SA 14 - Literally Saving Elle

2.3K 66 7
                                    

Pasensya na kung hindi ako agad.. lol Agad talaga? Okay. Hindi ako nakaupdate kaninang umaga kasi nanonood pa ako ng random youtube videos (mostly DIYs). I am missing my sister and ito kasunod sa KN na pinagkakasunduan naming magkapatid. Hihihi. So yes..

Goal kong everyday mag-update habang wala pa akong pasok! Kamusta mga #TeamJune8?


SA 14 - Literally Saving Elle



ELECTRA'S POV


Kakatapos lang ng duty ko sa Eleanor's diner. Kadalasan ay nakaka-limang kanta ako isang gabi pero dahil may gagawin pa ako ay tatlo lang.. bawas sahod pero kailangan talaga.

Ngayon, nasa bahay ako nina Andeng. Siyempre andito si Andeng kasi ang weird na nasa bahay nila ako tapos wala siya. Hahahahah. What the.

Siyempre andito rin sina Bettina at Aya para moral support.

Ang katangi-tangi lang ngayon ay andito rin si Levi.

Bakit?


Nakalimutan kong sabihin na duet ang category ng contest sa mall ay duet. Hindi naman sana si Levi ang kukunin kong partner kasi ang rami ko kayang kakilala sa diner na lalaking singer na pwede kong pakiusapan.

Kung hindi lang talaga chismoso 'tong lalaking 'to. Tsk.

So ayun si Levi ang kaduet ko at mukhang tama naman na siya ang pinili ko kasi ang galing niya. Ang ganda ng boses. Shet. Hahahahaha.


Kasalukuyang nag-hahum si Levi habang ako naman ay nagme-memorize ng lyrics nang napansin kong tahimik ang tatlo.

Tiningnan ko sila at titig na titig sila kay Levi.


Mukhang may katapat si Cas sa paningin ng tatlo ah! Hahahahaha.

Seriously, I can't find anything attractive about Levi. Oo may itsura, at yes umaapaw ang sex appeal. Pero ma-tattoo siya which is a big NO for me and mas matanda siya sakin. So wala talaga.


"Anong oras nga ulit bukas Elle?" tanong ni Levi sakin.

Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Ilang beses na niyang tinanong sakin yan!


Tumawa lang siya at kunwaring zini-zip ang bibig niya.


"Type niya si Elle.." bulong ni Aya.


"Papansin eh."

Nagbubulungan pa sila eh rinig ko naman. Napairap tuloy ako.

Isa pa 'tong kaharutan ni Levi eh kaya bad shot na bad shot na ako sa mga katrabaho ko sa Sweet Mist. Type din kasi ata nila eh.

Tumayo na lang ako at pumunta sa kusina nina Andeng at uminom ng malamig na tubig.

Medyo kinakabahan ako.. bukas na ang contest kaya kailangan kong gawin ang lahat para maipanalo ko yun.


Busy ako sa pagpapakalma ng sarili ko nang biglang umilaw ang phone ko at nakitang may notification ako sa twitter.


@dudeitsCas: @elleesaavedra Good luck for tomorrow Elle! *kiss emoji* - Debby *insert picture nina Cole at Debby habang tinuturo sina Cas, Sander at Terrence na nakatingin sa stage*

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon