Sorry walang update kahapon ah? Orientation ko po kasi. Huhuhu. 7:30 agad class ko. Psh! XD Buti mahaba-haba ang free time. ^O^
Thank you sa feedbacks. I'm posting Sander's story pag nasa 30+ na ata ang chapter neto.
SA 16 - Kuya Finally
ELECTRA'S POV
Buong summer ay puro trabaho ako. Umaga sa Sweet Mist, gabi sa diner at weekends sa karinderya. Paminsan-minsan ay may mga raket din gaya ng pagkanta ko sa birthday, kasal, anniversary.. okay pati patay di ko pinatawad. Hays.
Ang nakakapanibago lang ay HALOS lahat ng mga raket ko ay andun si Cas. :o
Gaya nung birthday andun si Cas.. kakilala nung celebrant. Tapos nung kasal andun si Cas, kakilala niya yung photographer ng kasal at kumukuha din siya ng litrato, tapos yung pinakamalupit sa patay.. Andun si Cassander Allen, nakikiramay.
Lumiit na ba yung mundo? :o
"Electra.." tawag ni Cas sakin.
Nasa counter ako nakassign ngayon at tinawag ako ni Cas na kasa-kasama ni Mrs Castillo sa branch na 'to.
"Po?"
Ayan tuloy nakurot na naman ako sa ilong. Leche. Dapat kasi pino-po ang mas mataas ang posisyon sayo at pati customer. Eh anak kaya 'to ng may-ari.
"Sabing wag mag po." inirapan ko naman siya.
"Gurang ka kasi." binelatan ko pa siya napitik tuloy noo ko.
"Parang di tayo magkasunod ng edad."
"Atleast baby face ako." tumatawa tuloy ako na parang baliw.
Iba kasi dito sa main wala masyadong may crush kay Cas at hindi nila ako tinotorture.. well except kay Jeena na di parin ako napapatawad mula nung pinagalitan ni Cas.
"Ano bang kailangan niyo po?" tanong ko sakanya.
"Dalawang mocha latte tapos isang half-caf." pumasok pa siya para siya yung maglagay sa monitor ng order niya.
Hinampas ko tuloy ang braso.
"Mang aagaw ng trabaho." pero tinawanan niya lang ako.
"Kumuha ka na ng cups." utos niya sakin kaya walang gana akong kumuha ng tatlong cups at inabot sakanya.
Kinuha naman niya yun pati ang sharpie sa gilid tapos yung isang cup para sa half-caf nilagyan niya ng 'GWAPO' (at obvious kung para kanino yun) tapos yung isa ay 'Mom' tapos yung isa naman ay 'siopao'.
Tumatawa pa siya habang nagsusulat.
"Ang weirdo neto. Usog nga." tinutulak ko siya kasi siya na nakaupo sa pwesto ko. Ang astig nga eh, nakaupo ang nasa counter.
Umalis naman siya tapos binigay niya sa barista yung cup. Umupo na lang ako tapos si Cas naman nakasandal lang sa likod ko habang nag-eentertain ako ng ibang customers.
![](https://img.wattpad.com/cover/38680921-288-k697561.jpg)
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?