Huwebes na pero nasa isip ko pa rin ang ibinahagi sa akin ni Jill. Wala tuloy ako sa wisyo na makapagbasa ng libro dahil masyadong inukopa ng suliraning iyon ang aking isip. Mabuti na lang ay hindi pa ako nawawala sa tamang katinuan.
3:43 PM. Iyan ang oras sa aking orasan na nasa study table ko. Natatagalan na kasi ako sa oras dahil hapon na ay wala pa si kuya Errol. Ayon kay Reagan, ngayong Huwebes ang pagdating niya mula Subic kasama si Lio.
Natatagalan ako dahil gusto ko ng matapos ang kaba at takot na nangingibabaw sa aking sistema. Naisarado ko na lang agad anv aking librong hawak. Hindi na ako mapalagay sa maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay sa aking paligid.
Pero ang inaasam-asam kong maganap para sa hapong iyon ay hindi natuloy. Dumating na nga daw si Kuya Errol kaso ipinatawag na naman ito ng kanilang boss. Hindi ko lubusang maisip na workaholic na ang aking panganay na kapatid. Oo, dati ng seryoso siya sa trabaho niya pero hindi tulad na ito na sa palagay ko'y wala na siyang pahinga batay na rin sa kwento ni Reagan sa akin nang mag-usap kami kagabi.
Isang kisapmata ang araw na iyon para sa akin. Ang mga sumunod na araw pa, hindi ko pa rin matanaw miski anino ni kuya. Busy lang ba talaga siya sa trabaho? O baka naman ayaw pa niya akong kausapin dahil sa aking kasalanan? Sana naman iyong unang sumagi sa aking isipan.
Ang unang buwan ko ay hindi naging mahirap sa akin. Kahit na may mga pagbabawal sa akin, hindi iyon naging balakid sa pagkakaroon ko ng katahimikan lalo na ang pagbuntot ni Jill sa akin. Siya ay naging parte ng aking pamumuhay. Masasabi kong naging mailap ako sa kanya at hanggang ngayon kahit na may apat na linggo na kaming nagkakasama. Ang bilis ng panahon parang kailan lang ay Marso palang at nasa Puerto Galera kami ni Rigor. Umabot pa ang aming pagtigil doon hanggang katapusan ng Abril. Wala akong pinagsisisihan kahit na nagalit pa sa akin si kuya.
Hanggang sa puntong ito ay wala pa kaming interaksyon ng aking kapatid. Sina Reagan at Jill ang dalawang tao na nakakausap ko. Lagay na ang loob ko sa kanila bilang aking mga kaibigan kahit hindi pa ganoon katagal ang aming pagsasama. Kahit papaano ay nabawasan ang lumbay na nararamdaman ko sa paglalayo namin ni Rigor.
"Magtiis ka muna sa ngayon, Lala. Huwag kang magmadali na magkita agad kayo ni Rigor lalo na mainit pa ang ulo ni Errol sa kanya. May tamang pagkakataon 'yan. Believe me!"
Pinayuhan ako ni Reagan nang mapansin niya ang pagiging matamlay ko sa kabila ng paglalamyerda namin sa siyudad. Hindi ako makuntento sa mga pinamili nilang damit, sapatos, gadget para sa akin. Hindi rin lubos ang kaligayahan na naramdaman ko sa pamamasyal namin sa theme park at sinehan. Nakukulungan ako kasi si Rigor ang gusto kong makasama.
"At saka maawa ka naman sa taong 'yon Tweety, bukambibig mo na siya sa bawat araw na ginawa ng Diyos. Mamamatay na 'yon sa sunud-sunod na nabibilaukan na siya tuwing naaalala mo!"
Kumunot ang noo ko sa narinig ko kay Jill.
Ito naman ang opinyon ni Jill nang buong maghapon kaming nakababad sa video game sa loob ng kanyang kwarto na kaharap lang ng aking silid. Panay pa rin kasi ang salaysay ko tungkol kay Rigor. Hindi nakakapagod at naiisip ko na kapag nababanggit ko siya ay nasa aking tabi lang ang lalaking mahal ko.
Ngumiti lang ako sa kanyang sinabi. Hindi nila maiintindihan ang nangyayari sa akin dahil hindi naman sila ang umiibig kay Rigor.
"Bakit ba ayaw na ayaw ni kuya kay Rigor para sa akin?"
"Manloloko 'yon eh."
"Ikaw ba hindi?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Isang pagsusulit ang gagawin kong tanong sa kanya.
Humagalpak siya ng tawa kaya napahiga na siya sa sahig. Humahampas pa ang isang kamay na para bang nakakatawa ang tanong ko.
"Hindi ko sila niloloko, Angela. Ang problema sa mga nakarelasyon ko ay habang patagal ng patagal nagiging psycopath sila. Minsan nga di na sila girlfriend eh, stalker na!"
"Manloloko ka kasi. Nagsisinungaling ka pa at dinadamay mo pa si Rigor sa kalokohan mo."
"Totoo naman din kasi na di siya tumitigil sa isang relasyon. Nakita na namin 'yon eh lalo na si Kuya Errol."
Umiwas ako ng tingin kay Jill sa mga salitang iyon. Walang bahid ng kasinungalingan o paninira ang kanyang mga salita.
Naisip ko tuloy kung gaano ko kakilala si Rigor kumpara sa pagkakakilala nina Kuya Errol, Reagan, Jill, Allister, Harris at Lio. Bago ko pa naging kahalubilo si Rigor ay sila na ang unang magkakasama. Kaya marahil ay may pag-aalinlangan sila sa ikinikilos ni Rigor.
"Ano bang status niyo?"
Umupo sa aking harapan si Jill. Interesado siyang malaman ang namamagitan sa amin ni Rigor. Kaso wala akong mahanap na tamang salita kung ano nga ba ang tunay na estado namin ni Rigor. Hindi ko rin kasi alam. Ang kasiguraduhan lang ay nauunawaan namin ang isa't isa. Pareho naming sinasabi na mahal namin ang isa't isa kahit sa mga yakap at halik pa lang. Pero di ko magawang maibuka abg aking bibig upang ipaabot ito kay Jill.
"Wala kayong relaayon di ba?"
Tango lang ang tanging nagawa ko sa kanyang deklarasyon. Iyon ang katotohanang hindi man lang naisip ng tulad nang magkasama pa kaming dalawa ni Rigor. Kumirot ang puso ko. Bakit di ko iyon agad naisip?
"Don't rush into things na wala ka namang pinanghahawakan. Ni hindi ka niya girlfriend pero sumasama ka sa kanya? Ano 'yon, Angela? Hindi ko makuha ang nangyari sa'yo." Tumayo na siya at nag-inat ng katawan.
Masyado ko nga bang minadali ang mga bagay-bagay? Naging mabilis nga ba ang mga pakiramdam ko para magkaroon ng konklusyon na tunay ang nararamdaman para sa akin ni Rigor? O baka naman guni-guni ko lang ang lahat ng iyon? Hindi ko alam pero naniniwala pa rin ako kay Rigor. Nakasama ko siya. Nakilala ko siya at taliwas ito sa mga sinasabi nilang lahat. Ano ba ang dapat kong gawin?
"Payong kaibigan lang, Angela, di pa huli ang lahat. Huwag kang magmadali sa paghahanap ng pagmamahal na gusto mong makamit. Darating din iyon. May mga bagay kasing naisasakatuparan natin dahil iyon ang nakatakda. Marami ka pang makikilalang lalaki."
Hindi nagkulang sa payo sina Reagan at Jill. Nakakatuwa na kahit naging ignorante ako sa kanilang dalawa ay nakapagtiis sila sa aking ugali. At dahil doon, nakasanayan ko na ang kanilang presensya ganoon din naman sila sa akin. Pero tulad ng iba, nag-aaway at nagkakatampuhan din kami. Iyon nga lang kailangan nilang makipag-ayos sa akin dahil sila na ang tumatayong legal guardians ko. Napangiti na lang ako nang naamin ko sa sarili ko na kaya ko ng magtiwala sa ibang tao. Saglit kong nakalimutan ang kalungkutan ko sanhi ng pangungulila ko kay Rigor dahil nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Get a Grip
RomanceSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...