SA 21 - No chill

2.1K 70 6
                                    

Updating because why not? ;)

SA 21 - No chill

ELECTRA'S POV

"Kamusta ang getaway niyo ni Cas?" Nginisihan naman ako ni Bettina pero bago pa man ako makasagot ay nabatukan na siya nina Aya.

"Getaway pala ha?!"

"HAHAHAHAHA."

Tawang-tawa naman kami jusko naman. Di ko na sana napansin ang 'getaway'.

"Kasi naman eh." Napakamot naman sa ulo niya si Bettina. "So kamusta friend? Nasolo mo ng isang gabi si Cas. Wag mong sabihing magkatabi kayo kundi mabibiak talaga ang puso ko." Parang umiiyak pa talaga si Bettina.

Napairap naman ako sa pagd-drama ng kaibigan ko.

"Ang drama neto." Kinurot ko pa si Bettina.

"Wag kang mag change topic ate girl." Inirapan ako ni Andeng.

Napaubo naman ako.. "Um ano.."

Sasabihin ko ba na sa tabing-dagat kami natulog? Baka malaman to ni papa aba! Huehue.

"SO ANO NA?!" ATAT NA ATAT TALAGA SILA AH. NAKAKAJIRITS. Tsk.

So ayun kinwento ko sakanila. Ilang hampas at kurot ang natanggap ko mula sakanila. Battered Electra na ako. Huhuhu.

"Kainis naman oh. Nakatabi mong matulog." Nag-crossed arms pa si Bettina.

"Mabango ba?" Tanong ni Andeng.

"Kinilig ka nun no? Masasapak kita pag hindi. Hahahaha." Si Aya naman yan.

"Ewan." Pagdedeny ko.

Oo crush ko si Cas, pero ayaw ko lang munang i-share sakanila. Kasi naman baka pag nalaman nila ay tuksuhin nila ako. Kahit nga di ko crush, pinagpipilitan nila.

May isang time na nga nung bata pa kami nakakalaro namin si Makoy nun tapos inasar agad nila sakin, nalaman pa talaga ni papa. Nakakahiya yun, kahit di ko naman talaga crush yun. Hay nako. Ako ata ang bullied sa tropa. Hahahaha.

Nakatanggap ako ng text galing kay Cas. Ang sabi..

'FROM: CAS, Hey. You free today? Meet me at the ** mall. Please? Sorry if I can't pick you up. I'll make it up to you. '

Dahil sarado naman ang karinderya ay pumunta na rin ako sa mall. Bagot din ako sa bahay. Bukod sa wala ang mga pangs ay wala din akong raket o duty.

Nang makarating ako sa mall ay tumambay lang ako sa may food court, inub-ob ko lang ang ulo ko sa mesa. Inaantok pa ko eh.

Maya-maya ay narinig kong nag ring ang phone ko kaya sinagot ko yun. Si Cas ang tumatawag..

"Hello?"

"Hey, where are you?" Umayos naman ako ng upo at napahikab.

"Nasa food court. Tapat ng red ribbon." Sagot ko.

"Mmmkay. I'll be there."

"Okay."

Binaba ko na ang tawag saka naglinga-linga sa paligid. Trying to find Cas' shadow. I was doing that for some time nung naramdaman kong may nag-pat sa ulo ko.

Nilingon ko naman kung sino at nakitang si Cas pala yun. "Hello." Bati ko sakanya. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko.

"Matagal ka bang naghintay?" He asked nang maupo siya sa tabi ko. Umiling lang naman ako.

Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon