TFoA 10

890 19 2
                                    

Monday ngayon kaya maaga akong nagising para samahan maghanda ng baon ko at agahan si Grandma. Nakaligo na rin ako para kakain nalang kami pagkatapos malutong nitong adobong sitaw at tortang talong.

Hindi ako ma-ihahatid ng apat ngayon dahil kada Monday ang uwi nila sa bahay ng mga parents at sa metro yun. Bukas pa uwi nila rito sa probinsya namin. Kakatapos lang nang tawag ng apat kaninang ala singko.

I refused sa offer nilang driver ang maghatid sa akin sa school, kaya ang Grandma ko ang kasama ko at mas gusto ko yun. May service kaming tricycle na naghahatid at sundo sa amin.

"Alejandra, luto na iyan.. Ilagay mo dito sa platito." Muntik pa akong mapaso sa kaldero kaka madaling tapusin lahat dahil may flag ceremony kami ngayon tapos kasama ako sa dance club bale may Zumba kami ngayong umaga!

"Grandma! tapos ka na po agad kumain?" Mainit pa yung kanin dahil kakaluto lamang ito pero parang wala lang na kinamay ni Grandma, mabilis talaga siyang kumain o makupad lang talaga ako? Hindi ko kasi maiwasang mag muni muni muna habang kumakain.

"Ay Hala! Sumubo ka nang sumbo para mabilis kang matapos." Na demonyo ata utak ko sa sinabi ni Grandma kaya kanda ubo ako pagkatapos kong uminom ng tubig!

Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil diyan sa sumubo ka nang sumbo eh wala sila eh! Grabe na ako mag-isip ng kung ano ano. Nasa pagkain ang usapan Alejandra!

"Apo, okay ka lang ba?" Tumango ako at sinabing nasobrahan lang sa inom na tubig.
Naghugas na ako agad pagkatapos maubos at mabusog sa ulam.

Sumakay na kami sa tricycle at unang binaba si Grandma sa Palengke tapos sumundo sa kanya si Lola bunny na kasama niya sa pwesto. Kumaway ng paalis na ako.

Nag ring ang phone ko dahil tumatawag si Franco. Hinahanap ko agad ang headsets para marinig siya dahil tunog eroplano ang sasakyang tricycle. Kainis diko mahanap!

Namatay ang tawag nang saktong nahanap ko na ito sa loob ng bag. Ayan pinatay na tuloy!

Nagring ulit ito at si Wraz na ang pangalang nasa screen ko. Tinapat ko yung microphone sa bibig ko. Naka headset na ako lahat lahat parang di ko marinig yung kausap!

"Hello?!" Choppy ang kausap ko kaya pinatay ko nalang ang cellphone kaso baka magalit yung apat kaya mag text palang sana ako nang sabay apat na message ang dumating sa akin.

Morning! Baby, why are you not answering my call? Take care okay? Love you forever.
-Franco

Is everything alright? Why did you end the call Baby? Okay, just text me back if you're not busy anymore. Love you always.
-Wraz

Babe, Good luck to school. Ring me on lunch. I love you.
-Garret

Hi beautiful! Have fun at school! Don't talk to boys instead focus on studying. I love you baby.
-Lanter

Kinilig ako! I start to type my replies of "I love you too." and hit the send button when my network texted this You are attempting to access sites that are not part of your promotion or you have not yet subscribed to one.

Ay wala na pala akong load!

Bumaba na ako sa tapat ng school namin at sinukbit ko ang bag ko, sinuot ko agad yung ID dahil nagsusungit agad yung guard kaya para Iwas sermon at pagkainis sa buong araw.

Marami nang studyante sa loob at nagkukumpolan sa bawat gilid ng gym kaya inuna ko munang pumasok sa room namin at parang hindi ko na dapat ginawa.

"Alejandra ang babaeng nasa loob ang kulo." Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni sharmaine dahil ma ne-nega na ang araw ko nito. Hindi siya na sama sa lindol kaya ito buhay pa siya.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon