TFoA 15

541 16 1
                                    

Simula ng may mangyari samin nila Franco, Garret, Wraz at Lanter hindi ko na makontrol ang sariling katawan ko na bumigay sa bawat halik, haplos at galaw na kanilang binibigay at pinapalasap sakin.

Nakapag adjust na ako sa bagong school ko. Gusto ko roon dahil sa walang pakealaman ng buhay and they mind their own business. Humarap ako sa salamin para maglagay ng powder sa mukha at kunting cheek tint sa pisngi tapos hinuli ko ang lip gloss.

Kinuha ko ang moisturizing cream sa tukador at napangiti tuloy ako nang dumako ang mata sa apat na singsing na suot ng aking daliri. Medyo nawala ang ngiti sa labi kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Grandma yung saming lima.

Ang lakas ng loob kung magsabi ng Oo sa kanila pero sa grandma hindi ko masabi sabi. Nahihirapan ako sa totoo lang, baka magalit si grandma sakin o sa apat na mga lalaking mahal ko.

Isang malakas na busina sa labas ng bahay at ang tawag ng aking grandma ang nag madali saking ayusin lahat ng gagamitin ko sa school.

"Ingat kayo mga apo!" Humalik ako sa noo at pisngi ni Grandma bago sumakay sa sasakyan ni Jaster na siyang sumundo sakin ngayon. Unti unti kasing nawawala yung pagseselos ng apat sa kanilang dalawa ni Julio.

Sguro dahil pumayag na akong magpakasal sa kanila kaya naibsan yung selos nila.

"Bye po Grandma!" Natawa ako sa flying kiss ni Jaster sa lola ko.

Kumaway kaming dalawa ni Jaster bago niya pinaandar ang makina ng kotse nito.

"Naks! bigotelyo kana pala Jaster." Asar ko dito kasi hinayaan na nitong tumubo at hindi na inahit kagay ng noong nakaraang buwan.

Tumaas ang kaniyang kilay at ngumisi sakin bago sinuklay ng kaniyang daliri ang buhok nito. "I looked more matured and handsome with it." Nag-ala Mr. Suave siya kaya tawang tawa ako. Yabang! kaso totoo namang gwapo siya, pero mas at pinaka gwapo ang mga boyfriends slash mga fiancee ko.

"Sge sabi mo eh." Tumunog ang cellphone na nasa loob ng bag ko.

I received a text from my boyfriends. As usual may business meeting sila overseas at silang apat yung need umattend. Muntik na nga ako sumama para paunlakan ang imbetasyon nilang apat, kaso naisip ko na hindi dapat ganun. I felt like sobra na lahat ng naibibigay nila sakin kaya humindi ako.

I typed my replies.

"Anong pakiramdam na apat yung nag-mamahal sayo, Alejandra?" I tap send bago lumingon sa paligid at kay Jaster. Lumiko ang sasakyan papasok sa isang exclusive subdivision kung saan nakatira si Julio.

Ngumiti ako sa tanong niya. Isang sagot lang pare.

"Masarap." Taka siyang tumingin sakin.

"Masarap silang promotekta. Masarap silang mag-alaga. Masarap silang sandalan. Masarap silang magparamdam na ako lang yung babaeng mahal na mahal nila kahit pa maraming mas maganda kaysa sakin at kasing yaman nila. Basta masarap sila at huwag ka ng mag tanong bakit." Ngumiwi siya at natawa.

Gago. Hindi pa kasi nagmamahal kaya ganiyan siya makareact.

Umiling pa habang tumatawa.

"That's a weird word to described their love for you. Masarap? Shit! I can't see myself loving or falling in love to someone." Pag ito talaga tinamaan aasarin ko ng malala.

Umirap ako sa sinabi niya bago nag cross arms dahil malapit na kami sa bahay ni Julio.

"Tsaka mo na sabihing weird yung salitang 'masarap' pagnagka nobya kana. Chee." Namimiss ko tuloy ang apat na masarap kong boyfriends.

Bumusina siya sa isang napakalaking puting gate nila Julio. Higit sampung minuto kami naghintay sa labas dahil mabagal siyang kumilos.

"Sabi na sayo eh, yung ready ni Julio sa chat naku kakagising lang nun." Sabi ko at kumotkot sa plastic bag ng candy.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon