TFoA 2

1.7K 30 9
                                    

Naiinip na akong nakatingin sa relong suot! Sobra naman ata ang bagal ng oras bakit parang lumipas na yung thirty minutes!.

I copied our lesson written on the white board in my notebook, highlighted the important and relevant information of our subject then fix my things and wait for our class to end.

Kakabagot.

Muntik ko nang mahambalos ng libro ang walangyang taong humila sa buhok ko sa likod. Napaigik ako dahil masakit hinarap ko ang bwesit sa likod.

"Ano?!" Bulyaw ko kai Patricia.

"Tara milk tea tayo?" Yaya nito sa akin.

"Uwi na ako baka magalit Grandma ko." Niligpit ko agad ang gamit ko dahil ayaw ko sumama dito. Gastos pa ulit mamaya ubos na allowance ko.

Tumakbo na ako palabas at tinawanan siyang humahabol sa akin.

Sabay kaming sumakay ng jeep.

"Tara na kasi!" Ang kulit naman nito kaya nilabas ko ang barya para iabot nito sa tsuper.

Kulang daw bayad ko kaya humingi ako ng pisong dagdag.

"Piso lang naman Pat." Inirapan ako nito at nagbigay ng bente.

"Love na love mo talaga ako." Pabiro ko itong niyakap at hinalikan sa cheeks niya.

"Yuck ka!" Ginamit niya ang panyo pamunas.

Imbes na umuwi na ako dumaan pa tuloy kami sa isang local milk tea shop.
Magka-akbay kaming pumasok sa loob ng shop puno ng mga students kagaya namin.

Pinili namin sa dulong parte para makagawa ng assignments. Tinuruan ko siya sa math at nagpaturo ako sa science.

Bago pa mag-ala singko umuwi na kami dahil iba ang daan niya sa bahay namin magkaiba kami ng jeep.

Wala naman sa 1 kilometer yung bahay namin mula sa Kanto. Kanina ko pa napapansin yung itim na kotse sa likod ko.

Matao naman ang barangay namin kaya keri lang. Bff ko ata yung mga tambay doon sa kanto ng bahay namin.

Medyo sumakit ang ulo ko dahil tinakbo ko yung distansya ng kalsada at bahay namin.

"Oh! Ale humahangos ka?" Lumabas si Grandma para magtapon ng basura sa gilid ng gate.

"May kotse po kasing napapansin ko kanina pa." Sumilip siya sa labas at inalalayan niya akong pumasok.

Ako na naglock ng gate at iniwan sa gilid ang basura. Wala narin naman yung kotse baka dumaan lang para mag short cut.

"Sumasakit pa ba ang ulo mo apo?" Hinawakan ang noo ko at sinalat ang leeg.

"Kanina po, uh medyo." Hinaplos nito ang ulo at tinignan ang malaking peklat sa likod ng ulo ko.

Inabot sa akin ang malamig na tubig at ang meryendang maruya. Parang nangyari na lahat ng ito noon ah.

"May naalala ka na ba?" Umiling ako rito at ininom ang tinimpla kong dalandan juice.

"Wala pa po, ang sarap naman ng maruya Grandma!." Ngumiti ito sa akin at sinabihan akong kumain pa ng marami.

"Apo, malapit na pala graduation niyo. Saan mo ba gustong magkolehiyo?" Excited talaga akong pumasok sa ibang school kaso pag sumasagi sa isip ko na walang kasama ni Grandma at Patricia dito sa probinsya parang ayaw kona.

Nilunok ko ang malaking piece ng maruya bago sumagot.

"Dito nalang ako mag-aral bakit pa po ako lalayo kung pwede namang po dito. Ayaw ko po kayong iwan." Nilapitan ko ang Grandma ko at nilambing siya para pumayag kaso hindi na mababago dahil itinawag na niya ito sa auntie ko.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon