SA 4 - Engaging on helping
CAS' POV
So ayun nga, nagalit si mommy. Bakit daw di ma-contact sim ko. Unang-una, binlock ko lahat sila sa sim na yun at dinelete ang contacts at messages para pag gamitin ni Electra, walang sabit. Kaya nagrason ako ng kung ano-anong kagaguhan mapaniwala lang nanay ko.
"Ano po kasi nalublob ko sa tubig."
"Huh bakit? Ang careless, oo. Dapat sinabi mo sakin. Mapapaayos pa naman ata ah. Bumili ka agad ng bago, aba lumuluho ka nang bata ka!"
"Pagkatapos po nasagasaan ng pison."
"Huh?"
"Diba nalublob sa tubig tapos nung kinuha ko na nadulas. Ayun lumipad sa kalsada tapos may dumaan na pison kaya ayun.."
"Jusko kang bata ka!"
Kaya ayun. Kurot sa tagiliran at hila sa buhok ang natanggap ko kay mama pero ayos na rin. May iPhone 6 plus ako. Hahahahahaha.
"Di ka parin namin napapatawad." pagdradrama ni Terrence sakin.
"Ang diyos nga mapagpatawad ikaw pa kaya na isang hamak na tao lang. Wag mo kong simulan Solis ha." pagbabanta ko.
Pumalakpak naman si Cole at Si Terrence si Debby naman tawang-tawa habang ang kambal ko ay walang pakialam.
"Jusko! Nadala niyo na sa simbahan si Cas! Alam na niya ang mga salita ng Diyos!"
Parang tanga eh. Kahit bata alam yun. -_-
Dahil naghihintay lang kami ng himala kasi school fair na ngayon ay nilabas ko muna ang cellphone ko at nakinig ng music sabay check ng twitter ko pati sa facebook. Matumal ata ah. Asan ang mga tao ngayon? Tsk.
"Uy bago ah. Asan na yung dati mo? Akin na!" sabi ni Cole di ko naman pinansin.
"Nasagasaan daw ng pison. Ewan ko lang kung sinong niloloko ng ogags na yan!" tawang-tawa si Sander sakin.
Malamang kahit ako na makakarinig nun di rin makapaniwala. Sinong gago ang hahayaang masagasaan ng pison ang cellphone niya?!
"Oh anyare sa cellphone mo?" tanong ni Debby sakin habang kumakalkal sa trash bag o school bag ni Cole.
"Yun nga. Nasagasaan ng pison."
"May pison ba na dumadaan sa village niyo?" gulat na gulat na tanong ni Terrence.
![](https://img.wattpad.com/cover/38680921-288-k697561.jpg)
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?