Bakit feeling ko ako lang ang estudyanteng chill? Shet bakit? Marami akong gawain but papetiks-petiks lang ako! T.T ANG CHAPTER NA 'TO AY PARA SA MGA KAKILALA KONG BINIGLA KO NUNG SINABI KONG NAGSUSULAT AKO NG STORY - PARA KAY MAYENG AT JANINE. BWAHAHAHAHAHA! Rawr..
SA 19 - WE FOUND WONDERLAND
ELLE'S POV
Dahil pagod si Cas sa biyahe ay natulog muna siya kanina sa kwarto ng kapatid niya habang ako naman ay tumatambay sa guest room. Bilang taong paminsan-minsan lang makaranas ng mga bagay na pang mayaman ay sinulit ko ang oras na yun para maglibot sa bahay ni Sander.
Kagaya sa bahay ni Cas na napuntahan ko ay may family portrait din ito, ang kaibahan lang sa interior nila ay mas relaxed ang features ng bahay ni Sander kesa sa bahay ni Cas, more on Earth tones kasi ang bahay ni Cas kaya ganun.
Papasa na ba ako para maging interior designer? Charot lang.
"CASSANDER ALLEEEEEEEN!" pangungulit ko sa lalaking 'to.
Paano ba naman kanina pa siya palakad-lakad at kuha ng kuha ng litrato habang ako naman ay nakabuntot lang sakanya. Kanina pa ako ganito ng ganito!
"What?"
Hinga Electra. Hinga.
"Pagod na akooooo!" reklamo ko sakanya.
Lumapit naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko sabay naglakad ulit kami. Jusko! Lakad ulit?
Bahala yang si Cas, tinatamad na akong gumalaw.
Umupo ako sa buhanginan at hinayaan siyang magtaka.
"And what are you doing? Tumayo ka." reklamo niya habang hinihigit ako. Siyempre hawak-hawak niya parin ako.
"Pagod." pumikit lang ako at hinayaan siyang higitin ako.
"Tumayo ka na kasi babalik na tayo sa bahay."
"Tired.."
"Electra.."
"Oh?"
"Stand up!"
"Pagod." nakapikit parin ako at pinapahinga ang mga paa ko.
"Ang bilis mong mapagod." reklamo niya.
Napamulat tuloy ako sabay irap sakanya. "Hello? 1 hour tayong naglalakad ng walang pahinga, siyempre mapapagod ako!"
Bahala siya diyan, nawala na lahat ng mood ko. Na-drain na siya dahil sa pagod. Nawala na yung paghanga ko sa dagat kasi napunta na sa pagod ko. Bahala siyang mamoblema sa pagiging pala-reklamo ko. Siya nagdala sakin dito!!
"Okay. Sorry dahil napagod ka." he sounds like he gave up.
Nag-thumbs up lang ako habang pinapaypayan ang sarili ko.
Niligpit niya ang camera niya sa bag niya at nag-ayos ng buhok. Tapos bigla siyang yumuko at..
"Ibaba mo ako leche kaaaaa!"
Paano ba naman kinarga ba naman ako at pinaupo sa balikat niya. Pinagsasabunot ko tuloy buhok niya.
"Aray! Fuck. Hoy ano ba!" reklamo niya.
"Ibaba mo ko sabi!"
"Aabutan tayo ng dilim kung magpapahinga ka pa diyan."
Nakonsensya naman ako sa pagsasabunot sakanya. Kaya pala ako kinarga kasi baka gabihin pa kami, medyo late narin kasi.
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Novela Juvenil(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?