SA 27 - Stay with me

2.2K 75 20
                                    

Wala na masyadong nagco-comment. Pangit na ba? Swear guys, comments are more flattering than votes. I want to hear your rants about my updates. Pls pls :*

SA 27 - Stay with me

ELLE'S POV

"Are we really required to hide?" Reklamo ni Cas habang nakaupo kami sa likod ng sofa. Si Aya at Andeng naman kanya-kanya rin ang tago. "Surprise nga diba?" Pinitik ko ilong niya at isang tawa lang ang sukli niya sakin.

Nagtext si Bettina samin na malapit na siya. Ang alam niya lang ay may sleepover lang kami dito kaya excited na akong makita ang reaksyon niya.

Tiningnan ko naman si Cas na nakaupo ng cross-legged at pinaglalaruan ang ambag niyang party popper. Halatang init na init siya kasi nagsando nalang siya pero tagaktak parin ang pawis niya tapos yung buhok niya natatakpan na amg mga mata niya.

Chineck ko ang bulsa ko at kinuha ko ang rubber band dun tapos hinawakan ko ang basa niyang buhok dahil sa pawis at tinali yun. Amg cute tuloy niya tingnan parang may fountain sa ulo. Hahaha.

"Thanks." Nginitian niya ako sabay kurot sa pisngi ko at nginitian lang siya pabalik.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng tunog ng door knob. Andyan na si Bettina at binubuksan na niya ang pinto.

"Mga bakla! Happy birthday to me!" Sigaw pa niya kays pigil na pigil akong tumawa.

Seconds later ay pinaputok na ni Cas ang party popper. "Ay inahan!" Biglang napa-bisaya si Bettina dahil sa pagkagulat kaya tawang-tawa kami.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you." Kinakantahan namin siya ng birthday song habang si Cas naman ay vinivideo kami gamit ang ipad ni Andeng.

Iyak lang ng iyak si Bettina tapos nung hinipan na niya yung cake ay niyakap niya kami isa-isa. Nung si Cas na lalapitan niya tiningnan niya pa ako na parang nangaasar. "Babe nag-abala ka pa. Presence mo lang sapat na." Pagbibiro niya tapos pinasalamatan niya si Cas. "You're crazy but happy birthday." Pangaasar ni Cas sakanya.

Nagsalo-salo na kami tapos may iba ring kapitbahay ang pinakain namin. Masaya ako at nakita kong masaya si Bettina kasi kahit parang nilamutak lang na cake at kacheapang handaan lang ang afford namin ay tuwang-tuwa na siya.

"Kumain ka pa." Nilapitan ko si Cas na nakaupo sa labas ng bahay nina Andeng at kumakain ng pansit. "Bat nasa labas ka kumakain, ano tingin mo ngayon? Pista?" Pagbibiro ko tapos tinawanan niya lang ako.

Umupo ako sa tabi niya tapos parang nilapit niya sa bibig ko yung fork niya na may pansit pero umiling ako. "Busog na ako."

"Konti lang kaya ang kinain mo." Sumimangot siya. Dahil alam kong tama siya ay kinain ko rin yung sinubo niya.

"San ka galing kaninang umaga?" Tanong ko sakanya.

Tinitigan naman niya ako ng matagal na tila nasa pagmumukha ko yung sagot sa tanong ko. "Music fest. Inaya ni Terrence eh." Napatango naman ako. "Masaya ba dun?" Tanong ko ulit.

Di pa kasi ako nakakapunta sa mga ganun though parang may idea na ako sa kung ano mang meron dun.

Matagal bago siya nakasagot. "Medyo. Gusto mo ba next time isama kita?"

Nginitian ko naman siya. "Sige ba basta kung wala akong duty o kaya raket niyan."

Nilagay niya yung pinggan sa tabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko sabay laro sa thumb ko gamit rin ang thumb niya. Napangiti tuloy ako sa simple gesture niya. Siyempre nagpipigil ako ng kilig.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon