#Unexpected.
Continue..
Shey's POV
Natapos ang araw ng exam at ngayon namimili kami ng susuotin namin sa JS PROM.
"Kaite! bagay ba sakin?"
tumingin ako kay mia at mapapawow ka na lang sa suot niya ha, Dark blue ang kulay nito yari ito sa strechable na tela kaya fitted pag sinuot. Long back ito. pero ang mas nagpapaganda dito ee puno ito ng beads, kaya bagay na bagay to kay mia Sa sexy ba naman nitong babaitang to.
"Bagay besie, kaso may mukhang magagalit yata sa suot mo."
"Ha? si luke? bat naman magagalit yun sapakin ko siya ee. Di ko siya BOYFRIEND no! FYI, Manliligaw pa lang." sabi nito.
"Sus! Oo na lang." tsaka ako tumalikod na ulit para tumingin dito sa kabilang side para tumingin pa ng dress.
May nakita akong Puschia na dress, lace ito at pag sinuot ko ito kita ang legs ko kaya kailangan to suotan ng cycling. masukat muna nga.
"Bes sukatin ko l-" naputol ang sasabihin ko ng may humawak sa dress na hawak ko. Sino naman ito.
"Miss ito yung dress na pinaorder ko diba? bat binenta niyo sa iba?" What? pinagsasabi nitong babae na to. sa inis ko tiningnan ko ito. mukhang mabait naman siguro? aba't malay ko ba di ko naman kilala ang isang to. medyo singkit ito at pag tiningnan mo ito para itong model ng shampoo sa ganda ba naman ng buhok ee straight na straight, Brown ang buhok ang nito. maganda rin ito Parang pang model ang datingan.
"Ay Mam, di po yan yun. Ang totoo po nyan ee may kumuha na ng dress na pina reserve niyo at mas binayaran ito ng malaking halaga." paliwanag nung babae.
"Ahh, ganun ba sige pakitawag ang manager niyo." humarap ito sa'kin at ngumiti.
"Sorry miss, akala ko kasi ayan na yung pinareserve ko ee. Medyo hawig kase ee." sabi nito sa'akin.
"Okay lang yun, Susukatin ko pa lang naman ito." ngumiti ito at saka umalis na kasama yung sales lady.
"Oy bes, kaloka akala ko magkakawar kana sa dress na yan buti mabait naman yung babae. Sukat mo na nga yan!"
After naming mabili yung susuotin namin. Bigla na lang bumuhos ang ulan. Ugh. Kung mamalasin ka nga oh. Nag commute pa naman kami ni mia papunta dito. Tapos wala pa kaming parehas na dalang phone.
"Hala bes! paano tayo makakauwi?"
"Hmm, ganito na lang susugod ako sa ulan para makahanap ng taxi okay bes?" Mga ilang minuto bago sumagot si mia.
"Huwag na kaya kaite. Kasi baka magkasakit ka pa. Antayin na lang natin tumigil yung ulan."
"Hindi, basta antayin mo na lang ako. Hindi naman pwedeng dalawa tayong susugod kasi madami tayong dala."
"Sigurado ka kaite ha, sige pero pag nagkasakit ka huwag mo ko sisisihin. Dejoke. Ingat ka bes ha."
***
'Suersuela's Mansion 8:05 pm'
Nakauwi na kami ni Mia kaninang alasyete ng gabi. At inaayos ko na yung nabili kong dress para sa prom. Grabe basa ko kanina. Ayaw pa magpasakay nung ibang taxi.
*boogsh*
Aray ko. May nahulog na kung ano sa ulo ko. Ugh masakit na nga ulo ko ganito pa.
BINABASA MO ANG
Mr. Present And Ms. Absenera [On-Going]
Teen FictionDi po ganun kagandahan yung story ko.Thankyou sa mga magbabasa Po nito ❤ God Bless You All :'3 Ito ay story ng isang babaeng absenera. Siya lang naman si "Hershey kaite Morales". 14 years old. 3rd year Highschool Student, Sa M.A University. Maingay...