Chapter 10: Rooftop
Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnggggggggggggg!!!!
“Hello?”
“Mc!!!! agahan mo ang pag-pasok. Kukwentuhan mo pa kami nung nangyari kahapon!!!” pasigaw na sabi ni Christel sa cellphone na halatang excited.
“Ano ba! Inaantok pa ako atsaka alas-tres palang ng umaga at wala akong balak pumasok ngayon” sabay patay ng phone.
Wala talaga akong balak pumasok kasi hindi ko alam ang gagawin kung sakaling makita ko si Gee sa school. Hindi ko talaga makakalimutan yung mga sinabi nya sa akin. baka hindi na nya ulit ako kausapin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Mia! Hoy Mia!”
“Teka parang kilala ko yung boses na yun? At isa lang tao ang kilala kong tumatawag ng ganun sa akin” sabi ko sa sarili ko habang naalimpungatan ako.
“Mia!!!”
“Bakit ba kasi, ano bang problema mo!!!”
“Bakit ka sumisigaw!!”
“E ikaw kasi eh, nanggigising ka!”
“E kasi naman ang mga maiingay mong classmate e nandito. Ang aga naman nilang masyado. Andoon sila sa baba dalian mo ikaw ang humarap sa kanila!”
Hindi na ako nakaimik sa mga sinabi ni Seth, sabay alis kasi ng kwarto ko. Ano ba namang pumasok sa isipan ng mga kaibigan ko at may pagpunta pa sila rito. Ahhhh!! Inaantok pa talaga ako!!. Bumaba na ako ng hagdan upang kausapin ang mga kaibigan ko at ayun nga nakaupo sila sa sala at tumitingin ng mga pictures.
“Uy! Mc ang ganda ng mga kuha nyo ni Seth sa picture. Mukhang close na close na kayo ah” wika ni Marj.
“Huh?? Kaming dalawa?? Teka sinong naglagay nyan jan!”
Tiningnan ko din yung mga photo album sa sala, oo nga puro nga kaming dalawa ito at may stolen shot pa. Ngayon ko lang to nakita, hindi ko kasi to pinapansin kasi akala ko mga baby picture ko lang yun pala.............. siguro si mama ang naglagay nito.
“Teka nakita nyo ba si Seth??”
“Nakita ko syang nagpunta ng kusina” sabi ni Chelly.
“Ah ok salamat, wait lang huh mag-aagahan muna ako”
“Ammmm.....Mc!!...pwedeng dito na rin kami mag-agahan??? ;)” sabi ni Christel habang hawak-hawak yung tiyan nya.
“Aga-aga nyong nagpunta rito tapos hindi pa pala kayo nag-aalmusal!!”
“Hay naku! Yang si Christel ang aga-agang tumawag sa amin tapos magpunta daw kami sa inyo!” sabi ni Chelly
“Ikaw talaga Christel, bakit mo naman ginawa yun!”
“Eh kasi excited na ako sa ikukwento mo sa amin tungkol sa inyo kahapon ni Gee.” Sabi ni Christel
YOU ARE READING
I with Mr. Sheepish
Fiksi RemajaHow do you feel when your with someone who you think is very indifferent to you. But you didn't know maybe HE/SHE IS IN LOVE with you