SA 2 - The Ultimate Raketera
ALLEN'S POV
Si Electra ang huli kong natulungan after years since.. basta. But hindi ko na yun uulitin, baka manibago tong mga tao sa paligid. Alam naman talaga nila na hindi ako yung type na makapa-kawang-gawa.
"So a circuit is parallel if..."
Now I really understand why me father also hates Physics. Boring na nga at nakakadugo ng utak, no fun pa ang teacher. As usual, I am not listening. What's the use? Alam ko na yan. Nagbabasa din kaya ako ng libro. You see, tamad ako sa group activity but okay lang naman ang performance ko sa school. Di nga lang kasing outstanding ni Sands di naman kagaya ng naghihingalong grades ni Cole. Sakto lang. Kasing sakto lang ng kay Terrence at Debby.
"Sands.." siniko ko ang kapatid ko na katabi ko lang. Pinili ko talagang magkatabi kami para di na malito ang mga teachers kung sino si ang isa sa isa. Madali nila kaming ma-a-identify sa seating arrangement. Dati kasi nung Grade 10 ata kami, napagkamalan akong si Sander tapos tinanong yung nakakabaliw na question. Natrauma na ako. Hahaha.
"Oh." nagdu-doodle lang din siya sa papel niya. Kasi kung ako alam ko na kasi nagbasa, mas pa yan. Baka nga mas matalino pa 'to sa teacher eh.
"Gisingin mo ako pag time na ha."
"Ge."
See? Nagmamahalan kaming magkapatid. Kala niyo ah. Haha. At yun na nga.. natulog ulit ako.
Nagising ako ng kusa, akala ko ba gigisingin ako ni Sander? Ilang oras ba ang Physics class namin? Grabeng extension naman 'to ni Sir ah. Nag inat-inat ako at nung nagising na ako ng tuluyan saka ko pa narealize na..
"So a circuit is parallel if.." tiningnan ako ni Sir. "Oh you're awake Mr. Castillo. Hindi ko alam na ganun na lang ang pagmahal mo sa class ko at nagpaiwan ka na." nginisihan niya ako.
Late na ako sa klase ko at ibang class na naman ang tinuturuan ni sir.
"Cas, alis na. Uupo ako." may kumakalabit sakin. Tsss.
Tumayo na ako at lumabas ng room pero bago pa ako makalayo ay sumigaw si sir ng 'DETENTION'. Neknek niya, hahaha. Di ba niya alam na tulugan ko rin yun?
Walangyang Sander to, hindi ako ginising! Pahamak masyado. Di na rin ako papasok sa next class ko kasi alam kong late na ako at mapapagalitan ulit kaya ako dun. I decided to go to the detention room, dahil dun mapagpapatuloy ko ang tulog ko.
Sinuot ko ang headphones ko at nakinig sa music habang naglalakad papunta dun. Pero agad din naman akong napahinto sa paglalakad dahil nakasalubong ko si Electra. Anong ginagawa niya dito.
"Cas, right? Hi." bati niya sakin.
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?