Continuee..
Chapter 15: why you're avoiding me?
Shey's POV
"HUWAAAAH ano bang araw to nadidiri ako. Ang dami dami kong nakikitang post sa fb na mga May date at sweet Kadiri lang. -_- Bitter ba? Ayoko lang talaga ng valentines. Phew~ MAKAKAIN na nga at Makapag asikaso may Booths pa kaming gagawin para sa Valentines day palapit na ng palapit at 1 week na lang Valentines na." Matawagan muna si Grace siya yung president namin sa section. Itatanong ko kung anong oras pwedeng pumunta dun at ng matapos na yang valentines party at booths sa school. grades lang naman habol ko dun at kakain lang ako ng chocolates, yun alam ko sa valentines kakain lang ng chocolate wihh :')
Mga 3 ring bago niya sagutin. Tagal ah.
"Ms. President what time pwede pumuntang school?" Sabi ko pag kasagot niya ng tawag.
"Shey. Mga 12:00 kana pumunta kasi need natin ng mga heart na baloons at kailangan din ng chocolates para sa event ipapamigay daw yun. ikaw na lang bumili nun tapos singilin mo na lang sila pagdating mo dito. Wala tayong klase basta pag tumulong at nagpalista na ng names dito para sa attendance na din yun sa school sabi ni Mam. Kumain ka muna bago ka pumunta dito atsaka pala mga 6:00 na ang uwi natin dito na lang tayo kakain ng Lunch at meryenda. Sagot na daw yun ni Harry." Ah. Kailangan ko pa yatang mag withdraw ulit sa atm ko maghahanap na talaga ako ng trabaho hays. Bukas na kaya yung national bookstore ? maaga naman nagbubukas yun.
"Ah sige ms. President. Thankyou." Pag kasabi ko nun binaba ko na yung tawag.
Si harry daw may sagot ng foods? Eh parang nahihiya na nga ako kay harry. di ko makalimutan yung nangyari nung Last 2 weeks May kasalanan pa ako. Eto kasi si kelvin eh pati ako nadadamay sa kabaliwan nya nakoo
Kukuha na nga din ako ng extra pang kaen ko. Nahihiya ako kay harry no.
Ilang weeks na kaming di nagkikita.
Medyo naguguluhan na din ako sa feelings ko eh. Di ko alam.
-------
National Bookstore
Libot lang ako ng libot hinahanap ko kasi kung san yung baloons. Alam ko meron yun dito eh
FINALLY ^^ nakita ko narin. Kumuha na ako ng mga 4 pack ng baloons may 50 pcs siya per pack. So 50 times 4 ... 200 pieces na siya :) okay rin haha galing ko talaga sa math pero bat sabi nila bupuls ako ewan bat ba yun pa iniintindi ko dapat pumunta naman ako ng Supermarket kailangan ko bumili ng chocolates.
After kong makabili ng chocolate . Busog na busog na ako *0* hahaha syempre dito na ako kumain sa SM. Nakakatamad magluto eh.
Huwiiee? Baka masunog lang kasi luto mo. ~brains
-_- epal Oo na lang. ang totoo nyan Pili lang kaya kong lutuin no. Malay ko ba basta ako kakain ako solve na.
--------
Nandito narin ako sa school mga 12:15 na ako nakarating kasi naman traffic eh. banas . Hay, importante nakapunta ako ng safe sa school
Nakita ko agad si ms. President sa room. Mamaya pa yata ilalagay yung mga kubol sa labas ng school. Dito sa room pag uusapan lang yung Mga booths at design para sa event. Yung section 1 naunahan na kami kasi last week pa sila nag start sabagay kasi mag lalagay pa sila para dun Auditorium sa kanila din kasi naka assign yun para sa valentines party. Alam ko din may mga games na ipapagawa dun.
"Shey!" Tawag agad ni ms. President sakin napansin niya ako dito sa may bintana. kaya para akong tanga na magtatago eh kasi naman balak ko pang mamaya ibigay kay ms. President yung pinabili kasi nandun si harry eh ay malamang sa malamang kaklase mo siya shey stupid me. -_-
May hawak pala akong cap kaya ang ginawa ko sinuot ko yun at para akong baliw at pati sarili ko di ko na alam at bigla na lang lumabas sa bibig ko to,
"Ahehe. pinapahatid po to ni Mam. Shey natraffic po kasi siya sa daan eh." Baliw ka talaga shey (/~\) nakita ka na nga ni Ms. President eh
"Hahahahahaha. Pfft." Tawanan nilang lahat ano ba shey baliw ka kasi eh kaya ang ginawa ko tumalikod na lang ako At sinarado yung pinto at napaupo dun. NAKAKAHIYA AKOOO.
"Nakakainis ka shey bat ka ba kasi umiiwas kay harry. Tanga ko kasi eh. may kasalanan ako... bat kasi ganito. " bulong ko sa sarili ko habang nakahalumbaba at yung ulo ko nakasubsob sa binti ko.
Tumaas ang balahibo ko ng biglang may lumabas sa pinto at may narinig akong tumabi sakin.
"Shey.."
Hindi parin ako umaalis sa pagkahalumbaba. parang feel ko maiiyak ako di ko rin maintindihan sarili ko.
"Hmm b..bakit?" Sagot ko kay harry. Di ako makaharap sa kanya. Ewan ko. Naguguluhan ako.
"Ayos ka lang ba?" Diba dapat ako ang nagtatanong sa kanya nyan kasi ako yung may kasalanan..
"Ayos lang ako. Ikaw dapat tinatanong ko nyan harry. Sorry p--
"Hindi ako okay. Pero yun talaga ang Totoo na hindi mo talaga ako gusto. Si Kelvin naman talaga gusto mo diba.. okay lang yun shey.. naiintindihan kita. ako naman may gusto na ligawan ka" Pag kasabi niya nun ngumiti siya alam kong pilit lang yun. Tsaka niya pinat yung ulo ko.
"why you're avoiding me?" Natahimik ako ng tanungin niya ako nun.
"Kasi... may kasalanan ako diba... nahihiya kasi ako may kasalanan ako..harry sorry..."
Pinunasan ko na yung luha ko.
"Tara na nga inaantay na nila tayo. Tandaan mo okay wala kang kasalan. Ginusto ko yun. Tama na nga hahaha We have only 1 week na lang para sa Valentines party." Sabi niya tsaka niya ako tinulungang tumayo.
"Harry. Thankyou." Pag kasabi ko nun hinawakan ko siya sa wrist at hinatak ko siya papunta sa room. Medyo Gumaan na pakiramdam ko kailangan na muna namin intindihin yung sa Preparations :,)
Next Chapter...
End of Chapter 15
--------------
-------**
Authors Note 2 chapter na po inupdate ko para makabwi kasi tagal ko pong di naka UD. THANKYOUU NG MARAMI sa nag rread nito di ko inexpect na aabot ng 1.6k na nagread nitong story ko, kahit medyo ek ek lang tong story ko may nagbabasa parin. God Bless. :) Valentines palang dito sa story XD pag pasensyahan po HAHA^^
BINABASA MO ANG
Mr. Present And Ms. Absenera [On-Going]
Novela JuvenilDi po ganun kagandahan yung story ko.Thankyou sa mga magbabasa Po nito ❤ God Bless You All :'3 Ito ay story ng isang babaeng absenera. Siya lang naman si "Hershey kaite Morales". 14 years old. 3rd year Highschool Student, Sa M.A University. Maingay...