TFoA 14

701 16 2
                                    

Magkahawak kamay kami ni Wraz pababa ng opisina nila. Iba na ang damit naming lima at pare-parehong bagong ligo. Tinupi ni Franco ang long sleeve nitong hanggang taas ng siko. Siya ang may hawak sa bag ko habang umakbay sakin si Garret ng makalabas kami ng elevator.


Alam kong pinagtitinginan nila kami ngayon lalo pa't dikit sakin ang dalawa. Hinapit ako sa bewang at halos itago sa mata ng mga kalalakihang kausap ngayon ni Lanter at Franco.

"Atticus, long time no see. I believe I directed you, to go to my brothers office at Laguna. I don't think you got some business here at our company." Sinisilip ko ang taong kausap ni Lanter pero hinaharang ni Wraz ang katawan.

Napasimangot ako sa ginawa niya, titingin lang ay!

"Sisilip lang naman, Wraz!" Bulong ko sa kaniya pero tumaas ang kilay nito. Tumingkayad pa ako dahil sa tangkad nilang pinagmumukhang akong duwende.

Ang tanging kita ko sa lalaki ay ang mga nakapalibot ritong mga bantay. "Mauna na kayo at susunod kami ni Lanter." Kinuha ni Garret ang bag kong binigay ni Franco. Paalis na kami at talagang hindi ko nasulyapan ang lalaki.

"Regent was not his usual self. Billions are missing, and I invested in his company! Tell your motherfucking brother to fix his shit! I have my damn business here. I came here for her." Rinig kong sabi nito dahilan ng pagpihit ko patalikod.

Ang kaso bulto lang ng taong iyon ang nakita ko.

"Garret! saglit lang kasi." Mariin niya akong hinila palabas kaya hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila. Mabilis ang lakad nilang dalawa kaya halos makaladkad ako.

Inis kong binawi ang kamay at balikat dahil mahigpit silang dalawang nakahawak. "Aray!." Pagkabawi ng kamay ay napatitig ako rito. Namumula ang palapulsuhan ko at braso sa kanan.

Halos buhatin na nila ako kanina para isakay agad sa kotse. Hinimas himas ko ang nasaktang parte ng aking kamay. Naiinis ako dahil parang may tinatakbuhan kami.

"Sorry." Kinuha ni Wraz ang aking palapulsuhan para mahilot. Nag-aalala siya ngayon pero kung makahila kanina ay parang walang alangan na naririnig mula sakin.

Pinagigitnaan ako ng dalawa. Nagtataka lang talaga ako bakit ganun sila eh hindi ko naman kilala iyon at Isa pa! parang laging aagawin ako ng ibang lalaki.

"Dammit" Mura ni Garret pagkakita sa kamay ko. Napairap ako dahil silang dalawa naman ang dahilan niyan.

"Galit ka? Makahila kasi kayong dalawa kanina parang bang ayaw niyong malaman ko ang sasabihin nong lalaki. Feeling may tinatago sakin!" Hindi nagbago ang expression ng dalawa, seryoso at kalaunan ay napabuntong hininga.

"Bawal sa bata ang pinag-uusapan nila." Asusss nagsalita na ang matanda!

"Oo nga pala uncle." Bawi ko sa sinabi ni Garret. Natawa ako lalo pa't ngumisi lang siya. Akala niya maiwawala nito yung usapan. Utot mo color violet.

"Pero bakit may her? Alam kong para sakin yun. Ayaw niyong may tinatago ako pero kayo naglilihim. Huwag ako." Masungit kong sabi habang tumaas ang isang kilay at nag cross arms pa para malaman nilang seryoso rin ako.

Walang kwenta ang relasyon kung puro lihim.

Natahimik silang dalawa kaya tama ako.

"Paandarin niyo na bago pa ako mainis at umuwi nalang sa bahay." Inutusan nila ang driver at may thirty minutes rin ang byahe sa penthouse nila rito sa metro.

Nawala ako sa mood at mabilis na umupo sa sala ng penthouse nila. Ilang beses na akong dinala ng apat rito at syempre hindi lang naman tulog ginawa namin.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon