TFoA 4

1.3K 25 8
                                    

Naiilang talaga ako sa coach ni Julio lalo pa't katabi ko ito, bakanteng upuan tapos siya na ang naka-upo. Prenteng nakaupo siya habang ako constipated ang mukha dahil hindi ko feel ang titig niyang parang kilala ako. Minumukhaan ko siya ngunit walang pumapasok sa isip kundi ang kahalayang sumagi sa utak ko.

Wala na! berde ata ang utak ko pagkatapos tahiin at operahan.

"You looked tensed." Komento nito pagkatapos kong umusog lalo sa dulong upuan. Nakataas ang kilay nito at may multong ngiti sa labi pagkatapos kung umubo kunwari.

Actually his aura was intimidating and rough, gaano man ito kagwapo sa paningin ko isa parin siyang stranger.

Stranger things.

"Parang galit sa akin ex ni Kuya Julio." Pasimple kong turo sa babaeng matalim ang tingin kanina pa. Sinulyapan ko naman ang katabi ko at nakatitig ito sa akin. Medyo creepy kahit pogi.

"She can't hurt you, you want this?" Pakita nito sa pagkaing naka balot sa aluminum foil at may kalakihan. Naamoy ko ito at nagtubig ang bagang ko sa sarap ng aroma ng pagkain!

"Ano po yan?" Takang tanong ko dahil hindi ako familiar sa inaabot niyang pagkain.

"A burrito, favorite ng girlfriend ko." Para akong nalungkot kasi may nobya na pala tapos sinabihan ko pang creepy mamaya yung babae pala sa gilid ko jowa nito kaya titig na titig sa gawi ko.

Bumuntong hininga ako dahil nawalan ako ng gana kumain.

"No thanks." Nakangiti kong hinindian ang alok na pagkain. Lumukot ng bahagya ang gwapo nitong Mukha pero still pogi parin at hindi nabawasan kahit gumanon siya.

"She can't remember me, us, so I have to stay away. Kunin mo na no one's gonna eat that." Malungkot na binaba ang kamay at inayos niya ang upo.

Dahil dakilang chismosa ako nagpintig ang tainga ko sa chika niya. Nahawa lang ako kay Lola Bunny at Alma. Kinuha ko sa malaking palad niya ang burrito ko. Natakam ako sa amoy nito.

Binuksan ko at kumagat ako roon. Ang sarap! Umungol ako sa sarap ng pagkakaluto at ang mismong pagkain!

"A-ang shharap!" Punong bibig kong sabi rito at hindi nakaligtas sa akin ang tawa niyang mahina.

"Ang takaw mo parin." Ha? Huling beses ako nag cotton buds Wednesday pa kaya sguro nabibingi na ako. Tumingin ako rito at inaasahan ang dagdag sa sasabihin pero bumalik ang mata nito sa laro at seryosong nagmamasid sa mga players niya.

Okay, end of conversation.

Sumigaw ang mga babae dahil naka three points si Julio! Naks! Galing din pala niyang mag basketball. Kaya pala kung I dribble niya yung bukong tanim nila Kuya pedring akala mo bolang pang basketball!

Practice pa ba ito? Halos magbunggoan ang kalaro ni Julio at siya dahil kanina ko pa napapansin ang pagsiko nito sa tiyan ni Julio! Lahat naman sila teammates pero parang magkaaway ata ang dalawa.

Sa bilis ng pangyayari napasigaw ako nang nagtulakan silang dalawa at nagsuntukan! Rinig ang bawat sigaw ng mga barbie girls sa kaliwa't kanan ko.

Si Julio! Naku!

Nakita ko mula sa pwesto kung paano undayan ng suntok ni Julio ang lalaki sa ilalim niya. Lumapit na Ang referee at si Denise sa dalawa pati ang mga teammates nila pagkatapos makabawi sa pagkabigla.

Lalapit narin sana ako nang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako rito.

Tumingala ako sa inis dahil matangkad ang hudyong pumigil sa akin. Ganun nalang ang pagkabigla ko sa itsura nitong sobrang gwapo! Dark green orbs, long eye lashes, pointed nose and his red kissable lips.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon