TFoA 3

1.5K 30 6
                                    

"Ale!" Si Julio ang varsity captain ng basketball sa school namin dati pero ibang school na siya ngayon. Lumipat ang mata ko sa kaniya dahil tumatakbong lapit niya sa amin.

Sumigaw pa siya eh pupunta pala sa gawi ko.

Tinaasan ko ito ng kilay dahil nag mano siya kay Grandma. Nakiki-apo na naman!

"Anong kailangan mo?" Tinarayan ko siya kasi naman bubuka ang bibig nito tapos mag-ala makata na naman. Pag nainis ako talaga ako na yung mga sundalong meztizo tapos babaril ko siya sa likod.

"Pumunta kami nila Mommy sa syudad naalala ko kayo ni Grandma. Cake para sainyo" inabot nito sa akin ang may kalakihang box. Mukhang masarap! Ay lahat ata ng binibigay nitong pagkain masasarap!

"Naku apo nag-abala ka pa! pero salamat ha at naalala mo kami ni Alejandra." Niyakap niya si Grandma at parang maiiyak ako sa inis dahil binelatan ako nito!

Sipsip hindi naman niya Grandma.

"Oi Ale! Alam ko na yang irap mo! Grandma inaaway niya ako." Sinaway tuloy ako.

Bukod kay Patricia, si Julio ang lagi kong kabangyaan kahit hindi kami same age dahil college na ito, may oras lagi para bwesitin ako.

Tawag ko nga dati Kuya kaso nagtampo ng apat na araw hindi ginawang isang linggo kaya kinausap ko na nga! Syempre Julio nalang.

"Hindi naman kita inaaway ha! Uwi na po tayo Grandma." Tinalikuran ko na siya at kumapit sa braso ni Grandma.

"Sama kana Julio dahil magluluto ako ng paborito niyong dalawa ni Alejandra." Nagkamot ako ng ulo dahil paniguradong maghahanap kami ng dahon ng sili mamaya sa likod bahay.

Hindi ko na nalingunan yung mga apat na adan sa likod ni Julio di bale may next time pa. Hindi ko man nakita ang mukha pero sa ayos at side view nila gwapong gwapo na! Mababango!

Si Alma kasi bad influence! pero hot nga nila kahit malayo.

Nakapagpalit na ako ng pambahay tapos si Julio ayun chinichika ang Grandma ko sa kusina. Binobola na naman nun ang Lola ko.
Pero hindi ko rin naman ipagkakaila na Isa siya sa mga taong nanatili pagkatapos kong maaksidente.

Kahit na blanko ang isipan ko noon sa mga oras na nagising ako at walang makilala hindi nila ako sinukuan sa pag-aalaga.

Sa salamin ko nakaipit yung mga dati kong picture na puro pixie hair cut lagi, dahil sa peklat sa likod ng ulo pinatubo ang buhok ko hanggang leeg para matakpan.

Itim ang buhok pati narin ang mata kong maski ako hindi ko makilala at misteryo parin sa buong pagkatao ko, kung sino nga ba talaga ako?

"Ale! Gising! Maghugas ka na daw ng plato!" Kumatok siya ng malakas parang magigiba na yung plywood!

Binuksan ko yung pinto at inambaan siya ng kamao ko.

"Ikaw na ba yung bagong apo? Grabe ka kasi kumatok. Tuktokin ko ulo mo!" Ang labo rin ng isang ito eh kahit minsan pabalang na ako sa kaniya ngiti o asar ang sinusukli niya sa akin.

"Tara na! Daming hugasin gusto ko kasing tayong dalawa maghugas. I've been busy lately in academics and training for the championship. I just wanna hangout with you." Parang bulong nalang yung huli niyang sinabi pero rinig ko padin.

Aysus namiss ata ako ni Julio!

"Hmm lika na nga, ako magsasabon tapos ikaw magbabanlaw ha." Sumang ayon naman siya kaya naglakad na kami papunta sa kusina.

Pinapanood ko siyang maghugas ng kaldero, kutsara, tinidor at mga baso. Sa totoo lang ang gwapo talaga nito kaya maraming nagkakagusto sa kaniya.

Mahabang pilik mata, pointed nose, reddish lips, bulky pero tamang katawan lang at matangkad pa. Type siya ni Patricia lalo na't moreno si Julio. Ginawa kong cupid ang sarili para sa kanila kaso ewan ba at ayaw ng isang ito.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon