SA 28 - Security
ELLE'S POV
"WHAT?! HOW COME AM I NOT INFORMED NA CLOSE ANG THEME PARK EVERY MONDAY?!"
Payapa akong natutulog nang magising ako sa ingay ni Cas. Agad naman akong napabangon para tanungin kung anong problema.
Bigla na lang sumisigaw eh last time I checked tulog 'to eh.
"Anong problema? Ba't ang ingay mo?" Kinusot ko yung mata ko.
Tinapon niya ang phone niya sa bed at tiningnan ako na parang napakalungkot niya. "I'm sorry.." medyo pabulong niyang saad.
Huh? Ba't nagsosorry 'to? Wala naman akong naalalang masamang ginawa siya sakin ah.
"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko.
"Di ko alam na closed ang park every Monday, di kita madadala dun ngayon. Eh ngayon na nga lang sana ang vacant natin kasi bukas na ang wedding."
Halatang-halata sa mukha ni Cas ang lungkot. Kulang na nga lang ata lumuhod siya sa harap ko. Hahahaha.
Tiningnan ko naman ang labas ng bintana. Hmmmm.. hindi pa naman medyo late ah.
"Okay lang sakin yun. Pwede namang dito nalang tayo sa resort maglibot eh." nginitian ko siya.
Napakamot naman siya sa ulo niya. "But Shauna told me that girls love theme parks. Yun daw happiness niyo."
Huh? Eh ang corny kaya nun. Hahahahaha.
Cotton candy, rides, ice cream.. di ako mahilig dun. Siguro buhat narin na hindi ako lumaking sanay sa mga ganun.
"Sino ba si Shauna? Eh mali naman siya eh." napa-pout ako.
"My cousin. Bakit ano ba gusto mo?"
Yung maging masaya sa simpleng mga bagay. Sa mga bagay na nasa harap mo na. Yung feeling na kuntento ka na sa kung anong meron sayo.
"Gusto kong sulitin ang araw na 'to!" Nginitian ko siya.
Halata sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi ko. Jusko kelan pa naging slow ang isang Cassander Allen Castillo?
"How?"
Tinuro ko ang pinto. "Lumabas tayo at mag-ikot sa buong resort. Ayos ba?" nag thumbs up ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?