Expect this chapter to be a long one...
SA 31 - Questions
ELLE'S POV
Kakatapos ko lang mag perform sa diner. Medyo late na rin natapos ang shift ko kaya medyo inaantok na ako.
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at nilapitan ang lalaking kanina pa ako pinapanood. Mula nung start ng shift ko hanggang sa huling kanta ko.
"You were amazing." Yan agad ang bungad niya sakin nung napansin niyang papalapit ako sakanya.
Napangiti naman ako at umupo sa tabi niya saka siya pinasalamatan. "Thank you." nginitian niya ako. Tinawag niya ang waitress para daw i-serve yung inorder niya.
"Di ka pa kumain?" Kanina pa 'to siyang 8:00 andito ah eh 10:00 na.
Umiling lang naman siya. "I want to eat dinner with you. That's why I came here."
Napangiti naman ako. Oo sweet kaso baka magkasakit siya sa ginagawa niya eh. Mali parin na late siyang kumakain kasi baka malipasan siya ng gutom.
"Sige. Pero promise mo next time pag gutom ka na, kumain ka ha?" Nagsalute lang naman siya sakin. Hay nako Cassander Allen.
Nung dumating na yung inorder namin ay nagsimula na kaming kumain. "Babe.." tawag niya sakin.
Nasanay na rin ako na babe ang tinatawag niya sakin o di kaya ay baby. Hinahayaan ko nalang siya. Hahahaha.
"Hmmm?"
"Bukas may lakad kami ng pamilya ko." pagpapaalam niya sakin. Tumango lang naman ako.
"Okay. Mag-iingat kayo ha. Bukas din kasi siguro magiging busy ako, may importante akong raket eh." nginitian ko siya. Sobrang importante kasi ng nakuha kong trabaho bukas.
"Really? Good luck on that baby." tinititigan niya lang ako kaya tinaaasan ko siya ng kilay. Lumapit naman siya sakin para punasan ang gilid ng bibig ko. Automatic namang namula ako.
He chuckled. "Out of town bukas eh. Mamimiss kita." nakita ko kung panong sumimangot siya kaya di ko napigilang kurutin ang pisngi niya. Ang cute kasi. "Eto naman. Parang di na ako makikita. Babalik ka naman eh."
BINABASA MO ANG
Saving Aera (KN Fanfic - Castillo Series #2)
Teen Fiction(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?