TFoA 18

479 14 5
                                    

Walang pasok kasi sabado ngayon kaya sa bahay lang talaga ako. Nasa balikat ko ang tuwalya habang ang kalahating katawan ay nakahilig sa hamba ng pintuan. Hinihintay ko ang apat na para sakin ay kanina pa sa posohan.

Hindi ako makapakali kasi naman ang sabi ni Grandma ay maraming dalaga ang nag-iigib doon sa ganitong oras. Kulang nalang ay puntahan ko sila roon dahil inorasan nga ang apat at lagpas isang oras na.

Walang atubiling kinuha ang tsinelas sa lalagyan para puntahan sila.

"Grandma! Sunod lang po ako sa apat para mag-igib din, kahit itong maliit na timba lang po. Natatae na po kasi ako." Sigaw kong paalam dahil nasa likod si grandma. Wala akong sinayang na oras at agad lumarga paalis ng bahay.

Suot ang pang gabing bestida na lagpas tuhod sa haba ay nilakad ko ang kinaruruoan ng apat. Pinalitan ako ng apat ng damit kagabi.

Naningkit ang mga mata ko sa haba ng pila. Hindi naman ganito tuwing sabado kasi may mga kaniya kaniyang nawasa ang lahat.

Lumapit ako sa kumpulan sa unahan.

"Excuse me, paraan po." Muntik pa akong masiko kung hindi kaagad ako nakayuko.

"Ate, paraan lang po saglit." Ngumiti pa ako para lang makadaan. Hinanap ko sila Isa-isa pero hindi ko makita.

Asan ba kasi sila?!

May grupo ng mga babae na medyo mas matanda sakin ng kaunti ang natitilian habang may buhat na timbang may lamang tubig.

Kilig na kilig sila parang nakakita ng artista kung paano mangisay sa kaharutan. Don't tell me na yung apat ang dahilan!

Tumaas ang kilay ko at nakinig sa usapan ng mga ito.

"Ang matcho nong nagbobomba sa poso!" Nagtutulakan at kilig na kilig.

Ako ang bobomba sayo kung isa sa apat na mga nobyo ko ang tinutukoy mo!

Umirap ako ng ilang beses dahil nang may umalis na tao sa pinaka una ay nasilayan ko ang apat na naka muscle t-shirt. Kaya naman pala kayo pinag kakaguluhan! Bwesit kayo!

Okay sana kung ganiyang kita lang mga biceps eh pero yung naka short sila?

Halata yung mga ano niyo! Lintek yan!

Mamaya kayo sakin!

Bumalik ang tingin at tainga ko sa mga babaeng gusto pa atang  maki-share!

"Laking tao at mga gwapo pa!" Halos tumili na sila habang pasulyap sulyap sa unahan.

Talaga lang mga sis ha. Alagang Alejandra Cleopatra kasi, hindi mo sila keri. Sinasabi ko na.

"Kinuha mo sana ang numero nila! Halatang daks sila!"

Ay 6 and 9 ang huling number ng bawat phone number nila. Pwede ring favorite no. Kasi favorite naming lima yan. Bawal ka sumama.

"Tara balik tayo! Sakin yung mukhang suplado ah!"

Kahit galing ako sa away makikipag away ulit ako! Gusto mong sabunutan kita hanggang diyan sa buhok mo sa ibaba! Mapapasayo talaga ang suntok ko, la-landing sa mukha niyo!

Dumaan ako sa gitna nila at nauna sa pila kung saan naka ngiti ang si wraz habang nagbobomba sa poso.

"Bastos ka!"

"Hoy! Kala mo kung sayo ang daan!"

Hindi ko pinansin ang reklamo nila at pumeywang ako sa harapan ni wraz. Malakas kong binaba ang timba kaya naglikha ito ng tunog.

Tumahimik ang paligid parang may away na magaganap. Sa tingin ko oo, mga mamaya.

Nawala ang ngiti niya ng dumako sa suot kong pangtulog ang mga mata nito. Tumalim iyon. Galit kong binalik ang tingin niya sakin.

"What are you wearing?" Mahina ngunit galit niyang sabi. Lumayo ako nang lumapit siya pero parang may pader sa likuran ko.

Tumalikod ako pero dibdib ni Franco ang bumangga sakin. "Bakit ka lumabas suot ang manipis na damit?" Duh! Ito kaya sinuot niyo kagabi. Nakaharang siya kaya sa gilid ako dumaan.

Bahala nga kayo magalit!

Pumunta ako sa poso at nilagay ang timba. Isang malaki at mainit na palad ang dumapo sa bewang ko. "What the... you're not wearing brasseries." Tinampal ko yung kamay ni Lanter para masimulan ng mag-igib.

Inayos ko ang tuwalya sa balikat. Nakikita kasi tinitigan mo. Huwag ako.

"Change your fucking clothes now, Cleo!"  Pinagkrus ko ang dalawang braso at tamad na hinarap si Garret na kagaya ng mga kapatid niya ay naiinis at galit na nakatingin sa damit ko.

Masungit ko siyang tinaasan ng kilay.

"So pag kayo pwedeng magsuot ng maiksi, manipis ganun? Tyaka minumura mo ba ako? Kung gusto kong lumabas na ganito ang suot, lalabas ako!" Their jaw clenched at hahawakan sa na akong muli sa braso pero umiwas ako pakaliwa.

Hindi ko pa napuno ang timbang dala ay aalis na ako. May pag-uusisa sa mga mata ng mga taong narito dahil naka busangot na ang mukha ng apat eh ako lang naman ang huling kinausap.

Kinukuha ni Franco ang timba sa kamay ko pero hinila ko pabalik kaya natapon saking bestida. Suminghap ako sa lamig na nanuot saking balat.

"I'm sorry, Baby. I—" naputol ang sasabihin niya dahil may epal.

Humawak ang babae sa hubad na braso ni Franco. Sa harap ko pa talaga!

Inalis agad niya ang kamay ng babae sa braso nito. 

"Hi! Pwede hingiin ang no. mo? Type ka kasi ng kaibigan ko." Dismayado ito sa ginawa ni Franco sa kamay niya pero pursigidong at may determinasyon parang kinukuha.

Type rin po kitang bigyan ng uppercut.

Sge nga anong isasagot mo. Ha-hayaan kita Franco! Wala akong imik sa tabi ng boyfriend kong type raw ng nitong babaeng halata rin naman siya talaga ang may gusto hindi ang kaibigan.

Tinaasan ko ng kilay si Franco dahil sakin ito nakatingin at parang hangin lang ang babae sa harapan namin.

"Galit ka ba?" Obviously, yes, I am. Mababa ang tono niya tila nag iingat sa sasabihin.

Sa gilid ng aking mata ay palapit narin ang tatlo kaya iniwan ko na sila at unang naglakad.

Kumaripas ako ng takbo papasok ng bahay, nakitakbo rin ang apat kaya para kaming naglalaro lang. "Grandma!" Napasigaw ako ng muntik na akong mahuli ni Garret.

Sa pintuan ay hingal na hingal ako, sinarahan ko sila ng pinto. "Shit! Umalis na si Grandma." Alas nuebe na kasi kaya magbubukas na siya ng store sa palengke.

Kumalabog ang pinto sa pagkatok nila. Neknek niyo kung papasukin ko kayo.

"Cleo, open the goddamn door!" Kinagat ko ang daliri dahil seryoso na parang galit si Lanter. Ako nga dapat magalit.

"Ayaw ko nga, doon na kayo sa mga babae niyo." Balik kong sabi pero sumilip ako sa bintana at kita kong nagkupulan sila.

"Wala kaming babae, Cleo." Mahinahong sabi ni Franco.

"Binigay mo sana yung number doon sa babae kanina." Asar at labas sa ilong kong sabi.

Inayos ko ang nagkalat na gamit sa sala dahil nagmadali ako kaninang pumasok.

"Open this door, please. Mag-usap tayo." Isa ka pa! Laki ng ngiti ni wraz kanina kala mo naman model sa isang commercial ng toothpaste.

"Talk to your self, ganda nga ng ngiti mo roon. Parang walang girlfriend!" Naiinis ako bigla kahit umaga palang.

Pinag-papawisan ako dahil mainit na nga ang panahon umiinit pa ang ulo ko sa kanila. Nahulog pa nga ang ilang libro sa ilalim ng lamesa! Dumapa pa ako para abutin.

"Aw!" Nauntog ako sa gulat nang may pumalo sa pwet ko. Inis na inis akong humarap dahil nakalock ang pinto pero nakapasok!

Nakataas ang kilay ni Garret, bumaba sa suot kong damit kaya nakita ko ang pag- igting ng kaniyang panga.

Umatras ako nang humakbang siya palapit.

YOU CAN READ THIS CHAPTER WITH THE BS ON MY DREAME ACC.
- typemehard



The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon