TFoA 11

772 23 3
                                    

Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako nito ng pintuan. Ramdam ko ang medyo kumalmang aura ni Lanter pero wala parin itong imik sa akin. Agad niyang hinapit ang bewang ko papasok sa rest house nila.


Mahigpit ang hawak niya kaya hindi ko naitikom ang bibig dahil ayaw ko ng nasasaktan ako. "Lanter, masakit." Tila bingi ito kaya malakas na hinawi ko ang braso't kamay niya sa waist ko.

Alam kong nagseselos siya pero hindi naman tama ang ganito. Ano nalang ang buhay ko kung lahat ng kaibigan na ayaw nila ay dapat ayaw ko rin.

Tumalim ang tingin niya sa akin ngunit inirapan ko lang siya. Akmang hahapitin muli nito ang bewang ko nang tumakbo na ako papasok ng bahay.

Hinayaan kong bumagsak ang bag ko para lang hindi niya ako mahabol agad. Pagkapasok ko ay diretso na sa kusina ang tungo ko. Nagulat ko dahil may bisita pala kami! Ay sila!

"Hi Regent!" Nagpunas ng panyo sa bibig si Regent bago magsalita at kausapin ako.

"Hello Alejandra! From school?" Tumango ako sa kaniya. Inanyayahan niya akong kumain din pero mamaya nalang dahil magtutuos pa kami ng mukong na Lanter na yon!

Madiin talaga kasi hawak niya kaya iniinda ko pa ngayon. Wala sa sariling napangiwi ako sa harap niya habang hinihimas ko ang bewang ko. Ngumiti ako para hindi na siya magtanong.

"Are you okay?" Kumunot ang noo niyang nakatingin sa bahagi ng hinawakan ko kaya agad kong tinanggal ang kamay roon. Nanggigil lang naman sguro si Lanter.

Bago pa ako makasagot ay siyang pagpasok ni Lanter dala ang bag ko. Hindi ko alam paano niya itatago yang galit at inis sa akin ngayong andito ang kapatid niya.

"Are you hurting her? I swear Lanter I'll kick your fucking ass." Para siyang nawalan ng gana at inurong ang ulam at kanina para bantaan ang kapatid.

"No! What makes you think I'm hurting her? Stupid." Kinabahan ako baka mag-away ang magkapatid kaya inawat ko sila.

"He's not hurting me, Regent. Ano ba wag kayong magtalo sa hapag." Marahan kong tinulak si Lanter dahil parang naghahanap ata ng away.

"If you say so Alejandra. Anyways I just came here to check on you guys." Tumayo na ito dahil aalis na raw siya at may pupuntahan pa sa kabilang bayan.

"Visit mommy she's always crying whenever you leave the house then goes untraceable. A phone call won't hurt Regent. Stop running away! Will you!." Pagod itong tumango bago mahigpit na niyakap nila ang isa't Isa.

"I'll try but I can't promise." He flash his small smile before entering his car and drove away. I hurriedly turn my back to Lanter. He's up to not asking for my forgiveness. Well I'm up to ignoring him.

Diyan ka na!

Ngayon ko lang napansin ang mga paper bags na pasalubong ata ni Regent dahil sabi niya may binili raw ito para sa amin ni Grandma. Nagulat ako sa kahon. Susko!

Apat na malaking paper bag pero mamahaling brand. May dress at doll shoes para kay Grandma tapos yung sa akin naman ay Moschino shirt and shorts. Wait there's more dahil may Victoria secret pang lingerie na nasa paanan ko.

Tumawa ako sa designs dahil na nanadya ba? It's a very sexy red lace lingerie. Anong tatakpan niyan? Should I try it? Parang I gained weight kasi kain dito at doon ako. Isa pa grandma's cooking are so delicious.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon