"Hindi ako makapaniwala na may relasyon na pala kayo ni Reagan. Ang daya ha!"
Pagkagising ko palang kanina ay di na ako pinatahimik pa ni Jill. May hinanakit siya sa aming sinasabing relasyon ni Reagan na ibinalita naman kaninang umaga. Ang di niya alam ay palabas lang ang lahat.
Ang dami pa niyang sinasabi na di ko na nasundan pa. Nakadagdag sa antok ko ang mga nakakagulat na pangyayari sa paligid ko. Totoo na ba talagang nagkaayos na sina kuya Errol at Rigor?
"Noong nasa Puerto ba kayo ay may espesyal na kayong pagtitinginan?"
Nakatitig lang ako sa pagsasalita ni Jill. Sa sarili ko kasi, iniisip ko iyong nangyari kaninang umaga at hindi ang kanyang tinatanong.
"Ang alam ko kayo pang dalawa ni Rigor? Teka, may relasyon nga ba talaga kayo ni Rigor? O baka naman isa ka na sa bubutasan niya? Madali ka kasing makuha eh..."
Hinihimas na ni Jill ang kanyang baba at nakatingin sa akin na nakahiga pa rin. Mukhang naubusan na yata ako ng lakas makipag-usap sa kanya lalo na sa mga salitang binitiwan niya na hindi ko maintindihan. Isa raw ako sa mga bubutasan ni Rigor? Ano bang sinasabi niya?
Medyo nairita ako kay Jill kaya nawalan lalo ako ng ganang pakinggan siya. Umiwas ako ng tingin at tumitig naman sa kisame. Sana makatulog na lang ulit ako...
"Bumangon ka na nga lang diyan, handa na ang hapunan natin."
Tumayo na siya sa aking kama at nag-inat ng katawan. Inaantok pa akong dumiretso sa banyo upang ayusin ang sarili ko. Sa puyat na inabot ko kaninang madaling araw ay nakatulog na ako matapos kong maligo.
Naghilamos ako ng aking mukha at tumingin sa salamin. Bigla ko na lang naalala na tinulugan ko pala kanina si Rigor pero di niya ako masisisi sa sakit ng katawan na inabot ko. Pinunasan ko na ng bimpo ang aking mukha at lumabas na ng banyo pagkatapos ay naglakad na paibaba.
Kaming dalawa ni Jill ang nauna sa pag-upo sa hapag habang inilalagay ng dalawang kasambahay ang mga nakakatakam na pagkain. Pinagmasdan ko ang mesang puno ng masasarap na ulam at panghimagas samantalang nagagalak ngayon si Jill sapagkat hindi raw kami watak-watak sa salu-salong ito. Pinatunayan lang naman iyon nina Kuya Errol at Rigor na magkasabay na lumalapit sa hapag habang nag-uusap. Natulala ako sa kanilang dalawa. Hindi lang ba likha ito ng aking imahinasyon na wala ng kaguluhan sa pagitan nilang dalawa? Paano kaya sila nagkabati?
"Anong gusto mong kainin, Lala?"
Mahinahon na tanong ni Reagan sa aking tabi. Hindi ko na napansin na nakaupo na silang lahat samantalang sina kuya at Rigor ay huling umupo. Si Kuya Errol ang nasa kabisera tulad ng dati at si Rigor ay nasa aking harapan at nakangiti sa akin.
Inaamin kong naiiyak ako sa mga nagaganap sa aking paligid. Their conversation is so light. It makes me feel that everything's in place. The lines are straight, not the zigzag ones which gave them the upheaval.
Para bang kung magtawanan sila ngayon ay wala silang naging problema. Kung mag-abutan sila ng kanin at ulam ng may ngiti sa labi ay aakalain mong hindi sila nagtutukan ng baril. Ang saya ko lang na makita ko silang ganyan na hihilingin mo na lang na huwag ng matapos ang oras na ito. Ang sarap sa pakiramdam.
"Bakit di ka pa kumakain, Angel? Gusto mo pa bang subuan ka ni Reagan?"
Napakaliwanag ng mukha ni Kuya Errol nang sabihin niya ito sa akin. Para bang hindi siya nagalit sa aking pagtalikod sa kanya ng nasa Puerto Galera ako. Sana ganito na lang palagi.
Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti at mabagal na umiling. Ni hindi ko kayang makapagsalita dahil sa sobrang kagalakan. Napakagaan ng aking dibdib. Akala ko tahanan ko na ang mga bisig ni Rigor, iyon pala ay may kahalintulad pa ito. Hindi talaga nawawala ang lukso ng dugo na kahit ano pa man ang napagdaanan ninyo ay babalik pa rin ang tawag ng magkakapamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/8538551-288-k259783.jpg)
BINABASA MO ANG
Get a Grip
DragosteSapat na ba ang salitang pag-ibig para mahalin ang isang tao? Sapat na rin ba ang salitang paglayo upang makalimutan siya? Kaya mo bang maging matatag sa maaaring kahantungan ng pagmamahalang ito? At dapat na bang kaawaan ng kalangitan ang pagsintan...