TFoA 22

438 16 6
                                    

Matagal na pala akong hindi nakakapag commute ng mag-isa lang. Umupo ako sa dulong bahagi ng jeep. Tahimik na bitbit o kipkip ang tatlo kong libro sa dibdib.

Binuksan ko ang maliit na coin purse para kumuha ng bente pesos na pamasahe. Kapwa mga studyante ang kasama ko at parang nang-aasar ata mga ito dahil puro mag kasintahan.

Holding hands, nakahilig ang mga ulo sa balikat at nagbubulungan.

"Single ba itong bente?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni manong driver. Inaayos ko ang buhok nang tumingin sila sakin.

"Opo! Diretso ho ba ito sa unibersidad?" Sinabi ko saan ako nag-aaral.

"Ay, ineng, pribado iyon kaya riyan kalang sa bus stop, bawal kasi jeep doon." Sinuklian ako dahil malapit lang ang bus stop.

Malayo ang bus stop sa university ko, bakit ba nakalimutan kong bawal pala ang mga public vehicle doon!

Bagong ligo ako at fresh na fresh ang feeling ko, pero kung lalakarin ang university mula rito sa bus stop magiging haggard ang itsura ko!

"Manong, kahit sa bandang Cafe Valley? Mararaanan naman po diba?" Ngumiti ako kahit aburido na dahil malayo layo kung iisipin.

"Skwelahan ng mga mayayaman iyon, scholar ka ba roon? Walang nakakapasok roon na outsider eh di-kotse lahat."

Tumigil na sa bus stop kaya bumaba akong nanlulumo dahil hindi ko alam. Paano ko pala malalaman kung may taga hatid at sundo.

Huminga ako ng malalim at sinimulan nang maglakad.

Buti nalang 6:30 palang ay umalis na ako sa bahay. Kagabi ay sinabi ko lahat ng tungkol sa naging relasyon ko sa apat kay Grandma.

Muntik na akong mapatid sa may kalakihang bato sa kalsada.

Bagamat hindi nagalit sakin si Grandma at inaalo pa ako dahil ayaw kong matigil sa kakaiyak. Nahihiya ako at guilty talaga dahil matagal na palang alam ni Grandma. Hinihintay niya akong magsabi kasi 6 months ago hiningi ng apat ang kaniyang blessings so they could marry me.

Hindi siya nagalit na may relasyon kami pero nagalit siya nang umamin ako na ilang beses nang may nangyari saming lima. Gusto niyang makausap ang apat para panagutan na raw ako dahil ginagawa iyon ng mag-asawa lamang.

"Kahit kailan hindi na ako natuto. Hinayaan kita sa mga binatang iyon dahil nangako sila na aalagaan ka at mamahalin. Ganitong ganito rin ang nangyari kay Lele. Hindi na ako natuto at maging sayo ay naranasan mo ang nangyari sa ina mo."

Ang aking sarili lamang ang iniisip ko habang ginagawa ko lahat iyon. Hindi sumagi sa aking isip na mapapaiyak ko si Grandma.

Lumuhod ako kay Grandma at humingi ng kapatawaran. Alam man niya o hindi napaka laki ng kasalanan ko.

"G-Grandma, sorry po sa lahat. Sa pagsira ng tiwalang binigay niyo sakin. A-Ang paglilihim ko ng maraming bagay. Patawarin niyo po ako." Mahina niya akong pinapalo sa likod ko habang ayaw kong tumayo.

"Ang nag-iisa kong apo." Hinihila niya ako patayo habang umiiyak kaming pareho.

Sinabi ko lahat lahat dahil napaka bigat nitong dahil sa dibdib.

"Grandma bakit ganun? Mahal na mahal ko sila sa kabila ng lahat. Ang sakit dito sa puso na bitawan sila. Tiniis ko nalang sana lahat baka magbago sila. Ako talaga ang problema grandma! Hindi naman nila ako magagawan ng ganun kung sinusunod ko sila. Baka kasi kulang lang yung pag-iintindi ko sa kanila? Sinasabayan ko kasi sila lagi sa init ng ulo, grandma. Mahal ko yung mga yun pero hiniwalayan ko! Ang tanga, tanga ko po!" Parang gripong lumalandas sa aking mata ang luha.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon