Chapter 22: Cutting turns into a DATE?

1K 35 1
                                    

A/n:Play the video on the right side >>>
Pakinggan niyo habang binabasa :) Apink is

●●●

Continue...

Shey's POV

"Tagal mo naman." sabi ko sa lalaking to kainis naman eh. Di ko nga natapos yung pinapanuod kong spongebob kanina, bumulong pa nga ito pero narinig ko naman. Ayaw niya daw kay spongebob tapos gutom na kaya ako di pa nga ako kumakain kanina sa school. Pano kasi dinala pa ako dito. Pero okay lang Parang date na rin to.

"Tsk. Mag antay ka nga." sabi nito habang tumitingin parin sa menu.

di na lang ako sumagot, sabay patong ng ulo sa Table ng sosyal na restaurant na ito.

"Umayos ka nga." sabi nito. bahala ka. ano naman aayusin ko?

"Alin?" sabi ko habang nakahiga parin ang ulo ko sa Table.

"Umupo ka nga. Wala ka sa bahay." sigh. Sungit.

"Okay." sabay upo ko ng maayos. pero tumingin lang ako sa kaliwa. Ang dami dami pala ditong nag ddate ano? Yung saamin kaya ni Coldvin na to, Date din kaya to? Hihihi. Sabay ngiti ko ng malapad. Siguro kung nakaharap ako sa salamin abot hanggang tenga na naman tong ngiti ko. Nasisiraan na ako ng bait sa lalaking to. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mapatingin ako kay Kelvin. SHIT. ano yan? Sa harap ko pa ha. Nakita ko lang naman na binubulungan ng lalaking to ang waitress dito. Ano yan? Pati waitress Oorderin niya rin? Wow. sarap manapak ngayon. Ngiting ngiti naman ang babaeng waitress ng makaalis na ito dala ang book menu.

"Nakasimangot ka dyan?" tanong ng lakaking to, umiwas na lang ako ng tingin.

"Wala." sabi ko, habang nakakunot parin ang noo ko.

Bumilis naman ang tibok ng puso na parang gustong sumabog ng marinig ko itong tumawa, wag mo nga ako idaan sa tawa Ang gwapo pa naman ng tawa mo. Namumula na siguro ang mukha ko. aba tumawa ka pa. siguro Crush mo na agad yung babae ano. :( Sana pumasok na lang ako sa school cutting yata tawag dun eh. Nag cutting kami for the first time. oo umaabsent ako. pero cutting?

"May nakakatawa ba?" sabi ko dito sabay irap.

nakita ko naman tumayo ito sa upuan. Bahala nga ka nga sa buhay mo. Di ko na lang ito sinundan ng tingin at nakatingin pa rin ako sa harap ng upuan kung saan siya nakaupo kanina.

May kumalabit naman sa likod ko. Lumingon ako para makita kung sino ang kumalabit sakin, Bumilis ang tibok ng puso ko na parang drums sa sobrang ingay at bilis nito ng maglapat ang labi namin. Ano to? sinadya niya ba? wala akong kasalanan dun. Parang sinadya niya eh! Nako kelvin puro ka kalokohan! Baliw kana.

Lumayo naman ito pero magkaharap parin kami, nakabend kasi siya kaya magkatapat yung mukha namin. Di parin mawala yung kilig sa katawan ko. Ngumisi naman ito. Sabay kindat nito. Ang Gwapo mo talaga kelvin, Pero mas gwapo pa pala siya pag malapitan. At ako tulala parin at di makagalaw sa inuupuan.

Hinawakan niya naman yung kamay ko, kaya napatayo ako. Hinatak na ako nito. Hala ano yun di ba kami kakain?

▨▨▨▨▨Fast forward▧▧▧▧▧

"What can i do for you Mr. Mendoza?" sabi ng babaeng to kay kelvin, Ang ganda niya at sexy din sa suot nitong Yellow fited dress. nandito lang naman kami sa MM Salon. grabe tong resort na to. Complete yata dito eh.

Nagulat na lang ako ng tulakin ako ni kelvin pero di naman malakas. At hinawakan ako ng babaeng to sa balikat.

"Aah.. ate ? ano po gagawin mo?"

tumawa na lang ito. "Girls!" sabi nito sabay clap.

Dinala nila ako sa Bathtub na punong puno ng bubbles. Waaaah! namiss ko to.

"Halika kana girl." sabay hatak sakin. Ano yun? maliligo kami ng sabay dyan? eh di ko nga to kilala eh.

"Ahh.. hehehe! naku wag na po ako na lang!"

"Hmm. sige." pumasok na ako sa banyo. Pagkahubad ko nagbath tub na ako.

"Namimiss ko na mag ganito." pinaglalaruan ko naman yung bubbles.

After kong maligo. Nag suot ako ng bath robe. Nagulat ako ng pumasok yung ate. lah. wala pa nga akong suot na panty at bra -_- bat ba ako pumayag maligo? eh di naman pwedeng suotin ko pa yung Pangloob na ginamit ko na.

"Ah... ate hahaha.. ano kasi.." nginuso ko na lang yung bath robe na suot ko magegets naman niya siguro yun eh.

"Don't worry girl." yun na lang ang sinabi niya.

hinatak niya ako sa isang fiting room. at lumabas ito.

"Hmm. Ano kaya babagay sa kanya?" yun na lang ang narinig ko.

▩▩▩Fast forward▩▩▩

"Sir. I'm done." sabi nitong si ate briana sa phone. siguro si kelvin kausap niya. Naging close din kami habang inaayusan niya ako kanina. buti nga di siya yung tipong pinapabalik ako sa fitting room. 2 lang nasukat ko at yung isa daw yun yung bumagay sakin. medyo fitted to saking dress. black siya with lace.

"Shey? Ah.. diretsuhin mo lang tong daan, bumaba ka sa hagdan ha? basta diretso lang ha? Sige bye shey." kiniss lang ako nito sa pisngi. at umalis na ito. Makapunta na nga dun.

diretso lang akong naglalakad hanggang may nakikita na akong hagdan. ang ganda pala talaga dito. Puro kulay puti. at tiles ang hagdan. Sa sobrang linis nga eh parang ayaw mo nang tapakan. siguro bawat isang tiles nito libo na. Grabe naman pala kapag sosyal ang resort ano? Nang nandito na ako sa hagdan namangha ako. habang bumababa ako bumibilis ang tibok ng puso ko ano yun. May sakit na ba ako sa puso? Ang ganda dito grabe parang yung sa mga pang princess lang. Walang masyadong tao, pero grabe Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng...

Next Chapter...

END OF CHAPTER 22

●●●●●●●●●●●

Note: Putol muna! :) sorry ngayon lang nakapag update. Oha! wag gagayahin ang KelShey/KeAite ah? hahaha. imbis na nasa school ayan nag cutting!

Enjoy reading.

Vote

Fan

Comment

Mr. Present And Ms. Absenera [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon