Sorry kung super late update, pressure ako sa college. Nakahanap lang ako ng oras ngayon kasi badtrip ako, masarap maglabas ng feelings.
SA 17 - Fears
ELECTRA'S POV
"Hmmm.."
Nag-inat ako habang nakapikit. Ang sarap na naman ng tulog ko. Napaka-kumportable ng tulog ko ngayon kesa sa ibang mga tulog ko.
"Mmmm.."
Nagpagulong ako sa gilid ko pero nabangga ako sa pader kaya hinimas-himas ko nalang ilong ko. Nakadikit ang ilong ko sa pader kaya amoy ko ito.
Wait.. bakit ang bango ng pader? Wag nang pansinin, amuyin mo nalang Elle!
Kaya ayun.. inaamoy-amoy ko yung pader. Hmmm.. Bango..
"ajsdhnsjd.."
Huh? Ano yun?
"jasdhsjdsncdjiwsj.."
Siguro si papa nanaman, siya lang naman ang mahilig magsalita (ng kahit hindi naiintindihan) pag natutulog. Sinisiksik ko yung sarili ko sa pader kasi ang bango talaga at di kapani-paniwalang ang lambot.
Mahimbing kong kinukuha ang tulog ko kaso biglang naramdaman kong may nakapulupot sa bewang ko.
Hala.
A-ahas?
Dun ko na minulat ang mata ko and there I saw that I was in another person's room.
In Cas' room..
Sharing the same bed with him..
I am lying very close to him..
He is hugging me so tight..
And my face is very close to his bare chest.. I repeat BARE chest!
Shit anong nangyari? Anong meron? Bakit ako napunta sa kwarto ni Cas? Leche ano 'to?!
Huli kong naalala eh nasa KTV bar ako kagabi kasama mga katrabaho ko. Bakit ganun? Bakit ako napunta dito sa kwarto ni Cas?
Shet!
Tiningnan ko suot ko pero ganun parin naman.. eh bakit si Cas naka-topless? Bakit niya ako niyayakap? Bakit ako nandito?
Anak ng tokneneng naman oh.
Pinipilit kong itulak si Cas kaso mas lalo niya akong niyayakap. Shit..
Konti na lang mahahalikan ko na 'tong dibdib niya. Waaaaaah tulong!
"Cas.." tinutulak ko siya palayo.
"kdhscbschsd.."
Eh mas lalo lang niya akong niyayakap. Fuuuutaaaah!
"Cas.." tinutulak-tulak ko parin siya.
"Cas."
"Cassander Castillo."
"CAAAAAAAS!" sigaw ko.
Bigla naman niyang minulat yung mata niya saka tinitigan lang ako.
"CAAAAAS!" sigaw ko parin.
Parang dun na siya nagising ng tuluyan at napaupo na lang siya sabay bitaw sa pagkakayakap sa bewang ko at umupo sa kama sabay nagkamot ng ulo.
"Anong nangyari?!" sinisipa-sipa ko siya habang kinukumutan ko ang sarili ko, though may damit ako.
"Wag ka ngang naninipa diyan!" reklamo niya sabay hawak sa paa ko pero di ako nagpipigil at pinagsisipa ko parin siya.
"Leche ka Cassander Allen anong nangyari?! Bakit ako andito?! Sumagot ka!"
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?