This chapter is for those who came back...
SA 21 - STATUS: UNKNOWN
ELECTRA'S POV
Nagising ako na medyo nanginginig pa. Kagabi pa ako tinatrangkaso at parang bibigay yung katawan ko. Ang sabi ni papa ay siguro dahil na rin sa panahon.
Uulan tas mamaya iinit na naman. Iba na talaga ang mundo ngayon.. dati kung summer, summer lang talaga. Ngayon, may bagyong dumadaan pa sa bansa. Hay.
Kahit masakit sa likod ay pinilit kong bumangon pero napabahing lang ako at napahiga ulit sa kama.
"You okay?"
Halos maluwa ko yung mata ko pagkakita kong pinapanood ako ni Cas habang nakaupo siya malapit sa mesa namin at kumakain pa ng tapsilog na alam kong si papa ang nagluto. "Anong ginagawa mo dito?!" Agad kong hinila ang kumot ko at tinakpan ang mukha ko saka pasimpleng pinunasan ang ilong ko. Medyo dugyot, I know.
Rinig ko naman ang tawa niya. Yang nakakaasar pero nakakakilig na tawa niya. Ughhhhh. "Nagtago ka pa eh kanina ko pa chinecheck yang temperature mo."
Kahit na nahihiya akong ipakita sakanya ang medyo haggard ko itsura at inalis ko ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Hay sana wag ma turn off. "Bakit ka andito?"
"Sikretong malupit." kinindatan pa niya ako bago sumubo sa tapsilog.
Napayuko naman ako kasi namula ako sa pagkakakindat niya sakin. Hay nako Cas ha. Don't do this to me. Huehuehue.
"Asan si papa?"
"Umalis. May pupuntahan daw, half day lang ang bukas ng karinderya niyo ngayon."
Agad naman akong napatayo. Hala baka dahil sa may sakit ako. Bumaba ako mula sa itaas na deck saka sumilip sa baba at sarado na talaga tapos tiningnan ko ang relo at nakita kong 2:30 PM na pala. Ang tagal kong nagising. Jusko!
Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi pwedeng parating ganito na dahil baka ang pagiging sakitin ko pa ang dahilan ng pagkakawala namin ng kabuhayan. Buti nalang din at wala akong duty ngayon sa Sweet Mist kasi pag nagkataon ay ewan ko nalang.
Tiningnan ko si Cas. "Kanina ka pa dito?" pero hindi niya ako sinagot at umiwas lang siya ng tingin. Huh?
"Fix yourself first, Electra." I heard his murmurs.
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?