❤Chapter 30: Mendoza's Reunion 1' ❤

705 17 11
                                    


Continued..

Shey's POV

"Shey." umupo ako sa kama ng hindi pa minumulat ang mata. Antok pa ako!

"Mauna kana, wait niyo na lang ako sa baba." sabi ko kay mia at ang narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo.

Mainit lang pinangligo ko, Sabi kasi sakin masama daw naliligo ng malamig lalo na kapag kulang pa sa tulog.

Pagkatapos kong Maligo pumunta na ako sa Wardrobe ko. Kumuha ako ng dadalhin kong damit at nilagay ko na sa travel bag ko. Nag suot na din ako ng Crop top na plain white tapos nakapants ako high waist and naka sneakers. Naglagay lang ako ng lip tint at powder. Two days and one night daw kami doon.

Kinuha ko na yung phone ko sa table at nag lagay ng headphones. Ready to go na, kahit antok pa ako sa totoo lang.

"Wow! Humahigh waist ang bestie ko!" Sabi nito sabay tawa.

"Tse, ikaw nga labas yang balikat at pusod mo eh ewan ko na lang kung hindi magalit yung isa dyan." Sabi ko sabay tawa din, inirapan lang ako nito oh diba, naasar siya.

Sumakay na kaming lahat sa Van. Sa unahan yung mami ni mia, sa second row ako, si mia at si luke. May driver naman kaya di na daw kailangan mag drive ni luke.

At dahil inaantok pa ako, matutulog muna ako.

⭐⭐⭐⭐⭐⭐

Nakakabadtrip na araw bukod sa wala na ngang tulog eh ito pa ang nangyari.

FLASHBACK

"Shey, gising na! Nandito na tayo!" sabay tapik sa akin ni mia.

"Wait lang bes, masyado kang excited inaantok pa ako." Sabay pikit ko.

"Joke lang bes, wala pa tayo sa resort. Nasiraan tayo eh. HUHUHU" Sabi nya with matching iyak iyak pa.

"Paanong nasiraan? Naflat yung gulong?"

"Uhmm. Basta sabi ni kuyang driver, nasiraan tayo kaya ganito ang mangyayari papunta na dito sila Kelvin bale sumabay kana sa kanila kasi kami susunod na lang kami pag naayos na itong van. "

ANO DAW?

"Antayin ko na lang kayo, ayoko nga sumabay dun." Sabi ko sabay labas ng van.

"Hindi pwede bes, Yun na kasi yung napagdesisyunan. Pili ka; letter A. Sasabay ka kay kelvin, letter B. Yung sagot sa letter A at Letter C. Yung sagot sa letter b So mamili kana?" Sabay puppy eyes nito.

ARGH. nakakainis talaga tong si mia, kahit kelan no choice ako kasi pare-parehas lang ang choices.

End of Flashback

Kaya ito katabi ko lang naman yung asungot na to. Porket sumabay ako akala niya bati kami. FYI, Walang Kami. Ayt OA ko ha! Wala naman nag tanong.

"Kumain kana ba?" Sabi nito sakin pero di ko pa din siya pinapansin.

"I'm Asking shey.. can you please answer my question!?" Aba! Siya pa may ganang magalit.

"Wala kana dun!" Sabi ko sabay tingin sa bintana.

Hindi na ito ulit sumagot at may inabot to sakin na isang box ng pizza.

"Ikaw na lang kumain." Sabi ko sabay balik sa kanya nung pizza.

"Itatapon ko to O kakainin mo? Manong pakitapon na lang po nito" utos pa nito sa driver ng kotse.

Lakas nito maka pang black mail ng itatapon ayoko kasi may nasasayang na pagkain sa totoo lang.

Mr. Present And Ms. Absenera [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon