The Four of Alejandra

2.4K 39 7
                                    

I was inside the classroom minding my own damn business when sharmaine and her gang ruined my day. Dapat sanay na ako sa bruhang iyon! She always vent her anger towards me at kung ano ano ang pinagsasasabi niya.

I don't really give a shit on her kasi I know myself and I'm confident that I'm pretty.

Pero ibang usapan na kung ang grandma ko ang kinanti niya. Nandilim ang paningin ko at nagpupuyos ang galit na hinablot ang rebonded na buhok niya!

"You bitch! Bitawan mo yung hair ko!" Sumigaw ang mga minions nito and they tried to grab my hair too! Eh ang kaso naka pixie cut ang buhok ko!

Winasiwas ko siya at natumba ito kasama ang mga alagad niya. Napapikit ito at umatongal ng iyak na dinig sa buong corridor ng school.

Bwesit! ito na naman Drama Queen niyo!

"Hayop ka! Ikaw na babae ka, sobrang kulang ka sa pansin! Subukan mo ulit laitin ang Grandma ko at hindi lang buhok mo ang hihilain ko!"

Sinamaan ako nito ng tingin, parang ice cream na nalusaw ang makeup niya sa mukha at bumuka ang mala tilapia niyang bibig para paulanan ako ng banta at mura.

Sayang nag crave pa naman ako sa ice cream kaso nasusuka ako ng slight dahil mukha siyang nalusaw na sorbetes.

"I will report you! I'll make sure they'll kick you out of this school! Bitch!" Sigaw nito matapos ko itong ilampaso at iwan sa daan.

"Go ahead, tell them to kick me out immediately." Mahinahon kong sabi dahil pagod na akong binubully nito.

Umabot din ako sa puntong gusto ko na siyang patayin pero dahil tao ako at hayop siya mas pinili ko nalang magpakatao.

Atleast leksion sa kaniya ang ginawa ko, hindi porket hindi ako lumalaban eh ganun na ganun lagi? No! I don't deserve to be treated like I was some kind ko trash.

I gave her a chance na huwag ako nitong ganituhin kasi I never did anything to her. Enough na ang pagiging mabait ko dito!

Screw her stupid mind!

She's not physically bullying me but she and her so called "friends" verbally bully me.

"Sobrang puti mo Nene para kang white lady sa balete tree. HAHAHA!"

Their laughter annoyed me so much.

"Payat mo parang stick sa fish ball stand!"

"Tomboy ka no kasi ganiyan buhok mo!"

"Ano naman ngayon?" Kung hindi yan ang sagot ko ito naman "pakealam mo ba?" Sguro naiinis sila sa mga ganiyan kong sabi.

Maganda ako kaya hindi ko gaanong pinapatulan ang mga ito basta't hindi pisikalan.

Nilakad ko na ang papuntang classroom para makuha ko ang bag ko at umuwi na sa bahay. Namiss ko agad ang Grandma ko.

Nagpintig talaga ang tenga ko nang marinig ko yung tawag nila sa Grandma ko, labis ko talagang kinagalit.

Hindi kami magkasing kulay ng balat ng Grandma ko, sakin nga okay lang tapos sila sobrang kapal kung makapagsabi ng "baboy ramo" "native baboy" "black baboy".

Morena ang lola ko at may katabaan, bagay na kinalakhan ko na at tanggap namin kasi ang fluffy ng tummy ni Grandma! Masarap kaya matulog doon.

Mga walang respeto lang talaga ang mga bruha.

Paniguradong ipapatawag ang Grandma ko bukas dahil sa ginawa ko. Nalungkot tuloy ako ng maisip ang pwedeng kakahinatnan nito bukas.

Sinipa ko ang maliit na bato dahil naiinis talaga ako!

"What the Fuck!?"

Natakot ako sa buo at panlalaking boses kaya tinakbo ko na paakyat sa 2nd floor.

Hays. May natamaan ata ako?

Isang daang porsyento na ang Good moral ko ay wala! kung saka-sakaling papaalisin ako dito. Eh tapos nanay pa ni sharmaine principal pa doon sa elementary ng unibersidad na ito.

Medyo patay ako nito kay Grandma.

Pagkarating ko sa classroom dali-dali kong kinuha ang bag at kumaripas ako nang tabko sa gilid ng university.

Sakto shifting na ng mga guards kaya nakapuslit ako ng takbo.

Dala ang bag ay nagpalakad lakad ako sa bayan.

Kung quota lang ang mga nagawa ko kanina, naabot ko na lahat ang target ko at may bonus pang cutting class ngayon.

Nagtusok ako ng calamaris at ilang atay tapos bumili rin ako ng palamig na salad flavor. Hindi ko alam kung sulit ba yung 50 pesos dahil naubos ko agad.

May park naman ang bayan namin yun lang hindi kasing laki ng syudad. Dahil hindi pa dismissal kunti pa yung mga nakatambay dito.

Papatayo na sana ako ng biglang yumanig ang lupang kinatitirikan ko!

Nagsigawan ang mga tao at nagkagulo.

"Lindol!"

"Ang anak ko!"

"Doon tayo sa open field!"

Nagpapanic na ang lahat at parang natulos ako sa kinakatatayuan ko.

Naiiyak ako at nanginginig!

Malakas ang lindol dahil nagswi-swing ang munispyo at mga buildings.

Narinig ko ang mga sigawan, iyakan at mga sasakyang nagbanggaan.

Umiiyak akong ni recall ang mga napag-aralan sa school namin tungkol sa kung ano ang gagawin during earthquake.

Nilagay ko ang bag sa ulo at tumakbo papunta sa open field.

Ganun nalang ang gimbal ko matapos gumuho ang ilang bahagi ng open field at nilamon ang mga taong nandoon!

Muntik na akong mahulog dahil ilang dipa nalamang, kung hindi lang sa malakas na hatak sa akin ng kung sinuman diretso ako sa butas.

Gusto kong ipikit ang mga mata ko baka sakaling panaginip lamang ang lahat.

Lagi akong pasaway sa Grandma ko! Nag cutting class ako ngayon tapos ito sa may lindol.

Na karma ata ako agad agad!!!!

"Shit!"

"Kid are you alright?"

"We have to go, it's not safe here."

"I'll carry the kid."

Lumingon ako sa apat na kamay sa balikat at bewang ko.

Bago pa ako makapalag ay binuhat ako na parang sako ng mamang matangkad.

Tumakbo kami sa bakanteng lote malayo sa bayan.

Paano kami nakarating dito?

Medjo nahihilo dahil sa lindol.

Tumigil na ang pagyanig pero panaka naka ang mga aftershocks.

Umiiyak akong pasan ng lalaki, dahil sa hilo at ng pangyayaring nasaksihan ko nanlabo ang mga mata ko.

Kung huling sandalin ko na ito, sana kahit papaano makilala ko yung papa ko. Sana nilambing ko ng todo ang Grandma kaninang umaga.

Sana pala hindi na ako pumasok.

Hi! Preview of "The Four of Alejandra"
Hope you'd support this story too 😘.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon