Pumasok ako sa isang printing shop para i-print ang form na aking hinanda last week. Hinahanapan din ako ng birth certificate kaya may xerox copy nadin tapos hinuli ko ang 2x2 at 1x1 pictures na naka formal attire.
As usual ay busy sa negosyo ang tatlo at si Wraz ang libre ngayon.
Hindi nahagip sa kahit saang anggulo ng cctv footage ng university kung sino ang tumulak sakin. Nakakapagtaka raw iyon sabi ng apat dahil parang inside job ganun.
They were mad. Kinabukasan pagkauwi nila ay sa bahay agad ang punta. Grandma doesn't know about it. Mas okay na iyon dahil iwas siya sa pagkakaroon ng stress.
Ayon kay Wraz ay impossible na kalaban nila sa negosyo dahil walang nakaka-alam ng tungkol sakin.
Hidden gem pala ako. Hindi naman ako galit o kung ano, mainam ang walang nakakakilala sakin dahil safe ako.
Mga nakaaway ko sa dating school naman ang pinag-iisipan ni Garret. Eh kung sila, hindi naman makakapasok ang mga iyon sa university dahil mahigpit ang guards.
Tahimik lang si Lanter noon na malalim ang iniisip habang magkahaway kamay kami. Hanggang sa makauwi sila ay wala siyang sinabi patungkol sa nangyari bukod sa may itatalaga siyang tauhan para sakin.
Ito na nga pinagtataka ko kasi wala namang bodyguards sa paligid na aking nakikita sana kung mayroon.
Tapos pinayagan pa nila akong magwork! pero sila ang nag decide sa kung saan ako papasok. May bagong gawang coffee shop tapos sabi sakin ni Garret mag apply ako roon kasi malapit lang sa university.
Walking distance lang.
Natanggap ako kahit walang experience man lang bilang isang crew tapos ano medyo mataas ang sahod eh part time lang.
Lumipat ako at para magbigay rin ng resume sa kabilang shop pero wala na raw bakante. Ang tumawag sakin para sa interview ay hindi na nag set ng appointment dahil may nakuha na raw.
Bumalik ako ng university dahil patapos na ang lunch break hindi pa ako kumakain. Saktong dumaan ako ng scanner ay may text akong natanggap.
Wraz: I have class right now. I put your lunch in your bag. See you later, baby.
I typed.
Thank you with a kiss and heart emoji.
Hinanap ko kung saan naka-upo ang dalawang kaibigan na pinagbantay ko saking bag.
Nakamukmok ang ulo ni Jaster sa lamesa habang may pinapanood naman ata si Julio dahil seryoso itong nakatingin sa phone niya.
"Tulog?" Tanong ko kay Julio na ngayon ay pinatay na ang airpods at phone niya. Tumango siya at sinabing dumaan si Wraz para ihatid ang pagkain ko.
Nilabas ko ang parang bento box na bigay ng aking boyfriend! Kilig naman ako!
"Natanggap kana?" Kinagatan ko muna ang tempura bago ako uminom ng tubig saking tumbler. Binasa niya ang mga printed forms sa lamesa na maayos kong nilapag.
"Oo, start na raw ako kung kailan may free time ako ngayong linggo." May wasabi palang kasama kaya pinaghalo ko na sa soy sauce.
Tumawa ito ng malakas pagkatapos binasa ang pangalan ng coffee shop. Anong mayroon?
"Cafe Valley. May branch ito sa myanmar ah. Nice. Galing mo maghanap." Tumango tango pa ito at nangingiti.
Binalik niya sa plastic envelope ang mga papeles.
"Sinabi sakin ni Garret na riyan ako mag-apply." Pinangtakip niya ang kamay sa may ilong at bibig tila nagpipigil ng tawa.
Pumikit pikit pa nga siya dahilan ng medyo pagkainis ko dahil sa kuryosidad.
BINABASA MO ANG
The Four of Alejandra [Completed]
RomansaWhen a natural disaster occurred, surely no one couldn't do anything aside from panicking. She almost fell in the sinkhole but luckily a four hands saved her from falling. Alejandra a transferee from Mabalbal College is now in City! As the weather c...