❤Chapter 28: Prom Night❤

841 29 5
                                    

Author's note: Super Late Update

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 28: Prom Night

"Okay ka lang ba talaga shey?" paulit ulit kong naririnig na tanong kay harry at mia.

"Okay lang ako." paulit-ulit ko din sagot at ngumiti sa kanila.

wala na silang nagawa kaya nagbuntong hininga na lang ito at nagpatuloy sila sa pagkain. Kasabay nun biglang tumugtog, na dahilan ng pagtayo ng ibang teachers at istudyante para pumunta sa gitna at nagsasayaw ito.

"Halika, kaite! bilis!" sabi ni mia at hinawakan ako sa wrist at hinahatak para tumayo. Wala akong gana makipag join. Sigh.

"Wala ako sa mood sumayaw eh." sabi ko kay mia at napapout naman ito. natawa na lang ako sa mukha nya.

"Hahaha! ewan ko sayo mia di mo ko mapipilit."

"Hmmp. sige na nga! sa susunod na lang!" pagkasabi niya nun hinatak na niya si luke at pumunta sa gitna.

"Hindi ka sasayaw?" ask ni harry.

"Oo." sabi ko at ngumiti.

"Kelvin! Tara sayaw tayo please?" rinig ko mula sa kabilang table at napatingin ako. Sino pa nga ba si key lang naman. Ang ingay nya masyado ha. Edi sumayaw sila. Paki ko ba?

Nagkatinginan naman kami ni kelvin. As if naman na tatanggi yan sa new gf niya. At Tama ako di nga siya tumanggi... hinawakan pa niya si key sa bewang..

Naiinis ako na hindi ko maintindihan!

Nagulat ako ng hinatak ako patayo ni harry at dinala sa gitna kung saan lahat ng istudyante nag sasayawan.

"Antayin mo ako, huwag kang aalis dyan. Okay?"

Nang makaalis ito, Medyo nao-op ako sa mga istudyante dito paano ba naman sayaw lang sila ng sayaw kasama ang mga kaibigan nila na parang walang pakialam sa mundo.

Natawa ako ng may istudyante na lalaki ayt or should i say na binabae, na nag split. Nang tumayo ito ay tiningnan ang pants nito kung may butas o kung ano man.

"Potek!?" nagulat ako ng may bumunggo sa akin.

Edi sino pa nga ba? Yung bruhildang babae lang naman ni drae kelvin mendoza! Tumawa pa ito. Kumunot na yung noo ko sa inis, huminahon ka shey Behave okay? remember behave pero potek!

"Ayos k--" pinigilan ko magsalita si kelvin.

"Bwiset! Ilalayo mo sa akin yan o masasabunutan ko yang babae mo."

"Anong sabi mo?!" akmang susugurin na ako ni key, ngunit napigilan na ito ni kelvin at hinatak na ito palayo.

Tss. Napairap na lang ako sa inis.

Nasan kana ba harry? mapapaaway pa ako ng wala sa oras dahil sa babaeng yun. Nananadya eh!

"Kaite, sorry natagalan ako." rinig kong sabi ni harry habang natakbo papunta sa akin. Medyo magulo na din buhok nito at pawis. Saan naman kaya ito galing?

"San ka nagpunta harry? Alam mo bang muntik ko pang makaaway yung babae ng kapatid mo."

"Eh nasan ba si kelvin at si key? kakausapin ko." akmang hahanapin na ito ni harry pero pinigilan ko na ito.

"Hayaan mo na. San ka ba nagpunta?" sabay punas ng pawis nya sa noo.

Imbis na sagutin ang tanong ko, Niyakap ako nito. Naamoy ko naman ang pabango niya. Hmm! Ambango nya kahit pinawisan na siya! hihi.

Mr. Present And Ms. Absenera [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon