Umiikot na lamang aking oras sa bahay, unibersidad at sa trabaho. Madalas ay nagkukulong ako sa kwarto para mag-aral o di kaya'y umiyak. Naging routine ko na nga ito sa nakaraang mga linggo.
Kahapon sumama ako sa pwesto ni Grandma para may kahalili itong magtinda. Mukha raw akong problemado kaya sabi niya ay magliwaliw naman daw kami minsan.
Itong bakasyon, after school, nalang sguro...
Malapit na ang exam ko for the midterm kaya sinisigurado kong may oras na nakalaan para sa review. Kahit busy at pagod mula sa trabaho.
Nag-aayos ako sa harapan ng tukador kong may nakadikit na salamin. Mabilis ang naging paghaba muli ng aking mga buhok. Binuksan ang drawer para ilabas ang mga pinapahid ko sa mukha. Maingat kong dinampi ang cream sa bandang kaliwa ng aking pisngi, kung saan may tatlong tigyawat.
I'm stressed. Ginamot ko ang sugat sa aking kamay at paa. Hindi naman masakit dahil mababaw lamang ang hiwa.
Unti nalang ay iisipin kong impyerno na ata ang buhay skwelahan ko. Mas umingay ang mga usap-usapang chika pa tungkol sakin kesyo user raw ako, kaya umalis ang dalawang kaibigan kasi nag-sawa sa aking ugali, mga ganun.
Papatulan ko na eh... kaso ano bang alam nila sa tunay na kwento? Do I have to explain and tell them what's going on, in my life? Hindi ko na problem kung ang saklaw lamang ng mga isipan nila ay puro paninira sakin.
Ayos pa ang dati kong mga classmates, walang pakealaman eh, pero itong section ko ngayon, sobra!
Malaking t-shirt na blue at maluwag na pajama ang suot ko bago lumabas para magpa hangin sa likod ng bahay.
Walang pasok ngayon kahit lunes dahil sa taonang fiesta ng lungsod.
Tila nanghihina man ay naisipan kong linisin ang buong bahay. Hindi kadamihan ang aming mga appliances o kung ano anong mga abobot. Sinimulan kong mag punas ng mga display ni grandma at ang mga figurines nito.
Inabala ko ang sarili para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano o isipin sila at umiyak na parang ewan na naman! Ito na ang katahimikang hinahanap at gusto ko, pero tila kakaiba ang ingay ng katahimikan sa tuwing ako nalang mag-isa sa loob ng aking kwarto.
Hindi ko minukmok ang sarili sa loob, kaya heto ako nagpapahangin.
Mamayang ala una pa ang punta ko sa pwesto dahil nalate akong nagising. Pinagwawalis ko nga mga dahon ng pandak naming puno ng mangga na hanggang ngayon ayaw mamunga.
Yung mga gulay ni Grandma ay pinagdidilig ko rin. Imbes na tumigil na dahil sa labis na pagpapawis, kumuha nalang ako ng towel tapos hanggang labas ng bakod sa harapan winalis ko.
"Himala! Alejandra, ngayon lang kita nakitang humawak ng walis tingting para pumarito sa labas niyo at maglinis."
Hilaw na ngiti sa aking labi ang humarap sa kay Lola bunny na pinupuna ang ginagawa ko.
"Busy po kasi noong nakaraan." Tumango ito sakin.
Tahimik kong pinagpatuloy ang pagkuha sa mga kalat sa harapan ng gate namin.
"Wala na ba kayo ng mga binatang iyon? Higit isang linggo ka ng walang hatid at sundo. Mag-isa ka naring umaalis at umuuwi ng bahay niyo."
Dapat sguro ay masanay na ako sa pagiging usisera ni Lola bunny dahil nakaugalian na niya ata at part na ng buhay niya ang malaman ang tungkol sa paligid ligid nito.
Para sakin ay ayaw kong pag-usapan hanggang maaari.
Wala akong naging tugon sa tanong niya dahil hindi nagsabi ang grandma ko rito. I remained quite at nagpapasalamat pa tuloy ako sa truck ng basurang dumaan para manghakot.
![](https://img.wattpad.com/cover/319634391-288-k948673.jpg)
BINABASA MO ANG
The Four of Alejandra [Completed]
RomanceWhen a natural disaster occurred, surely no one couldn't do anything aside from panicking. She almost fell in the sinkhole but luckily a four hands saved her from falling. Alejandra a transferee from Mabalbal College is now in City! As the weather c...