila hindi ako marunong nyon L”
“Sumama ka na lang sa akin maglilibot tayo dito sa resort”
“Ayoko nga!!”
“Sige na sumama kana may dala akong camera!” sabi ni Seth sabay hila sa akin.
Pumunta kami kung saan-saan, tapos kumuha rin ng picture. Ang ganda talaga ng mga tanawin, lalo na kung gwapong katulad ni Seth ang kasama. Huh? Teka? bakit ko ba naisip yun? Hindi hindi! Erase! Pero kung pagmamasdan mo si Seth mukhang ang bait-bait nya. May naging girlfriend na kaya sya? Hay bakit ko ba naiisip yun?
“Huy! Ano bang ginagawa mo? Magtago ka!” sabi ni Seth habang iniyuko ang ulo ko sa isang halamanan.
“Huh? Bakit? Ba!”
“Wag kang maingay tingnan mo!”
Itinuro sa akin ni Seth sina Chelly at Jake sa isang kubo. Mukhang sila lang dalawa ang andoon.
“Ano ka ba! Pabayaan mo sila”
“Teka lang tingnan mo!”
Tumingin muli ako kina Chelly at nakita kong hinalikan sya ni Jake sa pisngi, tumingin naman ako sa reaksyon ni Chelly na nakangiti pa. Tapos gumanti din ng halik si Chelly, halatang mahal na mahal nila ang isa’t-isa sobrang cheessy!! Nakakainggit. Bagay sila, maganda si Chelly tapos gwapo naman si Jake.
“Tara na nga Seth, pabayaan mo na sila!”
“Asus inggit ka lang! Nagawa nanaman natin yan ah! Sa lips pa nga!”
“Mag-tigil ka nga Seth!” sabay tayo sa kinauupuan.
Napatingin bigla ako kina Chelly at Jake at oo nagulat sila sa ingay ko. Kaya naman tumayo na rin si Seth sa pinagtataguan nya.
“Oh? Anong ginagawa nyo jan sa likod ng halaman?” tanong ni Chelly.
“Huh? Eh?.....”
“Kumukuha kami ng picture! Naghahanap kasi kami ng caterpillar para ma-picturan.” Sagot ni Seth
“Caterpillar??” sagot ni Jake.
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Teen FictionHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you