EA 2 - Breathe

1.8K 56 3
                                    

Handlers of SA characters, pm niyo sakin ang watty username niyo. Magde-dedicate ako sainyo!

unedited af.

EA 2 - Breathe









(Play the song on the multimedia)

ELECTRA'S POV









Matapos kong maramdaman ang takot nang maiwan na naman ako mag-isa after ng classes ko sa mga estudyante ko ay agad akong pumunta sa therapist ko. I talked to her about my random thoughts for this day at yung takot na naramdaman ko habang mag-isa ako sa loob ng classroom sa music school ko. 



I am crying while she just stared at me and is listening. Alam ko namang hindi na dapat maghanap ng therapist para sa pinagdadaanan ko kaso wala na akong ibang makakausap. Since papa left me, I feel so empty and alone. Wala na akong maramdaman kundi takot, I don't know how to cope up after his death and the next thing I found out is that I already started being anxious of the things that surrounds me.







Mali ba ako?





Mas tama ba kung ito ang ginawa ko?





Pinaguusapan ba nila ako?





Nakakatawa ba ako, ako ata yung pinagtatawanan nila eh.







I'm never gonna make it.









Those are just some of the million thoughts na nasa utak ko. Nakaka-frustrate nga kung iisipin ko ang lahat ng yun isa-isa kaya mas mabuting umiyak nalang diba?







I entered my flat with red, puffy, and almost swollen eyes. I don't live with them  though paminsan-minsan ay dun ako natutulog because of Cassy's request. Pagkapasok ko palang sa condo ko ay sinalubong na agad ako ni Lewis, my dog. "Hello there love." kinarga ko kaagad siya at hinalikan. 





Nilapag ko ang binili kong ice cream sa counter at hinayaan si Lewis na magtatatakbo. Hinubad ko ang pumps ko at nilagay sa gilid saka pumunta sa sala para pindutin yung button sa telephone ko, baka kasi may nag-iwan ng voice message and as expected ay meron nga.





"Hi this is Felice. At the moment I am not home, but you can leave a message for me after the beep." I sighed upon hearing my own voice.



And there's that beep.





"Ate? A-ate hi. Its me, Cassy. Uhm... sorry for bothering you. Sasabihin ko lang sana na may family dinner tayo bukas ng gabi at 8:00. Sa usual restaurant lang po. And pag di ka busy can you call me back after hearing this? I want to talk to you ate. I miss you so much." And that's it.



Ilang minuto lang akong napatulala sa telephone ko matapos kong marinig yun. Di ko namamalayang kinakagat ko na pala ang labi ko para pigilan na maiyak na naman. "No Felice. No. Don't cry." bulong ko sa sarili ko.





Dali-dali akong pumunta sa kusina para kunin ang ice cream na binili ko at mabilis na nagtungo sa sala para i-on ang tv. I need to distract myself.



Sinubukan kong maging comfortable. I concentrated on watching the movie while eating small scoops of ice cream from the tub pero wala paring effect. Napapadaan parin ang concentration ko sa thought na tumawag ang kapatid ko at namimiss na niya ako.



Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon