SA 32 - Now
ELLE'S POV
"Sinong may sabing may karapatan kang bumisita dito?!" yun agad ang naisigaw ko nang makita ko siya kasama ang asawa niya habang nakatayo malapit sa kung asan si papa.
"How rude of you to greet your mother like that." nginitian niya ako. Biglang nag-init naman ang dugo ko sa sinabi niya.
"Mother? Kelan ka ba naging nanay sakin ha?! Iniwan mo kami para sa lalaking yan!" pinagduduro ko yung asawa niyang hawak-hawak ang kamay ng babaeng... dati ay tinuring kong nanay.
Nanatili siyang kalmado habang dahan-dahang naglakad papalapit sakin. Hinawakan niya ang mga braso ko pero inalis ko ang mga kamay niya. "Hanggang ngayon yan parin ang issue sa pagitan nating dalawa? Can't you understand that I don't love your father anymore?"
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Wala akong ibang inisip kundi ang masaktan ang babaeng kaharap ko para maging patas kami sa pananakit na ginawa niya samin ng papa ko.
Mabilis kong nasampal siya. At wala akong pakialam kung matawag pa akong walang respeto. "KUNG GANUN DIN NAMAN PALA AY BAKIT KA PA ANDITO? DI KA NA LANG BA TALAGA MARUNONG RUMESPETO?!"
Napahawak naman siya sa pisngi niyang nasampal ko. "Ma-pride ka rin pala eh no? Malayong-malayo sa twelve years old na batang nagpakita sakin dati at nagmakaawang bumalik sakanila, hinawaan ka ba ni Antonio ng pride niyang wala namang mapapala?"
Pinipigilan ko ang sarili kong hindi ulit siya saktan kasi gusto kong respetuhin si papa. Alam kong ayaw niya ang mga nangyayari ngayon. "Mali akong nagmakaawa ako sayo dati. Hinding-hindi ko gustong makasama ka. Hindi kita kailangan!"
Umupo naman siya sa silya malapit sa kama ni papa at tiningnan niya ito. "Really my child, because as what I can see... I can clearly tell that you need me. Especially my money."
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?