Kabanata 5 Found

34 1 0
                                        

Pagkarating ko sa bahay, si Mrs. Morfe lang ang nadatnan ko. Nakatitig siya sa kanyang laptop sa may terasa. Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. At patuloy pa rin siyang nakatingin sa laptop niya na parang di niya pansin na naririto ako. Tumikhim ako at bumati sa kanya.

"Magandang umaga po."

"Nakainom ka na ba ng gamot?",di niya pinansin ang pagbati ko bagkus ay nagtanong.

"Opo."

"Kahit ngayong tanghali?",umiwas ako ng tingin sa kanya. Umiiral na naman ang pagiging sikolohista niya.

"Kumain ka muna bago humarap ulit sa'kin."

"Oh sige."

Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang chopsuey sa pridyider. Kagabi pa ito kaya ininit ko muna sa gasul.

Pagkatapos mainit ay kumain akong nag-iisa sa hapag-kainan. Bigla akong napatingin sa cellphone na nasa aking tabi. 'Hinanap kaya ni Reagan ito?' 'Ibabalik ko na lang ito sa kanya ng palihim.' 'Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng pagkakataong makasama si Rigor.'

Iyan ang nasa isipan ko ngayon. Napakalaki ng tulong nito sa akin.

Agad akong tumuloy sa terasa nang mainom ko na ang gamot. Naabutan kong nakatanaw si Mrs. Morfe sa aming bakuran. Agad din siyang humarap sa akin nang maramdaman niya ang presensiya ko.

"Angela, nahanap mo na ba ang iyong sarili?"

Kumunot ang noo ko sa panimula niya. Narito na naman kami sa malalim na usapan.

"Iyan ba ang leksyon natin ngayon?",nagbalik din ako sa kanya ng isang tanong.

"Oo naman. Ang pagpunta ko dito ay upang maturuan ka ng mga bagay-bagay. Binayaran ako ng kuya mo kaya dapat suklian ko iyon."

"Kung di binayaran ni kuya, tuturuan mo ba ako?"

"Depende."

"Ang pangit ng sagot mo. Hindi maganda para sa isang guro.",walang anu-ano'y nasabi ko sa kanya sabay ikot ng aking mga mata. Humalumbaba ako sa mesa.

"Kung di kita kilala, di rin kita matuturuan kahit pa hindi ako bayaran.",umupo na rin sa aking tabi. Inismiran ko lang siya.

"Bueno, kamusta ba ang buhay mo dito?",dagdag pa niya.

"hara kiri..."

Mahinhin siyang tumawa. Akala niya siguro ay nagbibiro ako. Ang hara kiri ay ang pagpapatiwakal ng mga Hapon kung nararamdaman nilang

wala ng kwenta ang kanilang buhay sa mundong ito ayon sa pagkakatanda ko.

"Ang pangit ng sagot mo. Hindi maganda para sa isang binibini."

"Ano ba talaga ang punto mo?",naiinis na ako sa kanya. Marami siyang pagliliko, hindi niya pa ako diretsuhin.

"Ang makilala ang iyong sarili sa paghahanap mo sa iyong sarili."

Pinagsalikop ang aking mga kamay dahil sa pangangatal nito. Hindi ako komportable sa ganitong usapan.

"Ayoko ng ganitong usapan."

Hinawakan ni Mrs. Morfe ang aking mga kamay. Naramdaman ko ang init ng kanyang mga kamay sa aking balat.

"Hindi ka pa ba handa?"

Tumango ako sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa akin. Napatitig tuloy ako doon. Para siyang ina na nilalambing ang kanyang anak.

"Kung handa ka na, sabihin mo lang sa akin. Ligtas lahat ng mga bagay sa akin tungkol sa iyo."

"Kahit kay Kuya Errol?"

"Oo naman. Ang nangyayari sa terasa ay tayo lang dalawa ang nararapat na makaalam.",pagdidiin niya na ikinagaan naman ng aking sarili.

Ang aming usapan ay nalihis sa pag-aaral namin ng Matematika, Agham at Pampolitika. Ngunit magkagayunman, sumasagi pa rin sa aking isipan ang tungkol sa aking sarili. 'Sino nga ba ako?',mga katagang paulit-ulit na sinasabi ng aking isipan.

Palubog na ang araw nang matapos kami sa aming aralin. Tumayo ako sa upuan at nag-inat ng katawan. Si Mrs. Morfe naman ay naghahanda ng umalis.

"Mrs. Morfe, nahanap ko na ang aking sarili. Naramdaman ko ang totoong kaligayahan dahil ng isang tao. Walang pagkukunwari, walang pagkontrol, walang pag-aalinlangan, iyan ang kalayaang natagpuan ko sa kanya. Iyon ang gusto at minimithi ng puso ko. Nahanap ko ang ipinagkait na paraiso sa akin dito sa bahay. Masaya ako.",lakas-loob akong nagsalita sa kanya.

Sumeryoso ang mukha ng matandang babae. Mukhang napaisip siya sa sinabi ko. Pero iyon ang gusto niyang marinig kanina, di ba?

"Sana ay hindi ka malunod sa kumunoy."

Iniwan na niya ako pagkatapos niyang wikain ang mga salitang iyon. Malawak at mabigat talaga ang mga binibitawan niyang salita. Nakakapanghina at nakakapagod ng utak.

Pumasok na ako sa aming tahanan nang tuluyan nang makaalis ang aking guro. Tumuloy na ako sa aking kwarto at ibinagsak ang sarili sa aking kama nang ako ay makarating. Sabay buklat ng cellphone ni Reagan na ninakaw ko. Pumunta ako sa Audio and Ringtones nang maisipan kong makinig ng musika. Sa sobrang tahimik ng bahay ay walang segundo na umaalingawngaw sa aking sistema ang mga binitawang salita ni Mrs. Morfe, 'ang mahulog sa kumunoy' dahil sa nahanap ko na ang aking sarili. Inaamin kong may taglay akong karunungan ngunit wala ito sa kalingkingan ng ginang na iyon kaya nalilito talaga ako sa kanyang punto de vista.

Found myself in Wonderland...

Iyan ang lirikong nagpabalik sa akin sa oras na ito. Aksidente ko palang napili ang kantang Alice ni Avril Lavigne sa cellphone na ninakaw ko na sakto naman sa aking sapantaha.

Sa piling ni Rigor, hindi na ako si Cinderella na isinayaw niya habang wala pa ang alas-dose. Dahil mas masayang maging si Alice in Wonderland. Sa mundo ni Rigor, naranasan kong makita ang liwanag ng gabi, malasap ang sariwang hangin, maisayaw habang nasa ilalim ng bilog na buwan at ang kunwaring paglipad habang nakasakay sa kanyang kotse. Siya ang kunehong nagdala sa akin sa bagong mundo. Lubos na kagalakan ang idinulot nito sa akin, ang makabagong Alice.

Kaya dapat maging masaya para sa akin si Mrs. Morfe sapagkat nararamdaman ko na unti-unti akong gumagaling dahil ni Rigor na nagpakawala sa akin sa kulungan at tumulong sa akin na mahanap ang sarili ko.

Nang mag-low battery ang cellphone na hawak ko ay inilapag ko na lang sa side table. Paulit-ulit kasi iyong kantang napindot ko kaya nawalan ng baterya. Ipinikit ko na lang ang aking mata upang makatulog na sa pagod sa pag-iisip ng mga bagay.

Get a GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon