Chapter 23: Do i really love her?

921 42 3
                                    

Continue..

Shey's POV

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng Dumilim. Potek naman. Mamatay na yata ako sa kaba, bukod sa walang tao dito sa part ng Resort na to ako lang mag isa. Nanginginig na ako sa takot at nandito pa lang ako sa kalagitnaan ng hagdan. Pano kung mahulog ako? As in wala akong makita.

"Ahhhhh!" napasigaw ako ng may Bumuhat sakin na para akong sako ng bigas.

"Hoy! Tae ka. a-anong.. gagawin mo sakin?" di ako makapalag dahil sa hawak ako nito. Nakapa ko naman yung mga braso nito, Ang laki ng Katawan, pang bouncer ang katawan.

"Hoy Batong tao. Pakawalan mo ko susumbong kita kay Coldvin."

"Hahaha." narinig ko itong tumawa Panget boses. Pero mas lagot sakin ang lalaking yun. kung hindi ako pinapunta dito eh di naman ako makukuha ng batong tao na to.

Sigaw lang ako ng sigaw habang dala nito ako kung saan. Saan kaya ako dadalhin nito? >_< bwiset.

Nagulat ako ng ilapag ako sa sahig. Ano yun? ibinaba lang ako sa hagdan. Nang makatayo ako bumukas ang ilaw..

Namumula na yata ang pisnge ko dahil kaharap ko si Kelvin..

dug dug dug

"Shey." Nakatulala lang ako. Di ako makagalaw.

"a.. ano?" sabay tawa ko. Baliw lang. Tumingin ito sakin mula ulo hanggang paa.

"Nothing." nagulat ako ng hinawakan nito ang kamay ko. Geez. Puso ko sobrang bilis.

"Eh?" yun na lang ang nasagot ko at hinatak na ako nito kung saan.

Uka uka na ako maglakad ng makarating kami sa beach ng resort na to pano naglalakad na kami sa white sand. Nagulat ako ng bitawan niya na ang kamay ko at hinubad niya ang suot kong sapatos. *SIGH* Salamat naman inalis na sa paa ko yang 6 inch na heels na yan. Di ako sanay mag heels Hahaha.

"Masakit ba?" yung isang paa ko hawak nya. May paltos na pala paa ko.

"Hind-- Aray naman kelvin!" nahampas ko tuloy sya. ikaw ba naman diinan yung may paltos.

"Hindi pa pala masakit yan." didiinan nya na naman sana, buti napigilan ko agad.

"Adik ka. masakit na nga eh!" sabay hatak ko ng paa ko. bwisit to.

"Sayo." ha? ano daw? sayo?

"Ano ako Drugs? nakadrugs kaba ah?" -_-

"Yeah. Drugs ka kaya nga adik ako sayo eh." wushu.

"Utut mo. Baliw." Sabay talikod ko at naglakad. pigilan niyo ko. Sasampalin ko to ng kilig Hihihi. Aatakihin na yata ako sa sobrang bilis ng puso ko.

"sayo." ewan! puro ka sayo eh. Pwede bang Saakin ka na lang? In my dreams!

"He!" ginagawa niya ba to dahil parte ng contract ? o talagang.. No ! No! Imposible naman! Ayokong mag assume, masasaktan lang ako.

Kelvin' s POV

Natatawa na lang ako sa babaeng to. Sarap asarin hahaha. ugh. ano bang nangyayari saakin? Ano to?

Napahawak ako sa dibdib ko bat sobrang bilis.

"Huy! anong nangyayari sayo Kelvin?" Pumunta naman sakin si shey. Nakangiti to sabay tinapik ako nito sa balikat. Sh*t, Mas lalong bumilis.

"Huy!" tumalikod na ako baka kung ano pa mangyari sakin.

"Wala."

"Eh? bat namumula ka?" Daming tanong ugh.

"Wala nga sabi! kulit. tsk."

"Uyyy.. Inlove ka ano?" humarap na ako dito bat parang pilit yung ngiti niya. Anyare dito. May kumirot naman sa dibdib ko. Weird. Parang dati... di kaya...

"Ikaw anong nangyari sayo bat ganyan ka ngumiti."

di ito sumagot sabay talikod at naglakad. Di ko rin maintindihan mga babae. Aish.

May sumagi sa isip ko.
"Do I really love her?"

Next chapter..

●●●●●●●●●●●●●●●●●●

ENJOY READING!

Fan

Vote

Comment

Thank you for reading!

Mr. Present And Ms. Absenera [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon