Nawala sa isip ko ang mga fast food chains na aking pinagpasahan ng resumes. Tumawag ang manager ng isang sikat na kainan malapit sa university para ako ay ma-schedule for interview.
Tuwang tuwa ako dahil gusto kong magkaroon ng trabaho. Ang una ko kasing ina-applyan kung saan natanggap ako ay nag resigned ako agad dahil pag-aawayan naming lima yun dahil puro lalaki ang magiging ka workmates ko.
Niligpit ko na ang mga libro dahil lilipat kami sa laboratory room para sa susunod na subject. Excused ang dalawang kaibigan sa lahat ng klase namin dahil may laro ng basketball ang team nila sa kabilang school.
Nauna na akong lumabas bago pa makaalis ang mga ka-klase.
Mag-isa kong tinahak ang walang taong corridor patungo roon. Pakiramdam ko ay may sumusunod sakin kanina pa. Tumingin naman ako sa likod pero tanging ako lamang ang naglalakad.
Weird.
Binilisan ko na lang ang lakad dahil nilalamig ako lalo pa't maulan narin lately. Tumunog ang aking phone kaya huminto ako sa may hagdan para kuhanin sa loob ng aking bag.
Medyo yumuko ako para tignan ang nastuck na zipper. Kung kailan nagmamadali tyaka hindi ko mabuksan!
Nabuksan ko na ang bag nang may malakas na nag tulak sa akin. Muntik na akong mahulog kong hindi ako napakapit ng mahigpit sa railings ng hagdan.
Nangangatog ang tuhod sa gulat at takot dahil muntik lang naman ako mabalian ng buto or worst ay mamatay! Hindi ko nakita ang nagtulak sakin dahil sa mabilis na nangyari.
Hindi biro iyon dahil nasa gitna na ako ng hagdan at tinulak ako! Tinulak ako para mahulog! Mabilis kong kinuha ang phone ko at sinagot agad ang tawag.
"Your class dismissal is at 5 p.m., right? I'll be there by 3 p.m., Cleo." Narinig ko ang busina kaya paniguradong nasa kalagitnaan ng traffic si Franco papunta rito.
Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili dahil natatakot parin ako.
"Hintayin kita sa lobby. I love you." Narinig ko ang mga yapak at kwentuhan ng aking mga classmates na papunta sa hagdan. Pinatay ko na ang tawag ng marinig ko narin ang I love you too niya.
Humalo ako sa kumpulan at parang walang nangyaring ganun dahil kalmado lang akong naglalakad kagaya nila. Pero sa loob loob ko ay ang takot at galit sa taong tumulak sakin para mahulog. Hindi ko sinasawalang bahala ang nangyari, sasabihin ko kay Franco pagdating niya.
I chose not to tell him kasi ayaw kong magmadali siya papunta rito at baka maaksidente pa. I will tell him later.
Sa buong science period hindi ako nakapag focus. Gumawa ako ng tatlong excuse letter dahil after dito ay sa lobby na ako pupunta para hintayin si Franco.
Garret, Wraz, and Lanter ay nasa metro kasama ang daddy nila para tapusin ang isang Business transaction na sila ang nagpresenta at need mag closed sa deal.
Sinadya atang gawin sakin iyon dahil alam ng taong yon na wala akong kasama. Alam nitong mag-isa ako. Hindi ako maniniwalang hindi planado ito, para bang hinihintay na mangyari ang pagkakataong ito.
Maraming naka tambay sa lobby kaya panatag ang loob ko.
"You don't have class? Ms. Guzman?" Inayos ko ang upo dahil ang literature teacher namin ang nasa harapan ko.
"Mayroon po but I excused myself because I'm not feeling well." Inayos niya ang pulang salamin sa mata at ngumiti sakin.
"Gusto mong ihatid kita sa clinic? It's too early for your dismissal na 5 pm, 2:30 palang." Ma'am Monett smiled at me but I declined.
"Hindi na po at sa bahay nalang po ako magpapahinga." Kahit sino sguro mag-aya saking pumunta roon ay hindi ako sasama, lalo pa yung nangyari kanina. Unless mga boyfriends ko at yung mga bff ko ang sasama.
Sa totoo lang ay naiilang ako ngayon sa ngiti niya, bagay na hindi nito madalas ipakita sakin dahil unang pasok ko rito ay medyo mainit ang ulo niya sakin pero kalaunan ay hindi naman na.
Maganda siya at magaling magturo.
"Are you sure? Kung nahihiya ka, naku huwag. Studyante kita at para ko kayong mga anak. Here take this tablet for headache." Tinanggap ko ang binibigay niya para iwan na ako nito dahil nag-uumpisa na akong mainis.
Tinanong pa niya ako kung may tubig ako at agad akong umoo para umalis na siya kaso umupo ito saking tabi.
"Ma'am Monett, Thank you po." I decided to call Franco. It took two rings before he answered.
"Hello, Baby." Malambing na boses ni Franco.
Mamaya na ako kikiligin sayo!
"Grandma! hinihintay na po kita sa lobby. Ah, kasama ko po si ma'am Monett."
"What?" Takang tanong niya sa kabilang linya.
Pasimple akong tumayo para makaalis na.
I tried to give a small smile pero ngiwi ata ang naipakita ko.
"Malapit kana po, Grandma?" Hudyat na iyon para iwanan siya.
"What's going on, Cleo?" Para akong maiiyak sa katangahan nang tumayo ito palapit sakin dala ang isang libro ko.
Tangina!
"Where are you now, Franco?" Nakangiti akong tinanggap ang libro bago tumakbo palayo.
"At the gate of the university." Mabilis ang ginawa kong hakbang para makapunta roon. Sinalubong ko na ang itim niyang sasakyan sa gate palang.
Sa bahay kami dumiretso dahil natakot ako sa hindi malamang dahilan. I told him everything kahit ang parteng nawerduhan ako sa literature teacher ko. Seryoso at walang imik, at galit na ito kanina pa sa kamuntikan kong pagkahulog sa hagdan.
May katawagan ito kanina lang tungkol sa cctv footage ng corridor at sa mga stairs. He also asked for the file of Ma'am Monett Hall.
"So you mean to say that someone pushed you before you could answer my call? If something happens like that, always tell me!" Tumango ako sa sinabi niya. I hugged him para hindi na siya mas lalong magalit.
Bukas daw ay may bodyguards na kami ni Grandma.
Paano ko sasabihin yung sa trabaho kung ganitong may nangyari. Malamang ay hindi nila ako papayagan.
"If ever you got hurt because of that piece of shit, I will close that fucking university!" Tinapik ko ang likod niya para kumalma na siya.
"Palagay ko ay hindi na mauulit yung nangyari." Kumuha ako sa malamig na juice at inabot rin sa kaniya ang isang baso.
Sinabihan ko siya na huwag mo ng sabihin sa tatlo dahil baka mawala ang focus nila sa trabaho.
"Tangina lang dahil sa university pang pag mamay-ari namin ka sinubukan saktan! I will also fired your creepy teacher!" Seryoso ang lahat lahat pero nakuha ko pang kiligin sa kung paano lagi ka-Hot ang boses niya sa tuwing nag ta-tagalog ito.
I just find her weird kasi naman grabe ang kulit niya kanina.
"Ilipat mo nalang sguro ng ibang department or subject o kung ano, mahirap namang alisin sa trabaho. Baka nawerduhan lang talaga ako at totoong concerned lang siya." He kissed my cheeks.
Mamaya kasi mali ako ng iniisip dahil dala lang ng takot kaya ganun.
Ginawa kong unan ang lap niya kaya yumuko ito para halikan ako. Ang bango talaga niya! Dapat pala nagpalit na ako ng damit.
Nakakahiya!
"For my peace of mind and for your safety, I will fired her. Hindi na ata ako magiging panatag habang nasa university ka at nag-aaral. Someone wants to kill you. Malaman ko lang kung sino, ako mismo ang papatay sa kaniya." He clenched his jaw.
Tumayo ang balahibo ko sa batok at braso sa malamig at bantang sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Four of Alejandra [Completed]
Storie d'amoreWhen a natural disaster occurred, surely no one couldn't do anything aside from panicking. She almost fell in the sinkhole but luckily a four hands saved her from falling. Alejandra a transferee from Mabalbal College is now in City! As the weather c...